Ikalawang liham

17 0 0
                                    

Sa aking minamahal,

Nandito na naman ako sa sitwasyong kasama ka. Kasama ka ngunit di ako masaya. Di ako masaya sapagkat nakatutok na naman ang iyong mata sa kanya. Kailan ba magkakaroon ng ikaw at ako kung may ikaw at siya na.

May isang upuang namamagitan sa ating dalawa. Isang upuan lamang ngunit tila isang kilometro ang ating pagitan. Pagitan na siyang dahilan kong bakit ako nasasaktan.

Hinihiling ko nalang ngayon na mabigyan ako ng pagkakataon na ipaalam sa iyo ang aking nararamdaman. Pero tila ba mailap sa akin ang pagkakataon sa pagkat di yata ito ang tamang panahon upang sabihin sayo na ako ay may dinadamdam na sana ako naman ang iyong pagmasdan

Nais kitang mahalin
Kahit na kinakailangan kong tumago sa dilim
Pero di ko na kaya,pagod na ako masaktan
Lalo't alam kong ang pagkakaibigan ay malayo sa sinasabi nilang nagmamahalan

Gayon pa man nais kong magpasalamat sa mga araw na ako ay sumaya ngunit ito na ang huli salamat mahal ko sapagkat nakilala kita.

Liham ng babaeng sawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon