43

2.8K 48 6
                                    

Nagising na lamang ako na nasa kwarto na ako. Nilinga ko ang paligid at nakitang walang bakas ni Dave.

Inayos ko ang aking sarili at lumabas ng kwarto. Umakyat ako sa taas at sinilip siya. Nakadapa at mahimbing na natutulog. Hindi parin ito nagpapalit ng damit.

Bakit naman hindi siya tumabi sa akin? At anong oras siya nakauwi?

Bumaba nalang muna ako.

Naligo na muna ako at nang natapos ako ay nagtungo na ako sa kusina. Kumakalam na din kasi ang tiyan ko. Naalala ko pala na hindi ako kumain ng hapunan kakahintay kay Dave.

Nakalagay na din sa ref ang niluto kong ulam. Kinuha ko ito at ininit. Hindi din naman nabawasan, mukhang hindi din kumain si Dave.

Isinangag ko nalang ang kanin kagabi. Tinignan ko ang orasan at nakitang ala singko palang ng umaga.

Nang matapos na ako ay kinuha ko ang laptop ni Dave. Ito kasi ang ginagamit ko para buksan ang mga e-mails niya. Baka nasend na ni Marc ang mga details na kakailanganin ni Dave para sa movie.

Binuksan ko ang laptop niya at nagtungo na sa mga e-mails. Naroon nga ang isang message galing kay Marc. Nakaindicate na roon kung ano ang mga details para sa movie.

Binasa ko ito at pinag-aralan. Talaga palang heavy role ang gagawin niya rito. First time kasi na drama role niya ito kaya intense.

Kumuha na ako ng pagkain at nagsimula ng kumain. Hindi ko na din mahihintay kasi si Dave dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko.

Habang kumakain ay nagbrowse ako sa internet. Matagal tagal na din akong hindi nakakapaginternet simula ng naging busy si Dave.

Nagsimula na akong magbrowse ngunit nahagip ng paningin ko ang isang picture. Nakalagay ito sa internet at marami ng likes.

Si Dave at si Kate napicturan na magkasama. Kahapon lamang ito dahil ganito din ang suot ni Dave at ni Kate ng makita ko kahapon.

Ang nakalagay sa headline ay, "The comeback of two couple, real or fake?"

Couple?

Siya ba ang Kate na tinutukoy ng mga reporters sa airport? Yung mga sandaling natigilan si Dave? Yung dahilan ng pagbabago ng mood niya? Bigla namang nanikip ang dibdib ko.

Posible kayang naging girlfriend niya si Kate? Pero bakit at paanong nangyari iyon e bakla si Dave? O baka si Kate ang kumuha ng natatanging nagustuhan ni Dave na lalaki? Posible iyon dahil maganda nga naman talaga si Kate at si Dave naman ay lihim lang ang pagiging bakla.

Naguguluhan parin ako pero isa lamang ang sigurado ako. Naging malaking parte si Kate sa kung ano man ang nakaraan ni Dave.

Alam kong may mga bagay na nangyari sa nakaraan si Dave. Marami siyang sikreto at marami din siyang mga bagay na inililihim sa akin ngunit hindi ko nalang iyon papakialaman. Kung ayaw niya magopen up sa akin ay hindi ko na lamang siya pipilitin. Desisyon niya iyon at nirerespeto ko iyon.

Niligpit ko na lamang ang kinainan ko at sinarado na ang laptop. Kahit na sabihing magkaibigan lang si Kate at Dave at isang binabae ang pagkatao niya ay hindi ko parin maiwasang magselos sa kanila, kahit na alam kong wala akong karapatan.

Nagtungo na ako sa kwarto ni Dave. Kailangan ko na din siyang gisingin dahil ngayon yung meeting ulit with the staff's. Pag-uusapan na din kasi kung kailan magsisimula ang shoot nila for the movie.

"Baby, wake up. May meeting tayo ngayon." niyugyog ko siya para magising ngunit tinabig lamang nito ang kamay ko.

"I want to sleep." sabi nito.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon