Nicole's Pov
Sapo ko ang pisnge ko habang naglalakad. Medyo namamaga padin kasi ito at masakit.
Mabuti nalamang ay nakalusot ako kay auntie. Nakokonsensya na nga ako sa pagsisinungaling ko kay auntie.
Hayss? Pero ano naman ang magagawa ko?
Alangan sabihin ko lahat sakanya ang pinag gagawa nila sakin dito? Eh, sigurado naman ako na papagalitan lang ako nun.
Natigil ako sa paglalakad ko ng makaharap ko si Cleo kasama si Lee..
"Anong tinitingin tingin mo? "-maangas na tanong ni cleo sakin.
Napayuko tuloy ako. Nagi guilty din ako sa ginawa ko sakanya kahapon.
"Gu-gusto ko lang sanang mag so-----". Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na ito. "Hindi ko kailangan ng sorry mo"-napaismid ito.
"Tabi"-malamig na sabi nito saka niya ako sinagi.
Kita ko sa bawat titig niya sakin kung gaano siya kainis at kulang nalang patayin niya ako.
"Masanay kana sakanya"-si lee saka niya tinapik balikat ko at sumunod nadin kay cleo.
Napabuntong hininga muna ako bago magpatuloy sa paglakad
Hanggang sa may tumawag sa pangalan ko.. Nilingon ko ito si Denise!
" Hey! "-masayang sabi nito ng makalapit sakin.
" Hi"-nakangiting bati ko sakanya.
"San punta mo? "-tanong nito at saka niya sinabit yung kamay niya sa braso ko.
"Manunuod ng soccer"-casual na sagot ko.
Balak ko manuod ng soccer ngayon at saka isa pa presko din don. Isa pa vacant naman....
"Mahilig ka sa soccer? "
"Hindi naman"
"Tamang tama kasama si lee don"
Binalingan ko ito ng tingin. "Nag sa soccer pala siya? "-kunot noo kung tanong dito.
" Oo goalkeeper siya hehe"
Napatango nalang ako bilang sagot sakanya.
Halos mawalan ako ng balance ng bigla niya akong hinila. "Bilis para makapanuod tayo! "-sabi nito
Wala na akong nagawa kundi magpatianod sakanya hanggang sa marating namin ang soccer field.
Medyo madaming studyante! Samantalang PE lang naman ito.
Nag uumpisa na. Iginala ko ang mata ko at nakita ko nga si Lee na nasa net team yellow sila samantalang ang kalaban ay blue.
*Go lee!!
*Galingan mo!
*Support ka namin! Woooo
Hiyawan ng mga studyante at ang iba ay tumitili tili pa!
Tirik na tirik ang araw ngayon.
"Ayy"-nasambit ko nalang dahil hinila nanaman ako ni denise.
" Paraan "-sabi nito sa mga studyante na nakaharang sa daan namin.
Bawat isa ay unti unting nagbibigay daan samin.
*Sino yan?
*Mukang bago.
*Ngayon ko lang din siya nakita.
Bulungan ng mga studyante bawat madaanan namin ay kanya kanya silang bulungan!
BINABASA MO ANG
Fall For Her(GirlXGirl)
Novela JuvenilWARNING!!! ⚠ THIS STORY IS GIRLXGIRL SITUATION... PLEASE DON'T CONTINUE TO READ THIS WHEN YOU JUST JUDGE THIS BOOK!! THAT'S ALL THANK YOU!! STARTED:AUGUST 1,2018 FINISHED:??