Sa aking minamahal,
Sa pangalawang pagkakataon nasaktan na naman ako. Ako na nangangarap na magkaroon ng ikaw at ako.
Mahirap palang pangarapin ang isang katulad mo. Lalo na't iba ang iyong gusto. Minsan di ko tuloy maiwasan pangaraping maging iba, baka sakaling maging akin kana.
Kailan mo ba makikita ang babaeng nagmamahal sayo. Nagmamahal sayo na walang iba kundi ako. Ako na kayang magpakatanga at magpakamanhid para lang sayo. Sayo na bumubuo sa mundo ko.