Pitong letrang madaling baybayin
Madaling sabihin at bigkasin
Pitong letrang mababaw sa inyong paningin
Ngunit malalim sa aking damdamin
Mga ala-ala'y nakakubli sa bawat segundoSapagkat sa bawat segundo na lang kita masisilayan
Segundong mahahawakan pa
Segundong mayayakap at nakakausap pa
Segundong ikaw sana ay mamahalin pa
Segundong sana ay di na nagparamdam at dumating pa
Segundong nagpabago at binago ang pagkatao ko
Segundong nagparamdam sakin ng sakit at hinanakitBakit? Bakit hinayaan mo na lang lahat?
Bakit hinayaan mong makalapit satin ang segundong iyon?
Mahal,bakit?Mahal ko,hindi ko kayang ikaw mawala saking piling
Pinabayaan mo ko't pinadama ang sakit at kalungkutanHindi ba nga at ikaw ay nangako?
Nangakong ikaw at ako lang hanggang dulo
Ngunit ang pangakong iyon ay bigla na lang napakoPero bakit?
Bakit sa isang segundo ka pa sumuko't di lumaban?
Sa isang segundo mo pa ako iniwanMasakit,sobrang sakit
Dahil sa isang segundong iyon ka pa di lumaban
Hindi lumaban sa ating inumpisahang pagmamahalanNgunit sa pitong letrang iyon
Sa loob ng segundong iyonAkala ko sasaya ako
Akala ko kaya ko
Akala ko wala na
Akala ko ikaw na talagaGusto kong maging masaya
Pero hindi ako ganun katanga
Ganun katanga para umasa pa
Umasang meron pa tayong dalawaKahit yung totoo ako'y nahihirapan na
Ikaw,oo ikaw na minahal ko
Mas pinili mong lumayoPiniling tumalikod
Piniling lahat ng ating pinagsamahan Ay ibaon na lang sa limotDahil para sayo yan ang tamang gawin
Para din sa ikabubuti natin
Alam kong nasaktan din kita kaya pasensya ka na
Dinulot ko man sayo ay pagdurusaPero kahit ganun,
Babaunin ko pa rin ang magaganda nating ala-alaSalamat nga pala at naging bahagi ka ng buhay ko
Pero hanggang dun na lang pala lahat iyon
Kasi alam ko,
di ka na muling babalik pa sa piling ko
YOU ARE READING
Segundo
PoetryIsang simple ngunit mahabang tula. Para sa mga taong iniwan ng kanilang minahal. Naranasan din toh ni author kaya wag kayo mag alala😊. Please enjoy reading my poem. This is my first,please support me thank you.