Schedule:
Awarding Ceremony
3:30 pm
Semifinals
Shiozuka Jaguars (4) vs Jousei Falcons (2)
4:00 pm
"Ngayon pala ang awarding ceremony, di ata ako nainform" –Nessan
"Palagi ka naman hindi inform ehh" –Erica
"Ehh kasi naman yung game lang naman talaga ang pinunta ko dito noh" –Nessan
Nasa tapat parin ng entrance si Nessan at Erica, hindi nila alam na marami-raming tao ang manonood sa game na ito.
"Teka, mga players ng Santo Domingo yun ahh"
"Ness, si Matthew yun ahh" –Erica
Nakasalubong nila ang mga players ng Santo Domingo na sina Matthew, Zach at Jamir.
"Sayang at natalo sila sa Shiozuka"
"Oo nga ehh, siguro manonood din sila ng game"
"Woaahhh, mga players ng San Agustin"
"Si Bernard Santilian yun, 4x MVP na siya siguro"
"Aalamin siguro din nila ang makakalaban nila sa finals"
"Unstoppable parin ang San Agustin, nandyan si Bernard ehh"
"Ayieeeee" siko ni Nessan kay Erica.
"Ano ba Nessan" –Erica
Habang naglalakad ang mga players ng San Agustin ay nakaharap din nila ang mga players ng Santo Domingo, nagkatinginan si Bernard at si Matthew.
"Nako Ekaii, mukhang yung karibal ni Rodney yung type ehh, sorry ka na lang" –Nessan
"Heh" nagpatuloy sa paglalakad sina Bernard, napalingon na lang si Matthew.
"Tsk, hanggang ngayon taon na lang ang hari harian mo" –Matthew
"Bakit? Ikaw ba ang papalit?" sagot ni Ekaii mula sa isipan niya nang marinig niya ang sinabi ni Matthew. "Wala ka pang napapatunayan kumpara kay Bernard, mawala man siya sa NCAA, nakatatak parin sa mga tao ang mga karangalan niya"
"Tara na nga Nessan, maubusan pa tayo ng upuan" –Erica
"Ahh tara na nga" –Nessan
Pumasok na sila sa loob ng arena at nakapwesto sila sa may Gen Ad dahil yun lang raw ang kanilang afford dahil nagkakaubusan na ng ticket simula nang nagstart ang Final Four.
"Wala pang game, pero ang dami nang tao" –Erica
"Kaabang abang naman talaga kasi ang semifinals, iyang dalawang iyan kasi ang nagpahirap sa San Agustin kaya kung sino man ang makapasok sa kanila, edi pasok sila, kung talo, see you sa Boracay" –Nessan
"Anong kinalaman ng Boracay dun?" –Erica
SHIOZUKA JAGUARS DUGOUT
Nagmadali si Robin sa dugout dahil late nanaman ito.
"Sorry guys late ako" –Robin
"Ohh captain"
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AksiSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...