MADE IN HEAVEN
Philippines Copyright 2015
This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.
No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.
========================
How IT all BEGIN
"Miss Leila, parang awa n'yo na. Huwag po kayong umalis!" kandaiyak na pakiusap ni Madel sa amo niya.
Pinabantayan ito sa kanya ng sariling ama nito na si Don Julio Enriquez dahil kasal na nito kinabukasan at parang nakakatunog ang Don na may planong tumakas ang anak.
She was scared of the task. Noong una ay ay nagtaka siya kung bakit siya pagbabantayin ng anak ng Don samantalang malaki na ito? Ikakasal na nga ito kinabukasan. At isa lang siyang katulong sa bahay na pinagtitiwalaan ng mayordoma ng mas responsibleng trabaho na ginagamitan ng pag-iisip at hindi lang puro kilos at galaw. Her intelligence came from spending so much time in the library during her free time. Dahil sa mga pangyayari sa buhay niya na hindi niya naiwasan, isang taon lang sa college ang narating niya kahit pa ba scholar siya at hindi niya pa iyon natapos. Kaya paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili niya kung bakit siya ang pagbabantayin ng anak ng Don?
Tiningnan siya ni Leila habang bumunbuntong hininga. "Sumama ka sa akin Madel para hindi ka saktan ng Papa."
Agad siyang umiling. Si Don Julio ang amo niya at ito ang susundin niya. Wala man siyang magawa kay Leila ay hindi niya tatakasan ang Don. Ito ang tunay na may authority sa kanya. "Huwag po kayong umalis Miss Leila." Ngayon ay alam niya na kung bakit ito pinababantayan ng Don. At gagawin niya ang lahat para hindi ito makaalis.
Bumukas ang kuwarto ni Leila at pumasok si Wanda. Ang pinsan ni Leila na siyang dapat ay Maid of Honor bukas. "Let's go, cuz!"
Nanghilakbot si Madel. "D-dalawa kayong tatakas?"
Tiningnan siya ni Wanda. "Tatlo tayong tatakas! Hindi ka namin iiwan dito. Sasaktan ka ni Tiyo Julio. Masama ang ugali niyon!" Hinawakan nito ang kamay niya. "Tara na!"
Binitbit ni Leila ang maliit na maleta. "Andiyan na ba sina Migs?" tanong nito kay Wanda.
Tumango ang pinsan nito.
Pumunta si Leila sa balkonahe ng silid at sumilip sa baba bago hinulog doon ang maleta. Pagkatapos ay patakbo itong bumalik sa loob. "Let's go. Padating na ang mga security na inupahan ng Papa, kapag nandito na ang mga iyon, wala na tayong ligtas!" Hinatak nito pabukas ang doorknob at naunang lumabas habang hatak pa rin siya ni Wanda.
Hindi makapalag si Madel habang pababa sila sa magarbong hagdan. Para silang hinahabol ng mga kabayo. Malakas si Wanda at kahit anong piglas niya ay hindi siya nito binibitiwan.
"Ang daldal naman kasi Yvonne, eh. Sukat ba namang magkuwento sa mga sipsip kay Tiyo Julio!" reklamo ni Wanda nang marating nila ang ibaba at umikot sila papunta sa back door.
"Walang alam si Yvonne na magsasabi sina Emma at Mariah kay Daddy. Ako nga ay hindi makapaniwala," pagtatanggol ni Leila sa isa pang pinsan na madalas din bumisita sa bahay nila. Binuksan nito ang backdoor sa ilalim ng hagdan.
Naroon ang isang itim na Nissan X-Trail paglabas nila. Sapilitan siyang itinulak ni Wanda papasok ng sasakyan saka ito umupo sa tabi niya. Tumabi dito si Leila at agad na yumuko.
BINABASA MO ANG
MAID IN HEAVEN (COMPLETED)
Romance"BESTSELLER" From the walk-in closet Robb turned to her and saw her in a short towel. Ayaw niya nang mahiya, napapagod na siya. "Dito ka rin ba matutulog?" Tumango lang ito. "Paano?" Tiningnan niya ang malaking kama. It was really huge at...