Kabanata 11

1.2K 44 0
                                    

Lee's Pov

Kakatapos lang naming mag PE ngayon. Dumiretso na ako agad ng locker ko para kunin yung extra t-shirt ko.

*Hi leee

*Ang galing mo kanina hehe

*Congrats nga pala sayo!!

*Ang cute mo!

Sabi ng bawat studyanteng nadadaanan ko. Nginingitian ko lamang sila at saka nag papasalamat. Tudo tili naman sila.

Well sino ba naman ang hindi titili sa Leely Rose Chua na pinaka cute dito sa campos diba?

Nang makarating ako sa locker ko ay nagtungo na ako agad sa banyo para magpalit..

Nang makabihis na ako ay naghilamos lang muna ako ng muka at saka na lumabas.

Baka nasa canteen na yung tatlo ngayon.

Kumukulo narin sikmura ko gutom na ako!

Diretso lang akong naglalakad habang bitbit ko yung bag ko sa likod at saka ako nakapamulsa.

*Cute niya talaga

*Omg! Ambango niya!

*Sana pansinin niya din ako huhuh

*Pwede na akong mamatay pag tumingin siya sakin ngayon!

Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang huling sinabi nito. Lilingon sana ako kaso baka mamatay nga siya hirap na baka multuhin pa ako!

*Jusko akala ko naman lilingon na siya sakin huhuh

Rinig ko pang sabi nito pero hindi ko nalang pinansin at saka nagpatuloy sa paglakad.

Nakangiti ako habang naglalakad ng bigla nalang madako ang paningin ko sa di kalayuan.

Natigil ako sa pag hakbang. Agaw pansin sa dalawang mata ko ang babaeng nakaupo sa gawa sa kahoy na upuan habang nagbabasa ito.

Sinuri ko ang muka nito.

Napakaganda niya kahit sa malayuan!

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon bigla nalamang bumilis ang tibok ng puso ko.

Umiling iling ako bago bumulong. "Siguro pagod pa rin ako ngayon huh"

Tama pagod lang to!

Ibinaling ko uli ang tingin ko sa babae na nakaupo don ngunit wala na ito ngayon!

"Ano yun? Multo? "-nasambit ko nalang.

Psh. Mabuti pa magtungo na akong canteen baka gutom lang to!

......

Nicole's Pov

"Hey! "-si lee kararating lang nito ngayon.

" Oh denise kelan kapa dumating?? "-tanong nito kay denise

" Nong nakaraang buwan lang "-mahinhin na sabi nito.

" Ha? Bat naman hindi mo sinabi samin edi sana nasundo ka namin sa airport diba? "-lee

" Wala ka talagang originality lee!! "-haze

"Originality ko yun haze, mahiya ka naman! "-sabi ni lee at saka ito umupo sa tabing upuan ko sa kaliwa samantalang si denise ay kanan na katabi ni haze.

Napatingin sakin si lee bago nagsalita. "Oh? May chix pala dito? Teka namumukaan kita? Ikaw yung babaeng sumapak kay cleo diba? "-tanong nito habang nakahawak sa kanyang baba at sinusuri ang kabuuan ng muka ko.

Fall For Her(GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon