Mau's POV
Grabe 2 months agad ang nakalipas parang kelan lang, kakakilala lang namin sa kanila tapos ngayon super close na kami.
Si ate nette at clar laging magkasama, mukhang may something na nga eh feel ko lang :)
Si patricia at charles ganun din super sweet, masaya sila palagi. Naku mukhang magkakaLovelife na sila ah.
Kami ni leb?! ayun were friends na naki-usap siya na kung pwede daw eh friends kami. Ang cute nga nung pag-uusap naming yun eh.
Flashback:
Nasa cafeteria ako ngayon, walang kasama wala yung dalawa eh. Siguro kasama yung dalawang mokong.
Napatigil ako sa pagkain ng may biglang umupo sa upuan sa may harapan ko.
"Hi Mau :)" leb na naka-ngiti abot langit.
"eh?! ginagawa mo dito?!" tanong ko.
"nakita ko kasi wala kang kasama kaya pinuntahan kita" paliwanag niya.
"aaaahhh" sagot ko.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa cafeteria kasi wala ng ibang estudyante dito, kami lang.
"ah mau" pamumutol niya sa katahimikan.
"uhm?!" sagot ko.
"pwedeng maki-pag-friends sayo?!" tanong niya na sabay ikinapula ng mukha niya. Anyare?! may sakit ba 'to?!
"ayoko nga mahawa pa ko sa pamumula ng mukha mo" panloloko ko. Nakita ko sa mukha niya ang pagkadismaya, tatayo na sana siya pero bigla kong hinila yung braso niya.
"hoy joke lang, di ka mabiro" sabi ko tapos umupo ulit siya.
"anu ka ba? syempre naman payag akong makipagfriends sayo :)." nakangiti kong sabi sa kanya. nagliwanag naman yung mukha niya nung sinabi ko yun.
"thank you :)." leb na bigla akong niyakap.
End of Flashback
Oh di ba? kaya ayun friends na kami. Bumalik ako sa katinuan ko nung kinalabit ako ni patricia.
"hoy mau, daydreaming nanaman? kanina pa yang bata dyan sa tabi mo tinatawag ka di mo pinapansin." patricia sabay nguso niya dun sa batang babae, mga nasa 1st year siguro. Eh? saan naman nanggaling 'tong bata na 'to. tinignan ko siya tapos may iniabot siyang red roses.
"ate ganda may nagpapabigay po sa inyo :)." naka-ngiti niyang sabi.
"eh sino? anong pangalan?" takang tanong ko.
"hindi po sinabi eh basta ang sabi niya ibigay ko daw po dun sa babaeng maganda na naka-upo sa may tabi ng fountain". paliwanag niya.
Oo nga naman eh ako lang ang malapit sa fountain sila patricia at ate nette ang layo sa akin.
"Ah sige pakisabi thank you ha?." tapos umalis na siya. Sinong namang lalaki ang magbibigay sa akin nito?
BINABASA MO ANG
Afraid To Say I Love You
Подростковая литератураStorya ng isang babaeng natakot sa salitang iloveyou dahil hindi ito napatunayan sa kanya. Kung darating ba ang pagkakataong may taong muling magpapatunay ng pagmamahal sa kanya maniniwala pa ba siya o hinding-hindi na? StoryCover by: charm lee