Chapter 3

5.8K 244 10
                                    

Klei Pov:

Naloka talaga ako ng paupuin siya ni MR.A sa tabi ko tapos etong si Sander nakangisi pa habang naglelesson si sir mukhang may binabalak to ah subukan niya talaga ako makikita niya.

"Hi payat" bulong nito sa akin na ikinakunot ng noo ko aba't loko to ha, ako payat eh sabi nga nila ang sexy ko daw eh parang babae.

"Sinong payat sexy kaya ako panget" balik ko dito nakakainis talaga to mukhang aasarin lang ako nitong lalaking to buong taon ha

"Ang payat mo kaya parang di ka kumakain, atsaka sinong panget ang gwapo ko kaya" sabi naman nito sa akin ang tigas din ng mukha niya na sabihing gwapo siya ha pero sa totoo lang gwapo talaga siya hehe.

"Ano bang paki mo sa katawan ko pakiaalaman mo yang sarili mong katawan at hindi yung nangingialam ka sa iba at hindi kaba nilalamig?" tanong ko dito na ikinataka niya

"Ha? Hindi bakit mo naitanong?" sagot niya sa akin

"Ang hangin mo kasi eh hahaha" mahina kong tawa at ng tingnan ko siya halata yung galit sa mukha niya, tingnan mo tong lalaking to siya yung unang nang-asar tapos siya pa yung unang napikon baliw lang?

At yun di na siya sumagot pa at nakinig na lang sa lesson ni MS. M teacher namin sa MAPEH at pangatlong subject na namin at break na ang sunod kaya hinintay ko na lang na magbell para magbreak

at nang tingnan ko si sander ay parang galit ito sa akin kaya nakonsensiya ako hihingi na lang siguro ako ng tawad sa kaniya mamaya

Hay nako! Ako pa talaga ang hihingi ng tawad sa kaniya eh no? Kaloka kung wala lang talaga akong konsensiya di ko gagawin to pasalamat talaga siya sa akin dahil isa akong mabait na bata

(Ringggg)

at yun na nga ang hudyat na break na namin kaya agad akong pinuntahan ni Zine isa sa mga kaibigan ko at dati kong classmate bakla din to mas maganda nga lang ako charot haha

"Bakla sabay na tayo punta sa canteen" sabi nito sa akin

"Ay beks pass muna ako kasi hihingi pa ako ng tawad doon kay Sander kasi nabunggo ko yun kahapon tsaka inasar ko kanina kaya ayun nagalit" pagpapaliwanag ko dito

"Oh beks kabago bago pa lang nun bet mo na haha" baliw talaga tong kaibigan ko

"Letche beks, una na ako babye" paalam ko dito at dali daling lumabas upang hanapin si panget pagkalabas ko ay agad ko itong nakita at tinawag

"Panget ay Sander!!" sigaw ko na ikinalingon nito ngunit naka kunot yung noo niya haha lalo siyang gumagwapo hala ano ba tong nasa isip ko.

"Oh bakit anong problema mo?" sabi niya sa akin na halatang galit, ang taray naman neto haha.

"gusto ko sana magsorry sayo kasi diba nabunggo kita kahapon at di ako nakahingi ng tawad sayo kasi umalis agad ako at saka naasar kita kanina di ko naman sinasadya ikaw kasi eh" sabi ko dito

"so kasalanan ko pa pala? Galing!"
Sabi niya sabay talikod tapos lakad ulit

Eh siya naman talaga may kasalanan eh pero hahayaan ko na lang marunong naman akong magpakumbaba.

kaya agad ko siyang hinila para pigilan ngunit paghawak ko sa kaniya ay may biglang dumaloy na kuryente sa aking katawan na hindi ko malaman kung ano.

"A-ano pase-sensiya na talaga sige na patawarin mo na ako gagawin ko lahat para lang mapatawad mo ako" utal utal na sabi ko at napangiti naman siya sa sinabi ko mukhang may nasabi ata akong di ko nagustuhan patay tayo jan

"Talaga?" Tanong nito sa akin ng nakangisi nako mukhang may mali ata talaga sa nasabi ko ha

"O-o?"

"Sige para mapatawad kita sasabay ka sa akin tuwing break kasi bago lang ako dito kaya wala akong kasabay" sinasabi ko na nga be eh wala na akong magagawa nasabi ko na gagawin ko lahat eh

"Ah-eh sige tara na kain na tayo bago pa mag bell" sabi ko dito bago nauna maglakad

Ano ba tong ginagawa ko baka sabihin ng kaibigan ko pinagpalit ko na sila kay sander nako talaga, dali- dali agad kaming pumunta sa canteen upang kumain pipila na sana ako ng pigilan niya ako

"Ako na pipila tapos maghanap ka na ng pwesto natin ano ba order mo?" sabi nito sa akin

"Spag, fries at mogu mogu lang" sabi ko dito sabay abot sa kaniya ng pera ngunit di niya ito tinanggap at sinabing

"My treat ako nagyaya sayo eh pero next time ikaw naman manlibre ha" sabi nito sa akin napatango na lang ako at naghanap na ng pwesto

Di muna ako pumwesto sa table naming magkakaibigan kasi magpapaalam muna ako sa kanila kung pwede siya umupo doon sa table namin baka kasi sabihin nila bago pa lang kinakaibigan ko na agad

Maya maya pa ay dumating na siya hawak hawak yung pagkain naming dalawa nilapag niya ito at sinimulan na namin ang pagkain

Habang kumakain ay nakatitig lang ako sa kaniya ang gwapo niya pala talaga kahit na kumakain

"Baka naman matunaw ako niyan" bulyaw nito sa akin habang nakangisi na ikinapula ko tuloy kaloka kasi tong lalaking to eh

"Oh bakit namumula ka mainit ba" tanong niya sa akin na mas lalong nagpapula sa akin

" ah-eh wala wala tapusin mo na yan para maka akyat na tayo sa classroom " utal kong sabi sa kaniya

"Sige sandali na lang to" Sabi niya sa akin, pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami at nakinig sa lesson ng aming mga butihing guro

Sa tingin ko mabait naman siyang tao mukha lang talaga siya BADBOY pero mabait talaga siya

Mukhang may bago akong kaibigan ha sana lang pumayag din yung iba kong kaibigan na kaibiganin siya kasi mabait talaga si sander

Di ko muna inisip pa siya at nagsimula na akong makinig sa teacher namin na nagtuturo sa harapan namin

-------------------------------------------------------------

AN: Haha nagiging malapit na sila sa isa't-isa mahulog kaya sila sa isa't - isa abangan mga beks.

Please Vote and Comment po kung nagustuhan niyo

Salamatsu!<3

Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon