Tula 001

61 2 2
                                    

“Takot"

Natatakot ka na naman ba?
Na masabihan ng mga masasakit na salita?
Na husga lang ang naririnig?
At hindi marinig ang sariling tinig?

Paulit-ulit na naman ba?
Na palaging nag-iisa?
Na wala kang masabihan ultimo pamilya?
Na hirap na hirap ka na at hindi mo na kaya?
Na tinigin mo sa sarili ay walang kwenta?

Lumalayo ka na naman ba sa loob niya?
Siya na nilalayo ka sa kapahamakan at nagbibigay lakas sayo ay iniwan mo na naman ba?

Ganun na naman ba ang tema?
Ganun ka na naman ba?

Halo-halong emosyon, samahan ng madaming tanong, ano ang konklusyon? LITO

Litong-lito kung sino na naman ang ititira at kung sino naman ang iiwan.
Hirap na hirap na naman.

Mga boses na hindi naman kailangan
Ang siyang tumatanggal sa kaligayahan.
Sa hindi malamang dahilan,
Ako'y sumusunod sa kanyang patakaran.

Nalilito kung sino ang paniniwalaan,
Nawawala sa sarili,
Hindi malaman kung ano ang tama at mali.

Kanino dapat kumapit?
Karapatdapat bang sa kanya pa ako lumapit?

...

Shortened version.
Sinulat ko ito with  HeartReader8 :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Aking "Talento"Where stories live. Discover now