KABANATA 12

7.6K 217 7
                                    

NAGISING si Miladel sa marahang pag-alog sa kanya ng ina. "Miladel, anak, gumising ka na," rinig niyang sabi nito.

"Mamaya na, inaantok pa po ako." sagot niya naman. Naglagay pa siya ng unan sa mukha upang hindi maistorbo sa ginagawang pag tulog.

"Mayroon tayong bisita sa ibaba," muling sabi nito. "Bilisan mo na at bumangon ka na riyan."

"Sinong bisita ba 'yan nay? Ikaw na pong bahala na mag entertain, 'nay. Inaantok pa po ako!" dagdag na sabi niya.

Hindi nakatulog ng maayos si Miladel kakaisip sa mga nangyari kagabi. Sandali lang sila ng kanyang ina doon pero halos ang dami na ang nangyari sa kanya.

Kagabi pagkakita ni Miladel kay Razor ay hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari. Ang buong akala niya ay nawala at nakatawid na ang binata sa kabilang buhay pero hindi pala, dahil nandoon ito sa kanyang harapan at buhay na buhay.

Maka-ilang beses niya pa 'tong tinitigan maski noong samahan siya nito sa may comfort room. Hindi niya alam na nahalata pala ito ng binata at na misinterpret siya.

Idagdag pa ang nangyari sa pagitan nila ni Razor. Pakiramdam ni Miladel ay hinahalikan pa rin siya nito sa kanyang leeg at dibdib. Ang mabangong amoy nito ay parang tambay na namalagi sa ilong niya hanggang sa pag-uwi.

Sa kanyang kakaisip sa mga nangyari kagabi ay hindi siya nakatulog at madaling araw na dinalaw ng antok.

"Gusto kang makita ng Tita Janna mo at ang anak niyang si Razor." anito.

Awtomatiko namang napadilat si Miladel at napabangon noong marinig ang huling sinabi ng ina.

"Ano kamo? Nandito sa bahay natin sina Tita at Razor? As in Jan Razor Song?"

Tumango naman ang ina niya.

"Oo, kanina pa kaya sila nandoon sa may ibaba. Bilisan mo at kumilos ka na." pagkasabing iyon ng ina ay lumabas na ito ng kanyang kuwarto.

Mabilis na bumangon naman si Miladel. Pinalitan lamang niya ang damit na pantulog bago tuluyang bumaba.

Pagdating sa may sala ay tama nga ang sinabi ng ina. Nandoon nga ang kaibigan nitong si Tita Janna niya at kasama ang binatang si Razor na prenteng nakaupo sa kanilang mahabang sofa.

Nang makita siya ng lalaki ay kaagad na lumapad ang ngiti nito sa mga labi.

"Hello hija," wika ng kanyang Tita Janna. Ito ang unang bumati.

"Hello din po, Tita Janna." Tugon niya naman sa ginang.

"Kumusta ka naman?" muling sabi pa ng kanyang Tita Janna.

"'Ayos naman po ako." sabi ni Miladel sabay ngiti. "Kumain na po ba kayo? Ano po bang gusto niyo, Tita Janna?"

"Juice na lang, hija." sagot naman ng ginang.

"Sige po, sandali lang." ani Miladel, saka akmang tatalikod noong magsalita ang binatang si Razor.

"Wait!" pagpigil nito. "How about me?"

Lihim na napaikot ni Miladel ang kanyang mga mata nang dahil doon. Ang buong akala niya ay makakaligtas na siya sa ginawang hindi pagpansin sa binata, pero mukha hindi pala.

"Yes, ano 'yon?" kaswal na sabi ni Miladel. My gosh! I don't know what to do. Kalma, Miladel, kalma ka lang. Huwag kang magpa-apekto sa conceited na si Jan Razor Song.

"Ni hindi mo man lang ba ako aalukin ng kahit na ano?" muling sabi pa ng binata, bakas sa mukha ang nakakalokong ngiti. Kainis, ang guwapo!

"Oo nga naman, Miladel. Asikasuhin mo din si Razor." rinig niyang wika ng kanyang ina na kasalukuyang kadarating lamang. Mayroon itong bitbit na dalawang photo album na siyang inaabot sa ina ng binata.

"Salamat nga pala sa pagbalik dito ng gamit ko. Siya nga pala, Janna, ito oh! Tignan mo—" hindi na narinig pa ni Miladel ang pag uusap ng dalawang nakatatanda noong maramdaman niyang hinawakan siya ni Razor sa braso.

"Gusto ko ng ma-iinom. I want some juice, too" ani Razor sa kanya.

Inalis naman ni Miladel ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Sige, ikukuha din kita."

"No need, sasamahan na lang pala kita." kaswal na sabing muli ng binata.

Handa na upang magprotesta si Miladel noong magsimulang maglakad si Razor patungo sa kanilang kusina.

Napailing na lang siya habang nakatingin sa matipuno nitong likuran. Feel at home ang bruho!

Matapos ay sumunod din naman si Miladel. Naabutan niya si Razor na nakatayo doon at nagpapalinga-linga sa paligid, tila may hinahanap na kung ano ang lalaki.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Miladel.

"Eh, di naghahanap ng juice na maiinom ko? Anyway, saan ba ko puwedeng kumuha dito?"

"What I mean sa ano'ng ginagawa mo dito ay bakit ka pumunta."

"Sinamahan ko si mama." He paused for awhile. Tinignan siya nito ng diretso, at saka isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Razor.

"Hmm, do you think I go here just to see you?"

Gulat ang kaagad na rumehistro sa mukha ni Miladel noong mga oras na iyon. "H-hindi, ah!" pagtangi niya naman. Hanggang ngayon ay wala pa ding pinagbago si Razor. Makulit pa din siya.

"Sus!" sumandal si Razor sa pasimano ng lababo. Para itong isang modelo at nagpo-pose sa kanyang harapan.

"Bahala ka nga diyan!" nagsimula ng maglakad si Miladel, dumiretso sa refrigerator at saka nag umpisa ikuha ng maiinom na juice ang mama ni Razor.

Matapos magsalin ng juice sa baso ay nagsimula naman buksan ni Miladel ang isang lata na naglalaman ng mga cookies, naglagay siya ng ilan sa plato.

"Actually, nandito ako para humingi ng sorry about what happened last night," seryosong sabi ng binata. Mula sa pagkakasandal ay lumapit ito sa kanya.

"Mabuti naman at marunong kang humingi ng paumanhin." mataman na tinignan ni Miladel si Razor. Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso ng matitigan ito ng malapitan. Katulad noon ay para na naman siyang hinihigop ng kulay tsokolate nitong mga mata.

Bahagyang hinaplos ni Razor ang buhok ni Miladel. "Yeah, pasensya na okay? Hindi ko talaga ugaling mambitin ng babae."

"Ano'ng sabi mo?" hindi alam ni Miladel kung nabingi lang ba siya o ano sa sinabing iyon ni Razor.

"I said that I'm sorry, hindi ko ugaling mambitin ng babae," pag-uulit nito.

"Aba't loko ka pala, eh!" singhal ni Miladel sa binata. Ang buong akala niya ay humihingi ito ng kapatawaran sa ginawa nito sa kanya kagabi pero hindi pala iyon.

What do you expect, Miladel? Si Razor 'yan, eh. 'Yong multong tinulungan mo noon. 'Yong nagpalabas ng kakaibang pagnanasa sa katawan mo. hiyaw ng isang bahagi ng kanyang isipan.

Tumawa naman ang binata nang dahil sa reaksyon niyang iyon. "Ang cute mo pag nagagalit." sabay pisil nito sa magkabila niyang pisngi.

Tinampal naman ni Miladel ang kamay ni Razor. "Ano ba!" kunwari ay asar na sabi niya, pero deep inside ay halos kilitiin na ang buong kalamnan niya nang dahil sa ginawa nito. Parang siyang nagbalik sa pagiging teenager na napansin at pinuri ng crush.

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon