kabanata 1

6 0 0
                                    

"December avenue song na naman? " sabi sakin ni Rylan at naupo sa tabi ko. Alam na alam niya na kanta iyon ng Paborito kong banda dahil palagi niya namang naririnig  na pinapatugtog ko yun. 

Nag papatugtog kasi ako habang nag p-put down notes.

"syempre" sabi ko at sinabayan pa ang kanta. 

"Uyy pasa mo nga sakin yan ang ganda ng lyrics eh TAGOS sa heart" biro niya. 

Sa ngalan ng pag ibig by December avenue kasi ang kanta. Well tagos naman talaga ang lyrics ng kanta na yan. 

Nandito  kami ngayon sa likod ng campus. 1 hour break dahil busy naman ang mga teachers at free cut ngayon. 

Tahimik sa likod ng campus at talaga nga namang tago dahil iilan lang ang pumupunta dito. At mahangin din kaya masarap tambayan. 

"Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan, hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman." pag sabay ni rylan sa kanta. 

Napatingin ako sa kaniya.  Rylan Iverson Santiago. Siya  ang kaisa isa kong kaibigan sa campus.  Parehas lang kami ng strand sa grade 11-12 Tvl-HE.  Parehas din ng section kaya naman  palagi ko siyang kasama. 

By the way,  I am Brianna Avery Sioson.  Pati sa upuan ay siya ang katabi ko.  Kaming dalawa lang kasi ang may letter S na apilido kaya naman katabi ko siya. 

"Uyy panget" tawag ko sa kaniya dahil masyado niyang ginagamit ang phone ko. 

"Oh? " sabi niya pero sa phone ko pa din naka tingin. 

"Libre moko! " sabi ko. 

Agad siyang napatingin sakin.

"Libre? Wala talagang araw na hindi ka nag papalibre hanoh?  Brianna Avery? " sabi niya.  Agad akong napa kunot nuo. Ayaw ko kasi na tinatawag ako sa buong pangalan ko. 

"Oo na ereh na ililibre kana.  Dragona ka talaga tara na nga!!" sabi niya at napangiti ako.  Tinulungan niya ako na mag ayos ng gamit. 

"Wala ka pala Rylan Iverson eh!  Haha libre moko ahh Fries and milktea lang. " sabi ko. 

"Pasalamat ka mabait ako ngayon kung hindi kahit mag makaawa ka hindi kita ililibre! "  sabi niya pa. 

Natawa na lang ako. Nag punta kami sa Milktea network. Siya ang umorder. Alam na niya ang favorite flavor ko kaya hindi na niya ako tinanong.

"2Cookies and cream large saka Fries cheese flavor Dalawa din, padala na lang sa table namin.  Thanks" sabi niya dun sa nag l-lista ng orders. 

"Kabait pala ni iverson ngayon.  Ganyan sana hindi yung kuripot mo! " sabi ko habang tatawa tawa pa. 

Inilabas niya ang camera niya at walang anu-ano'y nag flash ang camera kaya alam kong kinuhanan na naman niya ako ng epic. 

Pag tapos mag flash ng cam ay tinignan niya ang picture ko. At tumawa ng tumawa. 

"HAHAHA!!! "  tawa niya. 

"Pakita!!! " sabi ko na kunwari ay galit.

"Ayuko nga Brianna Avery. " sabi niya. 

"Apaka sama ng lalaki na reh!! " sabi ko. 

Maya maya ay dumating na ang order.

Kinuha ko na lamang yung akin at kinuhanan ng litrato sabay post sa IG. 

Nakita ko sa peripheral vision  ko na nakatingin sa akin si Rylan.

Iniiwasan ko naman na mapatingin sa kaniya.  Kunwari kasi ay nag tatampo ako.

"Uyy?  Brey? "  sabi niya.  Brey ang tawag niya sa akin cute daw kasi. 

"Uyy?  Sorry na galit kaba? " sabi niya.  Napakagat ako sa labi ko dahil pinipigilan ko matawa. 

Para kasing bata si rylan.

"Heyy, nilibre kana nga eh galit kapa!? " sabi niya na kunwari eh nag tatampo din. 

Kunwari ay nag c-cellphone ako pero kinuhanan ko siya ng litrato.  Ang epic ng mukha niya dun dahil naka pout siya tapos naka frown pa. 

"Hahaha!! " hindi ko na napigilan na hindi matawa dahil nakakatawa naman kasi talaga yung pag mumukha niya. 

Napatingin siya sakin ng matawa ako. 

"Uyy?  Galit kaba ha?! " sabi niya.  Umiling ako at tumawa ng tumawa. 

"Sino ba pinag tatawanan mo ha?  Konti na lang mapag kakamalan ko na baliw ka! " sabi niya.  Tumigil ako kakatawa.  At humarap sa kaniya. 

Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ibang tibok siya and i can't  explain kung bakit iba para sakin yung pag tibok na yun. 

"Ang cute mo talaga" sabi niya sa kin habang kinukurot pa yung pisngi ko. 

"Alam kong cute ako Iverson hindi mo na kelangan kurutin yung pisngi ko okay?! " sabi ko in masunget na way. 

Namumula ako at ramdam ko yun.  Hindi naman mainit pero nararamdaman ko na ang init ng pisngi ko.  Naka aircon naman ang MN pero bakit ang init ng pisngi ko.

Omg?  Kinikilig ba ko?  Shocks?  Why would i?  Duhh hindi ako kikiligin sa panget na lalaki na toh!  No way never!! 

Hiding FeelingsWhere stories live. Discover now