Kabanata 17
Gift
Lumabas ako ng guestroom at nadatnan ang sabay na pagtalikod ng dalawang kasambahay. They are chatting but stopped when I went out. Dahan-dahan nilang binalik sa akin ang tingin na hilaw naman ang ngiti ngayon.
“Ma’am…” the younger maid said, ito yung bago. Her name is Mara, if I’m not mistaken.
Bumaba ang tingin nila sa damit ko. Halos kalimutan ko ng basa iyon.
“M-ma’am, sabi ni sir tawagin ka po namin para sa dinner, kaso parang-” Natigil siya nang siniko siya ng katabi.
Kumunot ang noo ko pero nang narealize ko ang nangyayari ay bahagyang bumilog ang mata ko. They must have heard us inside at ngayon ay kung ano ang iniisip nila! Napalunok ako bago magsalita. Umiwas ako ng tingin. Wala namang nangyari sa loob bukod sa kiniliti, binasa ako ni Basty at pagpapahiya ko sa aking sarili but damn it I probably look so guilty. Lalo na ngayong nakikitanong kong hindi makatingin ng diretso sa akin ang dalawang kasambahay sa harapan ko.
“Sige. Tell daddy I have to change first.” Aalis na sana ako nang nagsalita si Mara.
“Si Sir Basty rin po daw,” aniya.
“He’s still showering, pakisabi na lang kay dad.”
They nodded immediately even though I saw them slightly shocked after I said that. Nagkatinginan pa sila na parang nahinuhang kung ano. “O… okay po.”
Umalis na ako at umakyat patungo sa kwarto.
Hay naku naman, Macy! Now the maids are thinking you’re a whore giving herself to man who isn’t her husband yet!
Hindi ko na talaga naiintindihan ang sarili ko. Tama si Basty. We shouldn’t do it if we’re not yet married kasi maling-mali iyon sa mata ng Diyos. Pero kapag kaharap ko na si Basty ay nag-iiba ang prinsipyo ko at parang ibang tao na ako.
Oh God! The things only Basty can do to me!
Sa harap ng hapag ay nag-usap si daddy at Basty tungkol sa negosyo. Nakaupo si daddy sa kabisera, ako sa kanyang kanan kung saan ako madalas, si Makki nasa kaliwa niya, at si Basty ay nakaupo sa tabi kung saan umuupo si mama kapag nandito siya.
I should call her later to see if she got to Laguna safely. Kukumustahin ko ang biyahe.
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila dad maliban sa narinig ko ang malapit na pag-akyat ni Basty sa posisyon ng CEO ng SGII, ang kumpanya ng kanyang pamilya. All along I thought he was already the owner pero ngayong narinig ko ito ay napagtanto kong hindi pa pala. At nalaman kong maging si daddy ay hindi iyon alam.
“The votation is postponed, Tito. Hindi pa po namin napag-usapan ni mama kung kailan mangyayari iyon. I’m only an acting CEO and it is not official. The board members have yet to vote for a new CEO,” kaswal niyang sinabi kay daddy.
“Postponed?”
Tinignan muna ako ni Basty bago nagsalita. “Yes. I think I have a lot to learn before so I asked my mother to postpone it.”
Tumango si daddy at tinignan rin ako. “I see. But your father is a very wise businessman, I’m very sure his son will do great.”
Basty only smiled at that. Uminom ako ng tubig. Parehas kami ni Makki na tahimik lang habang nakikinig kila daddy at Basty.
Nilagyan ni Basty ng ulam ang aking plato. Daddy looked at us and the corners of his mouth turned up, Makki glanced at Basty and looked at us firmly.
“Thank you,” sabi ko.
From the looks of it, daddy seemed very fond of Basty. Kung ikukumpara ko ito noon, masasabi kong mas nagustuhan niya si Basty ngayon. I’m just not sure how that happened so fast. Noon ay alam naman na ni daddy na si Basty ang anak ng isang magaling na businessman kaya hindi ko masasabing gusto niya ngayon si Basty dahil sa pera. And given that having me marry Basty would mean he will have more access to that. Dad has the money and a very successful company and a firm naman so kahit hindi ko naman pakasalan si Basty ay kayang tapatan o tingin ko’y kaya niyang higitan pa ang kumpanya nila.

BINABASA MO ANG
Playful Melodies Book 2: Precious Miracles
DragosteJust as soon as Macy and Basty are starting to write their ending, unexpected things are also starting to hinder their happily ever after. Akala nila'y tapos na ang mga problema, tanggap na si Macy ng pamilya ni Basty, unti-unti ay natatanggap na ng...