Chapter 5

2.7K 53 0
                                    

Augustine Rae

-----

Nagising ako ng makarinig ako ng ingay na pamilyar sa pandinig ko. Iminulat ko ang aking mga mata at unang bumungkad sa akin ay ang nakatalikod na si kuya Allen habang busy sa paglalaro ng ML.

"Oh shit!" napairap ako.

Ano bang meron sa ML at adik na adik ang mga lalaki riyan? Maging ang iilan na nga babae ay nae-empluwensyahan nila sa paglalaro.

Sinikap kong umupo sa kama ko kaya medyo gumalaw ito. Napansin naman ni kuya Allen yon at agad akong nilingon.

Nanlaki ang mga mata nya. "Uy, buti buhay ka pa."

Hinampas ko sya ng unan. "Gago!"

Tinawanan nya lang ako at ibinalik ang atensyon sa nilalaro. Sumilip ako. "Nakaka-adik ba yan?"

Sandali nya akong sinulyapan at ngumisi. "Oo, gusto mong subukan?" napataas ako ng kilay.

-----

"Puta!" nakakailang mura na si kuya Allen habang ako ay kanina pa ngumingisi.

Hindi ko alam na ganito ka kahirap mag-rank sa ML na ilang minuto lang ay nanalo na agad ako. Gamit ko ang cp ni kuya Allen, ibig sabihin sa kanya napupunta yung points ko sa paglalaro.

"Tang ina, akala ko ako lang ang adik sa ML! Fuck!" ginulo nya ang buhok nya na ikinahalakhak ko.

"Oh ano kuya? Bilhin ko na ba tong account mo? O kaya naman, one on one tayo?" pang-aasar ko.

"Ewan ko sayo! Hindi ka na makakalaro ng ML, ipa-pablock ko ang larong to sa cellphone mo. 'Amina?" sabay lahat ng palad nito sakin.

Bumelat lang ako sa kanya. "Bleh."

"Augusto!" sinamaan ko sya ng tingin.

"Sakin na cellphone mo kung ayaw mong ipa-consfiscate ko yan sa tatay mo." tinaasan ko sya ng kilay.

"Like dad would do that?"

Ngumisi sya sakin. "Anong akala mo? Hindi ko alam? Ano nga bang kahihiyan ang ginawa ng isang Augustine Rae sa engagement party kahapon? Hmm?" namutla ako.

Shit! Oo nga pala! May kasalanan pa 'ko kay dad. Pero teka, paano kami nakauwi? Huli kong naalala ay bumagsak ako pagkatapos kong mahilo. Pero hindi ko naaalala ang mga ginawa ko bago yon. Ano bang nangyari?

Tinitigan ko si kuya. "Bakit? Anong nangyari?"

Tinawanan nya 'ko. "Bakit hindi mo tanungin si papapips? Bahala kang mamoblema." tumawa sya ng malakas bago lumabas ng kwarto ko.

Narinig ko pa syang sumigaw na, 'Gising na ang lasing!'.

Damn. Uminom ba ko kagabi? Shit. Bakit ganun? Hindi ko naman first time makainom ng hard drinks, anong klaseng beer ba ang nainom ko?

Kung tatanungin nyo ako kung nakainom na 'ko ng wine. Wala pa, I prefer hard drinks than wines. I have high tolerance when it comes to alcoholic drinks na nakakalasing talaga. That's why malaki ang pagtataka kung bakit bigla nalang ako bumagsak kagabi.

Uminit ang ulo ako ng may matandaan pa 'ko. Wala man lang nag balak na sumalo sakin nung pabagsak na ko. Mga walang'ya.

Napahawak ako sa likod ng ulo ko. Kanina pa to sumasakit pero ngayon ko lang napansin talaga. Haist!

Makaligo na nga lang!

-----

Khalil Galvan

Married By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon