*Chapter four*

163 7 0
                                    

Devin's POV

Nasa kwarto ako, ang daming pumapasok sa isip ko. Tapos dumagdag pa yung pagtulo ng luha ko. Ang sakit! Bakit siya ganon? Ano bang nagawa ko sa kaniya? Minahal ko lang naman siya ng todo ah! Hindi ko naman siya sinaktan pero bakit niya nagagawa sakin 'to?!

"Allen ano bang nagawa ko sayo? Allllleeennnn...." para na akong mababaliw sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Naguunahan pati sipon ko sa pagtulo. Ganito pala kasakit ang ma-busted ng taong pinakamamahal mo. Umasa ako eh. Akala ko yun na yun.

"Allen mahal na mahal kita pero bakit mo ko sinasaktan?" sigaw ko. Tulo ng tulo ang luha ko habang nagwawala ako. Binato ko lahat ng makita ko sa loob ng kwarto. Sinira ko yung sofa at yung kama ko. Nakita ko yung salamin, sinuntok ko. Nabasag at bumaon sa kamay ko ang ilang bubog. I felt numb! Hindi ko ramdam ang sakit sa kamay ko pero yung kirot sa puso damang dama ko.

Parang may bombang nagpapasabog sa loob loob ko. Napakasakit!Napa-upo ako sa sahig and found my phone on my side. Kinuha ko iyon and I dialed his number.

"Say your message after the tone" sabi nung nasa kabilang linya. Voice mail lang.

"Allen... Mahal na mahal kita. Simula palang nung mga bata tayo, ikaw lang ang minahal ko. Bakit ba ayaw mo sakin? Dahil ba makulit ako, mataray o dahil mayabang ako? Magbabago ako para sayo... I'll do everything para lang mahalin mo rin ako. Allen, gusto mo bang hatian kita ng kayamanan ko? Gagawin ko basta sabihin mo lang na mahal mo din ako... Handa akong magpaka-tanga para sayo! Pag natanggap mo ito... Tawagan mo ko ha!" I cried then I ended the call.

Nanlabo na yung mga mata ko, sa paghihintay ng tawag niya or text man lang pero wala. Ayaw niya talaga sakin. Siguro nga, hindi ako maganda. Siguro nga masyado akong umasa na mamahalin ang ng taong gusto ko. Siguro nga masyado akong nagpantasya. Kasalanan ko ito! Dapat di ako umasa, dapat di nalang ako nagkagusto sa kaniya! Asar!

Napapikit ako then nakatulog na.

--

3rd person's POV

Nagising si Devin na halos namamaga ang mga mata dahil sa tuwing makakatulog siya, napapanaginipan niya ang nangyare kahapon sa kanilang dalawa ni Allen. Bumangon siya at halos parang lantang gulay siyang lumabas ng kwarto. Dumiretso siya sa dining table para mag-agahan. Umupo siya sa kaniyang usual seat at natulala sa hapagkain na tumutulo parin ang luha. Ramdam na ramdam parin niya ang sakit at hindi niya matanggap na ayaw sa kaniya ni Allen.

"Devin, luha ba yang tumutulo sa mga mata mo?" tanong ng mama niya pero hindi iyon pinansin ni Devin. Dahil ang isipan niya ay lumilipad sa kung saan. Tanging si Allen lang ang nais niyang marinig at makita.

"Syempre naman ma... Luha yan. Meron ba namang laway na galing sa mata?" sabat naman ng kuya niya.

"Alam ko na... Busted ka ano?" tumawa ang kuya niya. Napatingin si Devin sa kuya niya at sinamaan ito ng tingin. Tumayo siya habang nakatitig parin siya sa kuya niya.

"Oo, tama ka. Ikaw na ang magaling! Busted ako... Oo dapat di ako nagpantasya. Dapat di ako umasa! Wala namang tao na magkakagusto sakin kasi nga pangit ako, mayabang, masama ang ugali! Diba... sabi mo nga wag na akong mag-pantasya? Sana sinunod nalang kita. Kasi ngayon nasasaktan ako! Ang sakit sakit oh! Siguro masayang masaya ka sa nangyare sakin... Grabe, salamat kuya sa mga payo mo. At sana masaya kana na nagkaganito ang kapatid mo" sigaw niya habang tumutulo sa pinggan nito ang kaniyang luha.

"Devin" napaawang naman ang labi ng kaniyang ina.

"Ma, you're right. Titigilan ko na ang pantasya ko sa kaniya... Sana maging masaya na kayo" she stormed out of the dining room. Mas lalo siyang nakaramdama ng sakit. Pero kahit papaano naibsan ng kaunti ang dinadala niyang galit sa kaniyang kapatid at ina.

Nagtungo siya sa kwarto niya at mabilis na naligo at nagbihis. Hindi na niya tiningnan kung pangit ba siya sa salamin dahil ang alam lang niya mas magiging okay siya kung sa school siya pupunta. Dahil doon, walang makekealam o makikipag-usap sa kaniya.

Nang makarating na siya sa school, nakita niya sina Hillary at dalawa nitong alipores. Hindi niya iyon napansin kaya nilagpasan lang niya ang mga ito. Pero bigla siyang hinigit ni Hillary.

"Ano, masakit ba? Natalo na nga... Na-busted pa. Napaka-miserable naman" pangaasar nito. Biglang kumulo ang dugo ni Devin at nag-init ang kaniyang ulo. Lahat nalang ba ng taong makakasalubong niya aawayin at aasarin siya?

"Sobra, ipaparamdam ko sayo kung gaano kasakit... Ganito oh!" bigla niyang hinigit ang buhok ni Hillary pero agad na rumesponde ang kasama ni Hillary.

"Subukan niyong maki-alam... Lulubog ang mga companies nyo!" banta ni Devin. Agad namang natakot ang mga ito kaya hindi na sila nakialam sa away ng dalawa. Inihiga ni Devin si Hillary sa maduming semento at dinag-anan ito. Paulit ulit na sinampal at sinuntok. Kung saan saan dumapo ang malalakas at bayolenteng mga suntok ni Devin.

"Stop!" sigaw ni Hillary na halos hindi na makahinga sa ginagawa ni Devin sa kaniya. Kung bakit naman kasi pang-asar tong Hillary... Ayaw na-sampolan ka ng devil princess. Hindi siya tinigilan ni Devin. Sinabunutan pa ito ng paulit ulit.

Maraming estudyante ang pumalibot sa dalawang magka-away, nais picturan ng iba at nais kuhanan ng video pero walang naglakas ng loob dahil sa takot nila kay Devin.

"Gunting!" sigaw ni Devin. Wala ni isang nag-abot sa kaniya, natatakot kasi sa maari nitong gawin.

"Gunting! 5000 pesos just give a damn scissor!" sigaw nito. Biglang naglabasan ang gunting ng mga estudyante nang marinig ang limang libong piso. Mga mukang pera eh. May nag-abot sa kaniya ng gunting. Agad na hinablot ni Devin ang buhok ni Hillary at pinag-gugupit ang mahaba and glossy hair ni Hillary.

"Tigilan mo ko! Wahhh" umiyak na Hillary at nagkukumawala sa pagkaka-dag-an sa kaniya ni Devin. May isang naglakas loob na umawat sa kanila. Hinigit ng isang lalaki si Devin. Nakahanap naman ng pagkakataon ang haliparot na si Hillary upanag makatakas sa mabangis na devil princess.

"Tapos na ang drama... Umalis na kayo!" sabi ng lalaki. Agad na sumunod ang mga estudyante sa kaniya dahil siya ay isa rin sa pinaka-mayamang student sa buong campus.

"Ano bang nangyayare sayo ha? Nung una si Grace ang binugbog mo... Ngayon naman si Hillary?  Gusto mo bang ma-guidance ka?" tanong ng lalaki sa kaniya. Tinitigan ito ni Devin ng napakasama.

"Ano bang pakealam mo ha? Di ba ayaw mo sakin... Pwes Allen. Ayoko na din sayo! Kaya pwede ba kahit kailan wag ka na makiki-alam sa buhay ko! Wag kang pam pam" pagkasabi ay agad na tinalikuran ang binata.

"Makikialam pa, eh siya nga ang dahilan kung bakit ko sinaktan ang haliparot na iyon eh. Magtataka pa siya kung bakit ko ginawa yon? Dapat alamin niya!" inis na sabi ni Devin sa kaniyang isip.

"Simula sa araw na ito, gagawin ko lahat para maramdaman mo rin ang sakit! Pag naka-gusto ka sa isang babae... Gagawin ko lahat para iwan ka niya!" She promised herself. Dahil sa nasaktan siya, nanaisin din niyang masaktan ang lalaking gusto niya. Hindi niya talaga alam kung gaano kasama ang pinaplano niya. Paano second year palang gusto na agad magka-boyfriend. Tapos ang gugustuhin pa ay yung taong ayaw naman sa kaniya. Kawawa naman.

Stalking Allen Dela Ceda(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon