DR-1

1.2K 19 3
                                    

YEAR 2015

"Can you please stop,Jessica?!Mababangga tayo!" Galit na sigaw ni Clayton habang nagmamaneho at pinahampas ng nobya.

"Wala akong pakialam kung mababangga tayo at mamatay ang mahalaga magkakasama parin tayo!How could you do this to me?Huh?!!Why on earth doon pa sa kapatid ko!!" Galit na galit na sabi nito habang patuloy na hinahampas ang lalaki at inaagaw ang manibela.

Pilit iyong nilalayo ni Clayton at tinutulak ang nobya ngunit hindi parin ito tumitigil.

"You're crazy!How many times I told you na fan niya lamang ako?Mahirap bang intindihin yun?!" Sigaw ni Clayton at pinipilit iniiwasan ang mga nakakasalubong na sasakyan.

"I'm not stupid! If you're just his fan bakit angdaming larawan niya sa silid mo?At bakit gumagawa kapa ng love letter sa kanya?!"

"Iyon naman talaga ang ginagawa ng isang fan diba?Writing letters and autograph.Ang hirap sayo mga konting bagay pinagseselosan mo!I'm sick of you!"

"How dare you!" Ang muli siyang hinampas ni Jessica."Minahal kita ng tama at ganito pa ang sasabihin mo sa akin?!Sa tingin mo magseselos ako kung walang dahilan? Nagmamahal ako Pero hindi ako tanga!I know its more than a fan ang nararamdaman mo sa kapatid ko dahil halos siya nalang ang bukambibig mo everytime na magkakasama tayo."At this time ay humagulgol na ng iyak si Jessica.

"Babe its not what you think.Fan lang talaga ako ng kapatid mo because he's really good as a writer at sana huwag mo naman pag iisipan ng masama ang lahat ng ito.Mahal kita okay?" Nais aluin ni Clayton ang nobya ngunit tinutulak nito ang kanyang kamay.

"It's quiet obvious ,Clayton.Hindi ko alam kung babae ba talaga ang gusto mo.Hindi ko alam kung ako ba talaga ang gusto mong makasama habang buhay.All I want is just a little honesty from you..please sabahin mo sa akin ang totoo." Wika nito na puno ng pakikiusap.

Hindi niya alam kung anong sasabihin sa nobya dahil minsan nakokonsensiya narin siya sa kanyang nararamdaman.

Naging mabuting nobya si Jessica at nasa katangian na nito ang lahat na hinanahanap ng isang lalaki.

Ngunit nitong mga nagdaang araw ay mas bumabaling sa kapatid nito ang nararamdaman niya na hindi pa niya nakikita ng personal.

Naguguluhan narin si Clayton sapagkat noon lang niya naranasan na magkagusto sa isang lalaki at ang masaklap sa kakambal pa ng kanyang nobya.

Mahal niya si Jessica at sigurado siya roon ang hindi niya lang maintindihan ay ang pagsibol ng damdamin niya sa kakambal nito.

Marahil tama nga ito na kailangan niyang magpakatotoo.

"I'm sorry." Ang kanyang wika habang patuloy na nagmamaneho.

Hinuhuli niya ang mga mata ni Jessica subalit nakabaling sa labas ng bintana ang paningin nito.

"Mahal kita Jessica.Hindi ko lang maipapaliwanag iyong nararamdaman ko ng makita ko ang larawan ng kapatid mo.Kahit hindi  ko pa siya nakikita unti unting nahuhulog ang loob ko sa kanya." Ang kanyang pag amin.

Ayaw niya itong saktan ngunit ayaw na niyang maging unfair sa kanilang relasyon.

Naroon parin siya kahit anuman ang magiging disisyon nito matapos marinig ang sinabi niya.

Nasa America si Jace na kapatid nito dahil doon na ang mga ito namumuhay,sa katunayan ay pupunta din si Jessica doon kapag maka graduate na ito ng college.

Napipikit si Jessica matapos marinig ang sinabi ni Clayton.

Hinayaan niya lamang ang kanyang mga luha na tumulo sa kanyang pisngi.

DEAD ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon