CHAPTER 1: MALL! + 2 weeks maid! >.<
HANNAH’S POV
―hoy taba, kapag hindi ka pa gumising dyan, iiwanan kita!‖
―natutulog pa yung tao ehh‖
―bahala ka!‖
Ako si Yuuki Hanna Hirano Fujiwara, 17 years old, pero kasal na sa isang mapride,mayabang,(all negative personality) na si Gin Ryuu Fujiwara na isang artista..
Nagtataka kayo siguro kung bakit ko tinawag na demonyo tong asawa kong to? Mabait lang kapag may media na kaharap at fans!.. Kakasal lang namin last year after ko grumaduate ng high school..
At yung kasal na nangyare ay live sa media!kaya buong babae nagwewelga kung bakit ang isang katulad niya, ay ipinakasal saken.. hindi ko naman kasalanan na ipakasal ako sa kanya!
Malaki kasi ang utang na loob ng papa ni ryuu sa papa ko, iniligtas kasi ng magaling kong papa ang papa ni ryuu sa kapahamakan kaya bilang pagpapasalamat, eto kinasal ako sa anak niya!
Mahirap lang kasi kami kaya ang gusto ng pamilya ko makaranas ng magandang buhay, at dahil sa kagustuhan ni papa na magkaroon ako ng magandang buhay, hiniling niya sa papa ni ryuu na ipakasal ako sa anak niya, ALAM KONG MASYADONG AWKWARD ANG HILING NI PAPA kaso walang choice!
Bukod pa dun, nagtrabaho si papa sa kompanya ng papa ni ryuu para magpasalamat sa kahilingan ni papa..matulungin kasi si papa kaya naman natutuwa talaga ang papa ni ryuu kay papa..
―wag na wag mo nga akong tatawaging taba!‖
―bakit hindi ba?kapag kasama mo barkada mo, para kayong 3 little pigs, tapos ikaw yung pinakamalake‖
―gusto mo mamatay ng maaga?‖
―ayoko kasi kung mamatay man ako, gusto ko hindi isang baboy ang makapatay saken, tanggap ko pa kung baboy ramo kaso kapag ordinaryong baboy, hindi ako makakapayag!‖
―ang yabang mo talaga!!!!!!!!!!!!!!!!‖
See, ang yabang niya talaga pero kapag nandito ang magulang namin, ubod ng bait!
―hoy ryuu!, hintayin mo ko!‖
―ayoko, ang bagal mo ehh, baboy ka na nga, tapos pagong ka pa, ano ba naman yan‖
―heh!
Hindi nakatira ang magulang namin sa bahay na tinutuluyan namin, gusto kasi ng magulang namin pareho magsama kami sa iisang bahay ng kaming dalawa lang.. May mga maid naman kaming nag-aalaga saming dalawa kaya ok naman..
Kung tinatanong niyo kung magkasama kami sa iisang kwarto kapag natutulog,
HINDI!NEVER! NEVER AKONG TATABI SA ISANG DEMONYONG KATULAD NIYA!
Pero kapag nandyan ang magulang namin, magkasama kami sa iisang kwarto pero sa simento o sa sofa ako natutulog!
Oh diba..mala Cinderella ang buhay ko!anak ng tokwa !*@$%#^&*
Nakakainis kapag may nakasama kang ganyan!!!!
arGGhH…
―HOY TABA! KAPAG HINDI MO BINILISAN DYAN, SASABIHIN KO TALAGA KAY MANG JOSE NA IWANAN KA!‖
Maya maya.. sumakay na kami sa kotse..
―nandyan na nga oh!‖
―tch, ang bagal bagal kasi‖
Hindi kasi sya makapasok ng wala ako, syempre papayag ba yung driver na iwanan ang asawa ng amo niya, syempre hindi no! Ang bait bait ko kasing bata ehh