Kay bilis lumipas ng panahon
Mga sandaling kaysaya ay di na namalayan
Pighati sa puso’y lalong lumalalim
Kalunasang hanap kailan maaasam?
Mga katanungang hanap ay sagot
Isipa’y nababalot ng lungkot
Sa mundo ng kalungkutang puno ng dusa
Paghihirap at lumbay sana’y matapos na.
Mga karanasang nais, kailan makakamtan?
Sarili ay nasasadlak sa gubat ng katahimikan
Sigaw ng puso’y sana ay marinig
Upang kalooba’y makalaya sa kaparangan ng kasiyahan.
Sa pagsibol ng bagong mundo kasiyahan ay nadarama
Pag-asang dala na makahanap ng karamay sa lungkot at saya
Ito’y mga kaibigan na sana’y mahanap na
Upang sa twina’y sila ang makasama…
--please vote if you have time, it's just one click.. thanks for reading and voting.. :)))
.133v.
BINABASA MO ANG
"PANAHON"
Poetryang unang tula na aking nagawa.. di natin kaya maibalik ang panahon; 'No one can STOP, the occuring changes of REALITY...' so, pahalagahan natin ang bawat segundo, minuto, oras, araw, buwan, at marami pang taon na darating.. dahil kelan man di na...