*Chapter Eight*

288 6 0
                                    

Devin's POV

Gagong lalaki yon, matapos makipaghalikan sa Alexa na iyon bigla siyang pupunta sa akin. Aba tanga siya! Sorry? Para saan? May payakap yakap pa siyang nalalaman. Dapat talaga hindi ako naniwala sa kambal niya eh! Napakasinungaling. Napaniwala akong mahal daw ako ni Allen... Nako kalokohan!

"Stop!" sigaw ni Allen mula sa likod ko. Aba sinusundan pala ako ng lalaking 'to. Teka nga bakit nga ba tumaktakbo? Eh si Allen lang naman ang nasa likod ko? Huminto ako sa pagtakbo at pinunasan ang luha ko. Hindi ko dapat siya iniiyakan. Wala siyang kwenta!

"Bakit ba ha? Ano pa bang kailangan mo? Ipapamuka mo ba sakin na masayang masaya ka sa Alexa na yon ha?" I hissed. I rolled my eyes saka tumingin sa ibang direksyon.

"Alexa-I mean Devin... gusto kita!" he said. Ano? Nagpapatawa ba siya?

"Ha ha ha. Nakakatawa ka Allen. Ano papaniwalain mokong gusto mo ko tapos sa huli sasaktan mo lang ako? Wag mo na akong pag-tripan because from this day forward hinding hindi na kita magugustuhan. I hate you!" I retorded. Ayoko ko nang makarinig pa ng mga kasinungalingan mula sa kaniya. Baka maniwala ako at umasa na naman tapos masasaktan lang. Ayoko ko na! Pagod na ako at natuto na din. Na hindi lahat ng gusto ko makukuha ko!

"Devin Wayne Cortez! Mahal na mahal kita. Hindi ko lang masabi sayo dahil natatakot akong ma-reject. Ayoko ng katulad mo, gusto ikaw lang. I want you to be my now and forever. Alam ko nasaktan kita at inaamin ko sobrang tanga ko. Nung araw na sinabi mong gusto mong maging girlfriend kita, I was surprised at natuwa ako. Pero hindi masabing gusto din kitang maging girlfriend dahil na-to-torpe ako. Araw araw kong pinagsisisihan yun... Kaya please be my girl?" he said .Ang haba ng sinabi niya. Akala niya mapapaniwala niya ako ng ganon ganon nalang? Hindi yata. Nasaktan ako ng grabe oh!

"Hindi parin ako naniniwala..." pinanatili ko ang pagiging matigas ko. Hindi ako ganon kadaling makuha.

"Devin, nung unang araw palang na makita kita sa may park when we were still young, you already captured my heart. Masama man ang ugali mo, mayabang ka man at mapagmataas kung minsan, nagawa mo paring pabilibin ako. Nung araw na makakita ka ng pusa na muntik ng mabangga, you save it from death-" I cut him off.

"Tumahimik ka na-" bigla niyang tinakpan ang bibig ko ng kamay niya. Bastos talaga eh!

"Wala kang karapatang magsalita ako muna. Alam mo, kahit may pagka-tanga ka at medyo mahina sa mga test mahal parin kita. Kahit muka kang tanga minsan dahil sa pagpapa-pansin mo sakin wala ka parin pakealam. Kaya naman mas minamahal kita. Naalala ko pa nung unang beses mo akong hinalikan, sa may restroom pa iyon ng mall nung seven years old ako at ikaw five. Kire ka na bata palang. You know what, nag-imagined ako na ikaw ang babaeng makakasama ko sa pagharap sa Dyos. You are the only person I am going to love no matter what... I really love you Devin, please be my girl... I promised to love you forever and ever..." sabi niya. He suddenly kneeled down in my front.

Nakakataba ng puso yung mga sinabi nya. Akala ko hindi niya ako napapansin, akala ko hindi niya ako kayang mahalin pero mali pala ako. Grabe, mahal na mahal ko na talaga ang lalaking ito.

"Sabi mo yan ha... Wala ng bawian..." sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Tumayo siya at niyakap na din ako.

"Teka, niyayakap mo na agad ako hindi mo pa naman sinasabing pumapayag kang maging girlfriend ko..." he whispered.

''Kailangan ko pa bang sabihin yun?" tanong ko. Nakakahiya kaya. Baka hindi ko keri.

"Ofcourse, paano ko malalaman na akin ka na talaga?" sabi nito. Nakaka-asar. Kinikilig ako. Todo na ito!

"Sige na nga... Allen, I'm yours! Promise!" I kissed him on his cheek and smiled.

"Sa cheeks lang? Anyway..." he lowered his lips to mine. Our lips met and un-expected sparks and butterflies sunddenly played inside my body. Ewan ko ba, sobrang saya ng pakiramdam. Ganito pala ang feeling kapag yung taong mahal mo minamahal ka din pabalik. Sobrang saya.

"Wow, ang sweet!" kumalas ako sa pagkakayakap kay Allen at napalingon sa aking likuran. I saw tons of people around us. Grabe, nakakahiya! Bakit sila naandito lahat. Bigla ding tumugtog ang kantang 'THIS I PROMISE YOU'

"Woooo! May new couple na! Next time kasalan naman ha!" sigaw nung pamilyar na boses. Nilingon ko iyon and saw Hillary smiling at me. Biglang naging okay ang lahat.

"I love you Devin..." he whispered. Parang tanga talaga 'tong si Allen. I love you ng I love you.

"Teka eh diba girlfriend mo si Alexa?" tanong ko. Bigla kasi siyang pumasok sa isip ko. Ayoko naman maging kabit agad ano.

"Ha? Girlfriend? No... Nung firest year pa ako nun... Ex ko nalang siya" sabi nito.

"Weh... Eh bakit mo siya hinalikan nung nasa garden kayo tapos hinalikan ka din niya kanin. Umamin ka nga, niloloko mo ba ako?" I glared at him.

"No... Hinalikan ko siya nun kasi nag-shu-shooting kami para sa project namin sa short film. At yung kanina, hinalikan niya ako kasi she wanted me back. Pero sabi ko ikaw lang yung mahal ko... Happy now?" sabi nito. I pouted my lipspara kasing di ako kumbinsido. Pero anyway, sakin na naman siya eh.

"I love you..." sabi na naman niya.

"I love you... I love you... I love you!" he said again and again. Para siyang walang kapaguran eh.

"Hay nako, I love you too" sana siya na ang maging husband ko forever.

"Wag kang magsasawa sa I love you ko ah... Kasi ikaw lang ang tanging babae na sasabihan ko ng mga salitang iyan... Baby ko" he kissed me again in front of many people. Di man lang siya nahihiya eh!

(the end)

Stalking Allen Dela Ceda(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon