Simula

17 0 0
                                    

Nica's POV

"Mommy..."mangiyak-ngiyak kong sabi sa puntod ng aking ina "bakit mo ako iniwan? Ikaw na lang ang natitirang kasama ko dito. Wala na nga si daddy pati ba naman ikaw? Sina tita naman..... ayaw kong sumama kina tita sa manila"
Gusto akong isama nina tita sa manila para doon na lang ipagpatuloy ang pag-aaral ko at para mabantayan daw nila ako ng mabuti.Ayaw ko kaya dun! Hindi ako sanay. Yung pinsan ko din kasing nandoon, inglesera pero baka marunong na ding magtagalog. Nakakaasar lang! Kaya mas mabuting dito na lang ako. Pero...... baka nga tama sina tita. Di ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa. Mas makakabuti na siguro iyon.

"Mommy, pag ikaw ba ang nasa posisyon ko, payag ka?" Sabi ko sa
aking ina na di naman ako naririnig. 

"Oo" may biglang nagsalita. holy sh*t! Hala!

"Ikaw ba yan mommy? Huwag mo naman akong takutin" nanginginig kong sabi.

"Gaga!ako to frend"sabi ng isang babae sa likod ko."Akala ko ba aalis ka na? Ba't nandito ka pa? Halika na. Mahuhuli ka na! Aalis na yung eroplano in 40 minutes!"pasigaw niyang sabi.
Oo nga pala! Hahahaha.. ngayon ako aalis papunta sa manila! Gaga ka talaga Eunica Bernice! May paemote emote ka pa kasing nalalaman sa nanay mo. Nagtatanong ka pa kung sasama ka? Eh ngayon na nga alis mo diba? Aisshhhh!

"Oo na ito na! Bye mommy, mamimiss kita" sabay tayo papunta sa sasakyan.

"Ang bagal mo naman!"sabi mg kaibigan kong bungagera.

"Sorry ah, kinausap ko pa kasi si mommy.
Andyan nga pala siya sa tabi mo." halos inis kong sabi. Eh pano ba naman kasi, ngayon ko nga huling makakausap si mommy,eepal pa tong si Zarnia.

"Shit ka naman Nica! Huwag mo nga akong takutin ng ganyan"hahahaha... nakakatawa yung mukha niya.Hahaha. Mamiss ko tong ganitong mukha niya kapag tinatakot. Huhuhu

Mabilis ang naging biyahe namin. Nandito na kami ngayon sa airport. Ayaw nga akong bitawan ng kaibigan ko kanina pa iyak ng iyak.
"Mamimiss kita bess. Huhuhu *sniff*" sabi niya ng di pa inaalis ang yakap niya sa akin.

"Aww. Napakalambing naman ng besty ko! Mamimiss din kita. Magpakabait ka dito ah? Wala ako sa tabi mo tuwing kailangan mo ako pero pwede mo naman akong kausapin through skype, okay?" sabi ko sa kanya.

"Oh siya. Kailangan ko ng umalis" sabay bitaw sakanya."magiingat ka lagi ah? Lablab kita"

"Lablab din kita" sabay halik niya sa cheeks ko."bye!"
______________________________________

Hayyyy.. nakakapagod ang biyahe. Ang init naman dito!
"Oh my goshhh!! Ate Nica, you're here na!!! I miss you!!" Biglang sulpot ng pinsan kong feeling inglesera.

"Ah--ehh-- ahmmm- I- I miss you too" sabay yakap sa kanya.

"Come on. Mommy wants to see you na" sabay hila sa akin papuntang dining room.

"Oh. Hi iha. Nandito ka na pala. Kamusta ang biyahe? Okay lang ba? Napagod ka ba? Gutom ka na ba? Upo ka muna" sabay-sabay na tanong ni tita.

"Uhmmm.. yes tita. I'm okay naman po. Napagod lang po ako sa biyahe.Tsaka busog pa po ako. Pwede po bang pumunta muna sa kwarto? I'm going to sleep first" sabi ko kay tita sabay ngiti.

"Of course! Camille, can you accompany your ate nica to her room? Ipapaakyat ko na lang kina yaya yung gamit niya sa taas"

"Yes mom. Come on ate nica! I will  pakita na your room" masayang sabi ni camille sa akin.

Wow! Shemssss. Medyo malaki pa ito sa kwarto ko sa probinsya. Ang ganda! Sino kayang nag-ayos ng mga gamit dito? Ang linis!
"Do you like it ate, hmmm?" Tanong ni camille sa akin.

"Yes. I love it!" Sabi ko sa kanya

"Okay ate. Can I go to my room na? I have more things to do eh." Sabi niya.

"Of course. Pwedeng pwede. Tsaka para makapagpahinga na rin muna ako. Bye!" Sabi ko sa kanya.

Hayyyyy.. nakakapagod talaga. Iidlip nga ako saglit.

Ano ba naman yan ang ingay!! Sino ba tumatawag? Nakakaistorbo!
Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa skype. Si zarnia pala.

"Bessssssss!!!!" Pasigaw niyang sabi na parang ang tagal na naming di pa nagkikita."kamusta? Paalala ko lang. Nadala mo ba yung bigay kong bag sayo?"tanong niya sa akin

"Ang ingay mo naman.Oo dala ko." Mangiyabngiyab kong sabi sa kanya.

"Ahmmm besss.. kagigising mo lang ba? Naistirbo ba kita? Sorry ah. Namiss kasi kita agad. Ayiiiieeehhh. Keneleg siya. Namiss ko daw siya.. hahahaha" sabi niya

"Oo kakagising ko lang. hahahaha namimiss na din kita agad bess.. sunod ka kaya dito?" Pacute at palambing kong sabi sa kanya.

"Tsee! Buti kung payag si mommy na mawalay ako sa kanila. Syempre hindi! Lablab kaya nila ako." Sabi niya

"Bakit ako? Di mo ko lablab?" Pacute kong sabi

"Syempre lablab kita. Mas lab ko nga lang sina mommy. Hahahaha"

At yun nga. Ang tagal naming nagusap ni Zarnia na parang ilang buwan kaming di nagkita. Eh magi-isang araw palang naman.. tssssk. Alam niyo ganyan talaga kami niyang kaibigan kong yan. Magkababata kasi kami. Sabay kaming lumaki. Kasi matalik na magkaibigan din si mommy at ang mommy niya.Halos kaming dalawa lang ang talagang magkasundo. Nagsasabihan ng sikreto sa isa't isa. Wala ngang makakapaghiwalay sa amin. Kaso.. eto nga. Nagkawalay kami sa isa't isa. Kailangan eh.

Hanggang dito na lang ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon