Chapter 10

1.4K 55 0
                                    

In my feelings.


R E G I L


Ito na siguro ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Ewan ko ba bakit ako nagkakaganito sa isang bakla pa. Sa una tinanggi ko pa na hindi totoo itong nararamdaman ko pero sa bawat araw na lumilipas lalo lang akong nahuhulog kay Dale. 


Simula noong makita ko siya sa Shop ko hindi ko na nakalimutan ang mukha niya. Halos gabi-gabi bago ako matulog laging rumerehistro sa isip ko ang mukha ni Dale na inosente. Yung mga kulay kape niyang mga mata. Cute!


Kaya nakaisip ako ng paraan para makasama ko siya araw-araw gagawin ko siyang Slave. Hindi maganda pakinggan pero okay na yan atleast makakasama ko siya lagi.


Nandito ako sa paborito kong lugar sa University ang garden. Ayoko pumasok, ako ang batas dito sa University gusto ko lagi akong mapag-isa. Umidlip muna ako saglit dahil wala pa akong tulog kagabi.


Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagpagising sakin. Napatingin ako sa taong nakatalikod parang pamilyar.


"Who are you? and bakit ka nandito?"  Walang ibang pwede pumunta dito sa pinaka private na lugar sa garden kundi ako lang.


"Hey!" Humarap siya nagulat ako at ngumisi ng makita siya dito. "Hoy! slave dito ka pala nagaaral hahaha at bakit nandito ka sa garden?" Hindi ko inaasahan na dito siya magaaral well nice choice. Parang may humaplos na mainit na bagay sa puso ko nang makita ko siya.


"A-ah k-kasi may hinabol akong pusa, t-tama pusa hehe dito kasi dumiretso... meoow... meoow where are you?" Hinahanap niya yung pusa parang tanga lang bawal ang hayop dito. Pero ang cute niya.


"Nagpapatawa ka ba? Hahahaha" Natawa kasi ako ang cute niya hinahanap niya talaga yung pusa. "Walang pusa, aso, o daga dito sa school mahigpit na ipinagbabawal yun dito kaya wag ka ng magpalusot" Ngumisi ako. Alam ko naman na ako ang sadya niya alam ko na mga galawan ng mga nagkakagusto sakin.


"May gusto ka ba sakin? stalker yata kita eh" Kumindat kindat pa ako sa kanya. Lalong akong natuwa nung makita siyang umirap. Ewan ko pero ang cute niya pag umiirap.


Bigla akong naalarma nang tumalikod siya at nag lakad palayo. "Hoy kinakausap pa kita 'wag kang bastos" Hinila ko siya at kinulong sa dalawang braso ko. Napasandal siya sa puno.


"Uy ano ba-" Napatitig ako sa mata niya. Oh god really beautiful eyes. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na huwag siyang halikan. Kaya iniba ko ang mood ko at pilit na magalit sa kanya.


"Ang ayoko sa lahat yung iniiwan ako basta basta" Natatakot ako na iwanan ulit. Ang gusto ko lang mapalapit pa sa akin si Dale.


Kaya ang ginawa ko ni re-scheduled ko ang pasok ko sa University. Ako na nagsabi sa principal. Well may kakayanan akong kausapin at utusan sila dahil kami ang may-ari ng University na ito.


Gusto kong makasama si Dale at maging kaklase para lagi ko siyang namomonitor. Syempre walang ibang pwedeng umangkin sa kanya kundi ako lang.

I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon