"Owshit!.. Sige pa..argggh! Malapit na shit.. Bilisan mo pa!! Aahhhh!"
"Ohhh shit malapit na ko Zynieena!"
"Fu-ck! I'm malapit na ko ko ahhhh!"
"You two at the back! Mr. Simon and Ms. Corpuz get out of my class!!" napatigil kami sa paglalaro ni Kenneth ng marinig namin ang sigaw ni Mr Oh-So-Strict-Bachelor-Prof na si Sir Jerome Facuzan.
"Ikaw kasi ang ingay mo maglaro! Napansin tuloy tayo" bulong sakin ni Kenneth habang inaayos ko ang gamit ko. Inirapan ko lang ito at sinukbit na ang Racini bag ko at lumakad patungo sa pinto.
"And also, you two should meet me in the computer lab at 2 pm" pahabol ni sir tumango nalang ako at direderetsong lumabas na may nakasunod na unggoy sa likod.
"Tsk! Pano ba yan mukhang malapit na tayong masuspend. Lagot na naman ako kay Mamsy" napailing nalang ako sa sinabi ni Kenneth
"Para namang bago sayo yun. Kulang nalang ipagtayo ka ni Tita ng school kasi lahat pinatapon ka na hahaha" binigyan naman ako nito ng masamang tingin at binato ang Bluetooth earphone nito. Nasalo ko naman Belat!
Dumila ako at lalo naman naasar si ulupong hahaha.
"Seryoso Zynieena napapansin ko lang lagi tayong--mali, lagi kang napapansin ni sir Facuzan. Sa dami ng prof natin sya lang ang mahilig manita" napakunot ang noo ko sa sinabi nya sabagay napansin ko din yun kay sir.
Binato ko nalang ang earphone ni Kenneth buti nalang at nadalo nya.
"Fuck! Oy hoy! San ka pupunta?! May meeting pa tayo kay sir!!" Tumakbo nalang ako pababa ng senior high building di ko na pinansin ang sinasabi ni Kenneth.
Bat ngayon ko lang naalala chance ko na to makasilay! Ayieee wait for me Paul me labs!
Dumeretso na ako sa gym sa likod kasi nito ang College Department buti nalang at wala ang guard na nagbabantay sa dito.
Oh my shit. Bat ba ang gwapo mo Paul! Malas man sa klase pero shet ang swerte ko may training pala ang Badminton team ngayon at kasama si Paul sa naglalaro!
"Nice game everyone!"
"sus! Nako Paul masyado mong ginalingan di tuloy naka iskor si Glen haha" napakamot naman sa ulo si Paul
"Grabe ka sakin Jenny ah ikaw kaya lumaban sa Grandmaster para maranasan mo" niyakap naman nung Jenny yung Glen.
"Sorry na magaling ka naman din.. Magpulot ng shuttlecock nga lang hahaha" nagtawanan naman sila pati yung uba pang nagtatraining.
Mygosh Paul wag kang tumawa! Lalo akong naiinlab! Shemay!
Bigla namang tumunog ang cellphone ni Paul at napangiti "I got to go guys! see you next training" sabay kuha ng gym bag nito.
"See you next training loverboy! " sigaw naman ni Jenny.
Aray ko naman!Ang swerte talaga ng girlfriend ni Paul nasa kanya ng lahat. Matalino, mabait, gwapo at athletic pa. Sana ako nalang sya.
"Miss Zynieena Corpuz?" napalingon ako sa likod at nakita ang isang lalaking sophomore base sa id nito nakasulat ang seksyon at pangalan nito. Zenon Gomez? Sounds familiar.
"Yes?" inayos nito ang salamin nya at bahagyang suklay sa buhok nito.
"Pinapatawag ka ni Sir Facuzan sa computer lab asap" sabi nito sabay talikod sakin at naglakad paalis.
May itsura nga may attitude naman!.. Turn off ka sa mga girls boi!
Dahil no choice naman ako at nakauwi na din si Paul my labs dumeretso na ko sa computer lab ni Hudas na Facuzan!
"Oh nandyan ka na pala" pabukas sana ako ng pinto kaso lumabas na si Kenneth.
"Bubuksan ko sana yung pinto"
"Ganon ba sige una na ko"sabay babay nito sakin ng nakangisi at direderetsong umalis.
Baka umalis na si Sir Hudas? Whatever! Palakad na ako paalis ng
"Where do you think you are going?"
"Home."
"Who the hell gave you the permission to go?"
"Lahat ba ng bagay kailangan may permiso mo? Ano ka ba dito? " binigyan ko ito ng matamlay na tingin at inayos ang pagkakasukbit ng bag ko.
"Time does change you" napatigil ako sa paghakbang
"I don't. It's just that you haven't noticed it before." then I walk away from him