EPISODE 2 PART 6 She Meet the four

52 0 0
                                    


ISIAH's POV

May sumundo sa'kin, ang sabi secretary siya ni Mr. Mondroadou. Sa una parang nag duda pa ako, pero nanatili lang siyang nakatayo at kalmado.

At naisip ko rin, kung sakali sino naman ang magtangkang kumidnap sa'kin.

"Miss Isiah tara na po at hinihintay na po tayo nang Young master."


Wika niya habang kalmado pa ring nakatayo, mukhang wala naman sa itsura niya ang kidnaper. Napayuko ako at dahan-dahang sumakay sa dala nitong sasakyan, wowww naman ang linis ng sasakyan nila, halatang mayaman.

Sumakay na rin siya at mabilis na pinaharurot nito ang kotse, at syempre habang nasa byahe kami tahimik lamang ako, kasi tahimik din siya.

Si Mr. Kim kasi ang tao na seryoso sa buhay, para bang 'di marunong ngumiti, 'di marunong mag salita, basta tuwid lang siya tumayo na parang pader.

Ano kaya ang buhay mayro'n si Mr. Kim? Kaylan kaya siya huling naging masaya at may pamilya na ba siya? Feeling ko kasi ma-secretong tao si Mr. Kim pagdating sa personal niyang buhay...Parang si Sir Sky lang.

Hindi ko namalayan kung nasa'n na kami, pero tahimik pa rin naming binabaybay ang kahabaan ng Makati. Ang sabi sa Ortigas kami pupunta, ang alam ko mayayaman lahat nakatira do'n.

Sa haba ng byahe naming dalawa ni Mr. Kim na walang imikan, ewan ko lang kung kaninong laway ang panis na panis sa'ming dalawa. Basta ako katatapos ko lang magdaldal kanina ng bongga kila Miyu at Victoria.

Maya lang nahinto na kami, napaayos ako ng upo at inilibot ko ang aking paningin. Pero teka? Saan na ba kami? 'di naman 'to condo, wala din masyadong buildings, ang lawak ng lugar.

Kumbaga ganito, imaginin n'yo na lang 'yong bahay ni Kim Min Kyu sa I'm not a Robbot... As in gano'n na gano'n ang lawak, kaso ang bahay nila ay mas malaki at mas maganda.

Ang lawak ng hardin nila, at ang layo ng gate sa bahay, para bang isang boung makati avenue... Gano'n ka lawak.

Ang totoo? Binili ba nila ang kalahating lawak ng Ortigas? Mapapa wow ka sa mga makikita mo sa lugar na 'to, kung naglalaro ka ng Home scape, gano'n na gano'n.

"Miss Isiah, nandito na po tayo."

Napapitlag pa ako nang marinig ko ang boses ni Mr.Kim. Minsan lang kasi nag sasalita kaya nakakagulat din kapag nagsalita siya.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Mr. Kim, napayuko ako at Dahan-dahan akong bumaba. Namangha pa ako sa laki at lawak ng lugar, grabeh, parang boung Makati Avenue nga, subrang ganda. Kung magtataguan kayo dito malamang nagtago ako ng eighteen, makikita nila ako thirty na sa lawak ng lugar.

"Dito po Miss Isiah."

Paglahad ni Mr. Kim sa mga kamay niya para ituro ang daan pero nauuna siya sa'king mag lakad.

Naglakad kami sa paselyo ng mansyon, grabeh naka red carpet, parang palasyo lang. Nilinga-linga ko ang paningin ko nang may mahagip akong isang tingin na akala mo gutom na halimaw.

Galit ang mga tingin niya, at familiar siya sa'kin..

"Ano ang ginagawa mo dito?"

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon