Chapter 2

79 4 3
                                    

"Ayun simula nung nangyari kanina di na ako nakapag trabaho ng maayos. Paano ba naman kasi ang dami-dami kong iniisip!!" (a/n: Biruin nyo mukha syang ewan na naglalakad sa daan, kinakausap yung sarili)

"Yung-yung Pag aaral ko paano na yan?! Di ko na naaasikaso yung scholarship ko, di pa ako nakakapag renew!!Tapos yung renta pa sa bahay tapos yung utang namin sa bumbay!!"

Habang NAGWAWALA ako sa daan mag isa biglang may koste na dumaan sa tabi ko, sobrang bilis AS IN!! boosssgghhhh bruuum vuummm. Tapos bumaba sa isang mansion.

"Nakakainggit naman buti pa sila mayaman.Samantalng ako eto naglalakad pauwi galing trabaho" -3-

Dumaan ako sa shortcut nung pauwi na ako. Sa madilim na eskenita yung daan, nakakatakot pero okay lang atleast mas mabilis ako makaka uwi. Nagulat ako ng may nakita akong anino sa lupa MUKHANG MALAKING TAO O_O.

Binilisan ko yung lakad ko,medyo scared na ako pero carry pa naman ng powers ko. "Miss" sabi nung lalaki.Grabe ang lalim ng boses. Tumakbo na ako tutal malapit na ako sa bahay ng ninong kong Sundalo. Humanda sya hahaha.

"Miss" sabi nya ulit.

"NINONG TULONG!!!!" Sumigaw ako s tapat ng bahay nila ninong. Pagkalabas nya may hawak na syang Shotgun.

"JJ bakit anong problema?! may umaaway ba sayo?" sabi ni ninong kumaripas pala sya ng takbo papunta sa akin para tulunggan ako.

Di ko alam kung matatakot ba ako o matatawa. "Ninong Idol nyo po ba si Spongebob?? Ang cute naman" natatawang sabi ko.

Tumawa rin yung nasalikod ko "hahaha".

Lumingon agad ako nakalimutan ko na may humahabol nga pala sa akin. "Ninong may Rapist po na humahabol sa akin."

"Sinong Rapist??!"

"Ikaw?! Sino pa ba? matapang na sagot ko.

"Ako na nga tong nagmamagandang loob. Yan oh I.D. mo lamunin mo. Sa susunod wag kang tatanga tanga na kakausapin sarili mo sa daan. Nalaglag tuloy I.D. mo." Sagot nung lalaki .

Aba sya pa galit "Sa-salamat. Nagiingat naman ako ah."

"Sige bahala ka na sa buhay mo!! Inaantay na ako ng girlfriend ko." Pag katapos nun ayun nag vanish na sya.

" Ayun naman pala eh. Isasauli lang pala yung I.D. mo. Kailangan ba may witness pa? Matutulog na ako eh JJ naman oh."  sabi ni Ninong.

Kinuha ko yung I.D. na hinagis nung lalaki "SALAMAT" sigaw ko naman kahit alam ko na hindi na nya maririnig. Humarap ako kay ninong "Nong natakot ata sa spongebob mong boxer".

"Kaw talaga bata ka oh. Umuwi ka na nga lang. Ano naman kung spongebob boxer ko?!Ikaw nga eh Hello kitty bag mo" sagot naman nya.

"Basta Ninong pag dadaan ako dito, Tapos sumigaw ako It means  I need your help" Pagka sabi ko karipas agad ako ng takbo.

"OO SIGE BASTA IKAW!! WAG MO LANG ARAW ARAWIN!!" Pahabol ni Ninong.

Back to reality. Naglakad na ako pauwi ng bahay namin ng may marinig akong nagsisigawan doon.  "Ano naman kayang nagyari?! Si mama lang naman mag-isa doon. SI MAMA!!"

*****************************************************************************************************

Sorry po medyo late ^_^ Busy sa School!! Walang pasok kaya nakapag UD ang lola nyo.

mag uupdate lang po ako pag may 5 Votes na Salamat po!!

(Sa mga gusto po magpa dedicate? Yung una pong mag Comment sa kanya ko po Idededicate yung Next Chapter!!)

Saranghae!!! <3333333

Medyo short lang po UD ko sowy :)

VOTE &COMMENT  :) PLs :)

Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon