Perspektibo ni S/Insp. Lim
_______________Nagtataka pa rin ako sa kung ano ang ibig sabihin ng matandang yun. Ni hindi nga siya nagpakilala sa akin at bigla na lamang akong binalaan. Sa buong oras na nakaupo ako roon ay yun lamang ang iniisip ko hanggang sa hindi ko namalayan na dumating na pala si Chief Bernales."
"Good morning, S/Insp. Lim." Bati pa nito sa akin.
"Chief, good morning din po." Ganti ko pa ng bati.
"Kanina pa kitang nakitang nakatulala. Mukhang malalim yata ang iniisip mo." Sabi pa nito.
Hindi na ako sumagot sa kanya tungkol doon dahil maski ako ay hindi makahanap ng sapat na kasagutan. Basta tumayo na lamang ako sa aking kinauupuan at sumunod kay Chief Bernales sa kanyang opisina para ipresenta sana sa kanya ang CCTV Footage na narecover ko sa motel na pinagtuluyan ni Teresita noong Agosto 15.
Habang naglalakad at akmang papasok na sana sa kanyang opisina ay bigla siyang napahinto habang hawak-hawak ang doorknob.
"Siya nga pala, muntik ko nang makalimutan na may bisita tayo." Aniya. Ako naman na walang ideya sa kung ano ang ibig niyang sabihin ay nagtaka kung sinong bisita ang tinutukoy niya.
Matapos yun ay naglakad na siya palayo sa kanyang opisina habang sunod lang ako nang sunod sa kanya. At di kalaunan ay tumigil at tumayo siya sa labas ng interrogation room. Dito ay medyo nagkakaroon na ako ng pag-unawa kung sino o ano ang tinutukoy niya. Hinala ko ay nahuli na nila ang mga lalaking nagmamanman kay Teresita sa bar.
"Wala kayong mapapala sa akin." Pagkapasok pa lang namin ay ito na ang ibinungad ng lalaking naroon. At sa unang tingin ay nakilala ko agad ang lalaking ito na isa nga sa mga nagmamanman kay Teresita noong gabing yun.
Inakbayan ako ni Chief Bernales at bumulong.
"Senior Inspector, isa siya sa mga lalaking nakunan sa CCTV Footage. Nagpakilala siya sa pangalang 'Tristan' pero bukod doon ay wala na kaming ibang nakuha na impormasyon mula sa kanya. Ikaw na ang bahala dito." Bilin pa sa akin ni Chief Bernales bago siyang lumabas.
Pumasok ako at umupo ako sa tapat niya at sinimulan ko nang magtanong-tanong.
"Tristan, ako si S/Insp. Allan Lim.. Ako ang nag-iimbestiga sa kaso ng pagkawala ni Teresita Gomez. May ilang mga katanungan lang ako sayo na sana ay sagutin mo ng buong katotohanan. Kailangan ko ang kooperasyon mo para maisagawa natin ito nang maayos at walang problema, maliwanag ba?" Pagbati ko pa sa kanya.
"Wala kayong mapapala sa akin." Ito pa rin ang sinagot niya habang nakatungo ang ulo at ang mga mata ay nanlilisik sa di ko mawari kung ba galit o kaba. Napansin ko rin ang kanyang matinding pag-nginig kaya naisip ko na baka natatakot siya sa magiging interrogation ko sa kanya.
"Tristan, noong August 15, 2018, mga bandang 6:53 PM ay nakita kayo sa CCTV Footage ng isang bar na minamanman ang isang dalaga na si Teresita Gomez—ilang oras bago siyang mawala. Gusto ko lamang malaman kung may binabalak ba kayong gawin na hindi maganda noon kay Teresita Gomez?" Ito ang pangunahing tanong ko kay Tristan ngunit ganoon pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Mystery / ThrillerSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...