Kindly Vote if you like. ^__^
Comment what you want...-----------------------------------------
Uy, Love ka din ng Love mo!
(We Could be In Love) © 2014 Charmplicity
Enjoy Reading....
_______________________
CHAPTER 1
It's not just wishful thinking or only me who's dreaming...
I know what these are symptoms of... We could be in love...
Napangiti si Thalia nang marinig ang lyrics na iyon.
Love theme song iyon ng Alladin by Lea Salonga and Brad kane.
Nasa kusina siya ng mga sandaling iyon at umiinom ng kape.
Mula doon ay rinig na rinig niya ang awiting iyon.
Mahilig talagang magpatugtog ang asawa ng kuya Chuckz niya
na si ate Rachelle sa cellphone nito with a high volume loud speaker tuwing umaga.
Don't open my eyes ooh...I'll wake from the spell. I'm under!
Makes me wonder why, tell me how...
While drinking her coffee,
she started walking through her bedroom to get her phone.
All my life, I have dreamed of this...
Naririnig pa rin niya ang awitin iyon nang nasa kuwarto na siya.
Tinignan niya ang kanyang cellphone at binasa ang natanggap na text message
mula sa kaibigang si Decerie. Pinapaalala lang nito ang bonding nila mamaya.
Sinabayan ni Thalia ang awiting naririnig pagkatapos niyang mag-reply.
"Anyone who seen us, knows what's going on between us..."
Oh yeah, halos recite na niya ang lyrics na iyon
dahil lagi naman niyang naririnig iyon na pinapatugtog.
Actually, Maka-Lea Salonga kasi si ate Rachelle niya.
sinabayan niya muli ang awiting patapos na.
"Oh it doesn't take a genius to know what these are symptoms of...
We could be in love! ohh...
We could be in love...''
"Friend, hindi mo nasabing may ganon ka ka-cute na kapit-bahay, kaloka!"
nangingislap ang mga matang wika ni Thalia.
Kapapasok niya lang sa Condo unit ng katrabahong si Decerie.
Day-off kasi nilang dalawa kaya naisip nilang mag food trip sa tinutuluyan nito.
Kahit magkaiba sila ng Departamento sa Hotel na pinagtatrabauhan
ay nagkataong parehas sila ng araw ng Day-off
kaya nakakapag-bonding sila minsan, tulad ngayon.
Close siya rito dahil kaklase niya ito 'nong college.
BINABASA MO ANG
Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)
ChickLitTo be published under VivaPsicom kilig Republic Thalia Madayag felt something unusual when she first met a very cute guy, Euwin Castillo. What a crazy heart! In the end, will she have her first boyfriend or first heartbreak? Find out by reading this...