Please leave a comment! Thank you :)
~
Jazrille's POV
Nandito ako ngayon sa bahay namin. Iniintay si Ivan dahil may pupuntahan daw kami. Ang tagal nya nga eh. Ang sabi nya kanina papunta na sya pero hanggang ngayon, wala pa. Jan lang naman ang bahay nila pero kala mo sa ibang bansa pa nakatira sa sobrang tagal.
Nanonood ako ng tv kasama si Chiny. Wala parin syang imik simula nung nagpunta kaming reunion.
Naalala ko na naman. Ilang araw akong hindi nakatulog dahil dun sa sinabi ng lolo ni Ivan. Ano bang balak nyang sabihin sakin? May alam kaya si Chiny kaya sya nagkakaganito ngayon?
Hindi ko sinabi kay Ivan kung ano yung sinabi ng Lolo nya sakin. Ayoko ng dumagdag pa sa problema nya. Ayoko syang problemahin yung problema ko.
Hindi ko namalayan na dumating na pala sya.
"Ang lalim naman nyan baby. Nahukay mo na ba?" tinitigan ko lang sya. Inaasar na naman ako nito. Ang lalim daw ng iniisip ko. Kunwari galit ako kasi ang tagal nya kong pinagintay dito.
"What's with that face?" He asked. Aba nagtanong ka pa!
"Ask yourself." He hugged me. Oo, ganun lang yun. Yayakapin nya ako tapos kunwari hindi na ako galit sa kanya.
"Sorry for being late. I bought you chocolates." Napahiwalay ako sa yakap nya.
"Really? Nasan?"
"Basta talaga chocolates no? Ang takaw mo. Tara na nga." Lumabas na kami ng bahay. Nagpaalam naman ako kay Chiny pero parang hindi nya ako narinig.
"By, may nakkwento ba sayo si Bench about sa kanila ni Chiny?" Nagdadrive si Ivan kaya hindi sya makatingin sakin.
"Wala naman baket?"
"Parang wala kasi sa sarili si Chiny simula nung reunion eh. Baka may nangyari sa kanila ni Bench." Parang nagulat si Ivan sa sinabi ko. Or baka paranoid lang ako? Pero parang nagulat talaga sya eh.
"Ha? Baka naman may problema yung dalawa. Hayaan mo na lang." Nakarating na kami sa SM Megamall. Gusto daw nyang mag skate kasama ako. Hahaha anong trip ba ang meron to ngayon?
"Baby, tara na!" tawag nya sakin. Hindi kasi ako pumapasok sa loob ng rink dahil natatakot ako at hindi ako marunong. Hindi naman nagtagal, lumapit sya sakin.
"Ano ba tara na." Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ba makahalata to?
"I dont know how to skate." Napangiti sya.
"What? Dapat sinabi mo. Halika tuturuan kita." I really dont want. Baka kasi matumba ako.
"Dont worry. I will never let you fall." I smiled on his phrase. Lyrics ng kanta yun eh. Pero kinilig parin ako hahaha
Hawak hawak nya yung kamay ko. Hinihigit lang nya ako. Akala ko nga tuturuan nya talaga akong magskate, hindi pala.
Nalibot na namin yung buong skating rink pero hindi parin sya napapagod. Maya maya, tumigil kami sa gitna.
"I love you, baby." Ganito ba to kapag napagbibigyan ang gusto? Nagiging sweet? Hahahaha! I smiled.
"I love you too." tapos he kissed me. Oo ang PDA nya buti na lang mabilis lang yun kundi nakakahiya talaga.
After that, kumain kami sa vikings. Sya na din ang umorder at nagbayad. Medyo kakaiba si Ivan ngayon kasi hindi sya ganyan dati. Pero okay lang naman basta ngayong araw lang sya ganyan. Hindi kasi ako sanay. Mas gusto ko yung dati nyang ugali.
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Teen FictionIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014