Sander Pov:
Natapos nga ang pagpapractice namin para sa performance namin sa Mapeh at masasabi kong maganda talaga ang boses niya ang sarañ pakinggan mala anghel ang kaniyang boses dinaig niya pa yung babae sa sobrang ganda ng boses niyaKaya naman pagkatapos naning magpractice ay puro papuri lang ang binigay ko sa kaniya
"Payat ang ganda pala ng boses mo parang babae" sabi ko sa kaniya na ikinangiti nito
"Salamat, mas maganda kaya yung boses mo" balik nito sa akin
"Pareho lang tayo payat kaya bagay tayo eh" sabi ko sa kaniya na ikinagulat niya pati ako nagulat eh bigla na lang kasi lumabas yung mga salitang yun sa bibig ko eh
"Ba-bagay tayo?" takang tanong niya sa akin
"ahh-ehh o-oo bagay tayong magpartner kasi maganda pareho boses natin" utal kong sabi sa kaniya buti na lang at nakaisip agad ako ng palusot
Pagkatapos non ay bigla na lang siya natulala ano kayang iniisip nito
"Hoy payat tulala ka jan?" pagputol ko sa pag-iisip niya
"Ahh-ehh wala tara na baba na tayo ng maka-uwi na ako" tatayo na sana siya sa kama ko pero bigla ko siyang hinila at napahiga tuloy siya sa ibabaw ko at ang mas ikinagulat ko ay ang paglapat ng labi niya sa sa labi ko
Dali dali agad siyang tumayo habang nakayuko siguro nahihiya siya sa nangyari
"u-uhhm sorry" sabi niya habang nakayuko parin
"Ahh-ehh ako dapat ang magsorry kasi kasalanan ko naman" sabi ko sa kaniya
"Kalimutan na lang natin to hindi naman natin to ginusto eh" sabi ko pa na ikinainis niya ata
Kaya dali dali agad siyang nagpaalam sa akin at lumabas na
"Ahh sige una na ako baka gabihin pa ako eh" sabi niya at tinanguan ko lang ito
Pagkalabas niya ay labis akong nagalit sa sarili ko kasi ang duwag duwag ko
Matapos ang nangyaring halikan sa aming dalawa agad akong nagalit sa sarili ko dahil kitang kita sa maamo niyang mukha yung lungkot na nadarama niya nung sabihin kong kalimutan na lang namin iyon
Di ko alam kung ano tong pinaggagawa ko dapat masaya lang siya sa piling ko eh peto ako pa ang dahilan kung bakit siya nalulungkot nakakainis!
"Ang Tanga tanga ko sh*t " mura ko habang pinaghahampas ang sarili ko
Hindi ko maamin sa kaniya yung tunay kong nararamdaman na tuluyan na akong nagkagusto sa kaniya na di ko dapat maramdaman kasi lakaki ako
Oo may gusto na ako sa kaniya di ko alam sa sarili ko kung anong nangyayari sa akin pero siya na lang ulit yung nagpatibok sa puso
Siya yung nagparamdam sa akin na tuwing kasama ko siya feeling ko ang saya saya ko feeling ko siya yung bumubuo sa araw ko
Kaya natakot akong aminin kasi inaalala ko ang mga sasabihin mg tao kung sakali mang sabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko
Kasi lalaki ako pero nagkakagusto ako sa isang bakla at sobra akong natamaan sa kaniya di ko nga alam kung ginayuma ako nitong bakla to eh
Nung una naman di ko to nararamdaman sa kaniya pero unti-unti akong nahulog sa kaniya kasi tuwing makikita ko siya feeling ko buo na yung araw ko pero ano tong nagawa ko sa kaniya nasaktan ko siya bakit ba kasi ako naduwag sana pala sinunod ko na lang ang puso ko para hindi ako nagsisisi ngayon
Pero simula sa lunes susubukan ko na siyang kausapin tungkol dito sa nararamdaman ko kasi di ko na kaya pang pigilan to, buo na ang desisyon ko na hindi na ako maduduwag at hindi na mahalaga pa sa akin yung mga sasabihin ng ibang tao ang mahalaga masabi ko lang sa kaniya tong nararamdaman ko
Tawagin na nila akong bakla pero wala akong pakialam ang mahalaga ay magkasama kami ni klei at masaya kami
Pero sana pansinin niya pa ako kasi alam ko naman sa sarili ko na masakit yung mga salitang sinabi ko sa kaniya naiinis talaga ako sa sarili ko bwisit!
Nabigla lang talaga ako kanina kaya ko na sabi yung mga salitang yun hindi ko naman intensiyon na pagsalitaan siya ng ganun ayaw ko siyang nakikitang malungkot kasi nasasaktan din ako lalo na't ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan
Pero wala na akong magagawa para baguhin yun kasi nangyari na eh sabi nga nila "Nasa huli ang pagsisisi" totoo naman saan ka ba nakakita na nagsisi muna siya bago siya gumawa ng bagay haha
pero nung naghalikan talaga kami kanina iba yung naramdaman ng puso ko ibang iba di katulad ng mga nahalikan ko na dati
ang lambot ng mga labi niya di ko akalain na ganon kalambot yung mga labi niya ang sarap sa pakiramdam
Hindi ko nga alam kung anong meron sa kaniya kung bakit siya ganon siguro ginayuma ako ng baklang yun haha pero iba kasi talaga siya
Siya lang yung nagpapatibok sa puso ko ng mabilis kapag malapit siya sa akin
Kapag kasama ko siya feeling ko wala na akong ibang hinahangad kapag kasama ko siya eh baliw na kung baliw totoo naman eh baliw na ako sa kaniya kaya gagawin ko ang lahat mapa sa akin lang siya
Oo lahat lahat handa akong isakripisyo kahit ano mapasaakin lang siya
pagkatapos ng pag-iisip ko ay dumiretso na ako sa hapag upang kumain anong oras na din kasi di ko na namalayan yung oras sa dami ng iniisip ko
Pagbaba ko ay nakita kong kumakain na sila mama pati yung bunso kong kapatid kaya umupo na din ako at nakikain
"Oh son kamusta bago mong school may girlfriend ka na ba doon?" tanong sa akin ni mama na dahilan kung bakit ako natigil sa pagkain
"Ah-eh wala pa ma di pa ako nakakhanap" sabi ko dito kaya napatawa siya
"Hahaha loko ka talaga anak sige kumain ka na lang diyan" sabi niya sa akin kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa aking kwarto upang matulog at makapagpahinga na
-------------------------------------------------------------
AN: GUYS PLEASE VOTE AND COMMENT PO KUNG NAGUGUSTUHAN NIYO PO ANG AKING KWENTO SALAMATSU!
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)
RomanceAko si Klei isang simpleng bakla na may pangarap sa buhay at ngayong pasukan ay inaasahan ko na magiging katulad rin ito ng mga pasukan dati ngunit nagkamali ako dahil may makikilala ako na isang lalaki na siyang babago ng ikot ng mundo ko. Maging m...