Hindi ko akalaing magiging kami ni Mark. Alam kong may gf siya pero gora lang ako. Siguro dahil na din sa kagaanan ng loob ko sa kanya. Kahit hindi siya open sa nararamdaman niya sa lahat ng bagay ay doon ko pa din siya natutunang mahalin. Sobrang hindi inaasahan pero wala eh, yung inaakala kong biruan na pakikipagrelasyon sa kanya ay hahantong pala sa pagkagising ko na lang isang araw mahal ko na pala siya. Ughhh. HAHAHAHAHAHA
"Goodmorning bangaw! Imissyou!" text ko kay Mark
Wala siyang reply. Tanghali na kasi lagi nagising. Pero I understand. HAHAHAHAHA *^__^*
Nagdota muna ako at nagfb.
Pagopen ko, online siya </3
Di ako nakatiis na hindi ipm kasi akala ko tulog pa siya :(((
"Bangaw!"
"Oh?" suplado niyang reply
"Ah wala wala" reply ko
Di na siya sumagot at nag logout na siya. ARAYKOBH3 HAHAHAHAHA
Isa na ito sa dapat kong tanggapin kasi nga hindi naman siya seryoso sakin. Kaya pinipigilan ko talagang mahulog ng sobra sa kanya. Kasi may gf siya at alam kong hindi ako ang priority niya.
Maya maya.
"Hi bangaw kakagising ko lang. Imissyoutoo!" text niya
"Ha?! Kachat kita kanina ah?" reply ko
"Aw. Di pa nga ako nabangon eh. Baka si Mean yun."
"Mean? Yun ang name ng gf mo?"
"Oo. Di ko nga pala nasabi sayo bangaw."
Bigla akong napaisip. Kasi si Mean yung kasama ni Jessica nung naginuman kami at nung nakaaway ko ang mga PULAMON. Pero inisip kong baka naman ibang Mean yun. Nagsimula na akong magtanong kay Mark para manigurado.
"Okay lang bangaw! Matagal na ba kayo ni Mean?" tanong ko
"Uhm. 7months? Pero parang wala lang." sagot niya
"Anong panong wala lang?" duda kong tanong
"Kasi mabarkada si Mean, last time nagaaway kami kasi nasa inuman na naman siya. Nung katext kita? Remember?"
O______O
Si Mean nga ba yung gf niya. Naguguluhan ako. Grabe ang pagkakataon. Pero maninigurado pa din ako. Inalam ko ang fb ni Mean. Kasi kahit naman sila ni Mark ay hindi sila in a relationship sa fb.
"Ay oo. Mabarkada pala gf mo." reply ko
"Gf din kita ah? Wag mong sabihing binibigay mo na ako kay Mean?" sagot niya
"Ha? Ah eh. Shempre siya naman yung mahal mo talaga. HAHAHA" biro ko
"Kaya nga gf din kita. Wag natin siya pagusapan kapag magkatext tayo." seryoso niyang sagot
"Ano nga pala name niya sa fb?" tanong ko
"Mean Villegas. Tingnan mo na lang sa wall ko may mga post siya sakin kaso matagal na yun. Bakit bangaw?" nagtataka niyang sagot
"Ah wala. Di ko naman iaadd view ko lang. HAHAHA" biro ko
"Sige bangaw. Kaen lang ako. Kaen ka na din. Iloveyou!'' reply niya
"Okay bangaw. Iloveyoutoo." sagot ko naman
Pandalas na akong magbukas ng fb. Titingnan ko kung si Mean na nakainuman namin at si Mean na gf ni Mark ay iisa. Kinakabahan akoooo! :3
Punta agad ako sa wall ni Mark.
Scroll down.
Scroll
Scroll
Scroll
Hanggang sa nakita ko na yung mga post ni Mean.
-Goodmorning mahal! <3
-Hi mahal. Imissyou.
-Mahal. Iloveyou!
*ARAAAAAY ARAAAAY! HAHAHAHAHAHA <//////3
Viniew ko agad si Mean.
O___________________O
Si Mean ngaaaaaa. Paano? Anong gagawin ko? Nagsisimula pa lang yung pagkakabigan namin ni Mean. Anong pipiliin ko? Yung pagkakaibigan namin na nagsisimula pa lang o yung pagmamahal ko kay Mark na nagsisimula ng lumalim?
BINABASA MO ANG
Buhay Ng Matinong Bata (ongoing)
RomanceBuhay barkada, buhay kasama ang pamilya, buhay sa paaralan, buhay kasama ang panginoon at ang buhay pagibig :") #SHORTSTORY