Si Hannah ay isang tahimik at mahiyain na bata. Ngunit sa kabila nang kayang pagiging tahimik ay mabait at masunurin si Hannah sa kanyang ina. Ulila na siya sa ama at nagiisang anak lang siya ni Aling Carolina.
"Anak, unang araw ng pasukan ngayon. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha. Balang araw makakaahon din tayo sa hirap anak." Paalala ng ina habang sinusuklayan ang mahaba at maitim na buhok ng anak.
"Opo, Ina. Salamat po. Ako na po ang mag liligpit ng hapag bago ako papasok. Wag ka na pong gumalaw masyado dito sa bahay. Magdadala po ako ng pagkain natin mamaya pagkauwi ko. Mahal na mahal kita Ina. Sagot niya habang niyayakap ang Ina ng mahigit.
Unang araw ng pasukan ni Hannah sa Grade 6. Nakahinto siya ng pagaaral ng dalawang taon kaya ang mga kaklase niya ay mas bata sa kanya ng dalawang taon at halos lahat ng kakilala niya at nakapag tapos na sa elementarya.
"Oh sige na baka mahuli ka pa sa klase. Sumabay ka na sa kalabaw ni Mang Andoy para mas mabilis ka makarating sa eskwelahan.
Bumaba si Hannah at tumuloy na sa kusina para magligpit. Matapos nito ay sinuot na niya ang tsinelas na may butas na sa gitna at nakatali na lang ito sa isang lumang lubid para hindi maghiwalay.
Kita sa mga ni Hannah ang saya na papasok na sya sa eskwelahan. Naisip niya na marami syang makikilalang kaibigan. Habang nakatitig ang kanyang ina sa kanya na may lungkot at pagluha ang mga mata. Kung sana ay nabigyan niya ng mas maganda buhay ang anak. Kung hindi sana siya iniwan ng maaga ng asawa.
Tumakbo si Hannah palabas ng bahay habang kumakaway at nagpaalam sa ina. Ang buhok naman niya ay tila ba sinasayaw ng hangin dahil sa haba at ganda nito.
Nang makarating si Hannah sa paaralan, masayang niyang sinalubong ang mga bagong mukha sa eskwelahan. Malayo pa lang ang nakikita mo na ang ngiti sa kanyang mga mata. Inumpisahan niya hanapin ang kanyang silid-aralan. Nakita niya sa labas ng pasilyo ang Grade 6 - Mahogany. Inayos niya ang kanyang damit, sinuot ng maayos ng tsinelas na butas, at hinawi ng maayos ang buhok.
Dahan dahan siyang pumasok habang ang kanyang mata ay naghahanap ng bakanteng upuan. Habang papalapit siya sa isang bakanteng upuan sa bandang likod ng silid-aralan, isang batang babae ang umapak sa kanyang tsinelas. Nadulas si Hannah at napigtas ang tsinelas na suot niya. Habang nadapa sya ay nakataklob ang kanyang buhok sa kanyang mukha.
Pinagtawanan siya ng mga kaklase dahil na nangyari.
"Hahahaha, ang lampa mo naman bata." Natatawang sigaw ng isang batang babae.
"Ang baho naman ng suot mo, ang gulo ng buhok mo, at wala ka bang sapatos at lumang tsinelas ang suot mo? Haha." Sambit ng isa pang bata babae.
Hindi pinansin ni Hannah ang mga batang nang kutya sa kanya. Tumayo siya at pinulot ang tsinelas, inayos ang buhok at umupo na siya sa silya.
Matapos ang klase ay agad tumayo si Hannah sa kinauupuan at habang palabas sya ay hinarang ulit sya ng mga batang nang away sa kanya.
"Ikaw pala si Hannah?" Bakit ka pa nag aral dito?
"Ahh..hh bakk..bakitt kayo ganyann.." Pag uutal na sagot ni Hannah.
"Ayaw namin sayo. Tingnan mo nga itsura mo. Mahirap ka. Atsaka balita sa bayan natin na yung Nanay mo ay isang mangkukulam. Kaya ikaw isa ka ding mangkukulam." Pagsigaw ng isang bata habang sinasabunutan si Hannah.
"Hindi totoo yan." Pag iyak ni Hannah
"Simula ngayon wag ka nang pumasok at wag ka na magpakita sa akin, kung hindi puputulin namin tong buhok mo."
Tumakbo si Hannah palabas ng silid habang maluluha ang kanyang mga mata.
Pagkauwi ni Hannah sa bahay ay napansin siya ng Ina na malungkot at magulo ang buhok. Naluluha si Hannah ng makita ang ina na pilit tumayo papalapit sa kanya.

BINABASA MO ANG
Ang Buhok Ni Hannah
Mystery / ThrillerNasa ika anim na baitang si Hannah sa isang mababang paaralan sa bayan ng San Bartolome. Tahimik na bata at laging centro ng pangbubully dahil sa kahirapan at sa mahaba at maitim niyang buhok. Pano niya malalampasan ang pangungutya at pano nyo tatan...