"Ikaw.." Wat.. Whaaaatttt! Anong sinabi ko?? Hala.. Hindi totoo yun! Nagsalita mag isa yung bibig ko.. May sariling utak.. Hindi talaga ako yung nagsabi nun eh.
Tumingin sa akin si Zachary. Kinakabahan ako sa mangyayari.. Ano nang pawede kong gawin netoh.. Baka mapahiya ako.
"Huh?" Tanong nya sa akin na may halong pagtataka sa mukha nya.
"Ah.. Ehh.. Ang ibig kong sabihin, ikaw.. Anong gusto mo. Tinatanong ko kung anong gusto mo. Tss." Woohh! Para akong nabunutan ng tinik ah. Nakita ko na mang tumingin sya sa gawi ko kaya nag iwas ako ng tingin. Maya maya ay nagsalita na sya tsaka humarap sa tindera.
"Tch." Narinig ko pang sabi nya bago sya magsalita ulit. "Hotdog foot long sa akin. Ano sayo?" Tanong nya
"Uhmm.. Yun na lang din." Sagot ko naman sa tanong nya. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero may iba akong kutob.
Nagets nya kaya yung sinabi ko? Bakit parang sumimangot sya nung nagpalusot ako? Ayokong mag assume pero hindi ko napigilan. Kung ano anong pumapasok sa isip ko. Sana naman totoo. Sana hindi lang ako nag aassume para hindi ako umasa sa huli hahahah.
Oo tumatawa ako pag nasasaktan at nalulungkot ako. Ganun ako ka baliw hahahaha! Ang weird noh. Pero iba ako pag nagalit. Para sa akin iba yung galit, inis at lungkot. Hahaha! Abnormal na yata ako. Takas sa mental amp!
A/N: Taena baliw ka na keisha! Tanggalan kita ng P.O.V jan eh. Balik kita sa mental, tatawag na ako ng ambulansya hahaha! Potahh AmBuLaNsYa hahahaha!
"Tara?" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Zachary kaya bahagya syang napangiti ng napansin nyang nagulat ako. Na occupied yata yung utak ko kaya nalutang ako ayan tuloy nagulat ako.
Sinundan ko na sya sa may upuan. Pinili nyang umupo doon sa may pinaka gilid sa may corner. Buti na lang at dito nya naisipang umupo. Ayoko sa liwanag eh hahaha. Aswang yata ako. Awuhhhhhh....
"Hoy. Bakit di ka pa kumakain? Ayan na sa harap mo yung food mo oh kanina ka pa nakatulala jan." Sabi nya na may halong pagkairita ng boses. May nagawa ba akong mali? Kanina lang tumatawa sya ah ang lakas pa nga nyang mangasar tapos ngayon biglang nagbago yung mood. Ano may bipolar lang?
"So-sorry" nailang ako sa kanya kaya ayan tuloy nautal utal ako. Nakakahiya!
"Okay ka lang ba?" Tanong nya. Para syang nagtataka na ewan kaya tumango na lang ako.
Eh bakit ba kasi sya ganyan? Napaka concern nya kasi. Talaga bang nahuhulog na ako sa kanya? Gusto ko na ba talaga sya? Hayss..
"Anong iniisip mo? May problema ka ba? Pwede kang magshare." Tanong nanaman nya. Paano ko isheshare kung tungkol sayo tong iniisip ko. Stupid.
"Okay lang ako" ngumiti na lang ako para hindi na sya magtanong tanong pa.
"Ay! Alam ko na iniisip mo! Hahaha! Siguro iniisip mo pa rin yung kanina noh? Hahaha!" Tawa sya ng tawa. Kinabahan ako sa sinabi nya.. Anong kanina? Yung sinabi kong sya yung gusto ko? Omaygahdd!
"Huh? Hindi ah! Tss." Dipensa ko naman.
"Hahaha nakakatawa ka talaga kanina. Akalain mo yun hahaha! Akala mo-- hahahah! Ano hahaha! Pa-- hahahah!" Tawa pa din sya ng tawa. Hindi nya matuloy yung sasabihin nya dahil tawa pa rin sya ng tawa.
YOU ARE READING
Accidentally Fall For You
Fiksi PenggemarMeet Keisha Sierrah Gaverrein, a crazy girl that wants a different type of guy. No boyfriend since birth because she prioritizes sports, academics and her squad's antics. In an unexpected activity, she will be partnered to Zachary Greynne Villafarra...