PART 3: MAID IN HEAVEN (All Rights Reserved 2015)

5.6K 228 5
                                    

Copyright in the Philippines (2015)

If there's a chance that you want to thank me in your heart for writing and posting these novels here for you to read.

Please COMMENT and/or VOTE. It will be very much appreciated.

Thank you.

Much love,

-nimf

===============================

She blushed. Napahiya siya dahil kumpara dito ay isang butil lang ng bigas ang pag-aari ng lola niya na isinanla nila noong may sakit ito. At kahit nakapangalan na iyon sa kanya noon ay void pa rin iyon dahil wala pa siyang eighteen. Her grandmother signed an automatic transfer of all the properties to her name when she turned eighteen nakasanla man o natubos ang properties. 

Pinaghahandaan lang siguro ni Robb ang sandali na iwan na siya nito para wala na siyang habulin dito. She was just prideful who didn't want to accept things from the man when his motives were for her best interest. Hindi siya dapat nag-iisip ng masama tungkol sa pangangamkam ni Robb sa mga yagit niyang pag-ari dahil singko lang ang halaga ng mga iyon sa lalaki. "Thank you," mahina niyang sabi pagkatapos ng mahabang katahimikan. Muli siyang tumingin sa labas ng bintana. Kumaliwa na sila sa Baclaran papuntang NAIA. "Hindi mo naman kasi kailangang gawin iyan. Hinuhulugan ko ang tubo niyon buwan-buwan at binabayaran ang principal kapag may bonus ako. Hindi mo rin kailangang gawan ng pabor ang pamilya ng mga kaibigan ko."

Akala niya ay hindi na sasagot si Robb. "You don't have a family and you are doing me a huge favor. I did this so that there would be a reason for you to marry me. Something should connect us."

Napasandal siya sa leather seat ng upuan at pumikit. "Ang mga gamit ko?"

"We'll buy everything in Alaska. Well, most of it. Malamig doon at hindi mo magagamit dito ang mga bibilhin natin doon na damit. But your phones and other gadgets will be purchased there."

She read the signage on the entrance:

Welcome to Villamor Airbase.

Napatingin siya kay Robb. "Bakit dito tayo?"

"We're going to Tarmac."

"Ano ang sasakyan natin?"

"Gulfstream."

"Ano iyon?"

"It is a private airplane."

Napanganga siya. And she could swear that Robb stared at her lips. Isinara niya iyon agad. Ibinalik niya ang tingin sa labas.

"What are you so anxious about?"

"Nothing." Bakit ba parang hindi niya pa matanggap na ang pinakasalan niya ay ubod ng yaman? Kailangang sanayin niya ang sarili na kaya nitong bilhin ang buong mundo!

"Nakatapos ba ng pag-aaral ang mga kaibigan mo?"

Hindi niya ito tiningnan. "Si Arriane lang. Si Kari ay tamad. Pero tulad ko mahilig silang magbasa sa library. Madalas ay doon kami nagkikita sa library ng Enigma Residency Park kapag Linggo. Lalabas lang kami para kumain at babalik ulit doon para magbasa. Kapag may problema ang isa at kailangan namin payuhan ay saka lang kami nagkikita-kita sa labas."

"Bakit ito ang trabahong kinuha ninyo kung puwede namang iba."

"Malaki ang suweldo at minimal ang trabaho. Pakain at stay-in kami sa bahay. Wala kaming gastos. Mas malaki ang gastos kapag nangungupahan kami at bumibili ng sarili naming pagkain at nagbabayad ng utilities." Bumagal ang andar ng SUV.

MAID IN HEAVEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon