Chapter 61- Two Captains Collide

179 6 0
                                    

"Time out Jousei Falcons"

7:13 remaining in 2nd Quarter

SHIOZUKA – 26

JOUSEI- 27

Jousei's Bench

"Ano ba kayo? Nagpapatalo kayo sa mga first year na iyon? Tandaan niyo mas matanda kayo sa kanila tapos sila pa ang gumagawa ng puntos sa Shiozuka, higpitan niyo ang depensa sa kanila" galit na nagbigay ng instruction ang coach ng Jousei.

"Hindi sila basta basta coach, hayaan niyo, hihigpitan ko ang bantay dun kay Solitario, ittrato ko siya na parang si Bernard" –J.K.

"Mukhang hindi natin nascout yung Solitario, 13 points na siya sa game na ito" –Joseph

Nabuhayan ng loob si J.K, para sa kanya ay mas lumalakas ang kumpiyansa niya kapag maganda ang performance ng nakakatapat niya, katulad na lang ni Bernard ng San Agustin.

"Huwag natin sayangin ang oras, kailangan natin bawiin ang score" –Joseph

Tumayo na ang mga players at bumalik na sa gitna ng court.

"Sige Shiozuka! Talunin niyo ang Jousei!"

"Go Jaguars!"

"Back to the ballgame, Shiozuka are down by only 1 point"

"Depensa tayo guys, kailangang makalamang tayo" –Robin

"Defense! Defense! Defense!" maganda ang naging depensa ng Shiozuka, dahil na rin sa morale na nadadagdag sa kanila mula sa cheer ng mga tao sa loob ng coliseum.

"Sanchez drives against Solitario"

"Hindi niya ako dinepensahan?" –J.K.

Nalusutan man ni J.K. si Ian pero may nakaabang sa kanya mula sa ilalim.

"Subukan mo" nasa isip ni Rodney.

"Heh" –J.K.

"Sanchez pass to the corner, ball deflected by Solitario"

"Ano?" –J.K.

"Bilisan natin" –Ian

"Solitario on the offense, can they take the lead?" dinala ni Ian ang bola at pagdating sa depensa ay agad siyang binantayan ng 1 on 1 ni J.K.

"Whooahh, grabe depensa sa kanya"

"Oo nga"

"Ang bilis niya" nahirapan si Ian habang dinidribble niya ang bola.

"Grabe, ang higpit ng depensa sa kanya ni Sanchez, kanina parang hindi niya dinedepensahan si Ian ehh" –Erica

"Alam na kasi niya na maganda na ang pinapakita ni Ian" –Nessan

"Tsk" sinusubukang ipasa ni Ian ang bola mula sa labas o sa loob pero dikit na dikit na si J.K. sa kanya.

"Ball deflected by Sanchez" natapik ni J.K. bola, agad nilang hinabol ito pero nakuha kaagad ni J.K. ang bola bago pa ito lumagpas sa linya.

"Tara pupuntos tayo" binaba ni J.K. ang bola para sa opensa.

"Walang foul ref?" tanong ni Ian sa referee.

"Wala, hindi ka naman tinamaan ehh" sagot ng referee.

"Captain!" ipinasa ni J.K. ang bola kay Joseph, at hindi napansin ni Shabazz mula sa ilalim papunta si Joseph.

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon