Chapter 1

68 0 0
                                    

"Pumunta ka na kaya sa psychiatrist, brad. Matagal na akong nawi-wirduhan sa'yo. Alam kong bestfriend kita kaya kahit na ganyan ka, hindi pa rin kita iiwan." Seryosong pananalita ng pinakamatalik kong kaibigan na si Teodoro saka nagsalin ng alak sa kopitang nasa harapan niya at madaling nilagok ang laman nito.

"Salamat, brad. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Halos araw-araw kong nararamdaman ang kakaibang pakiramdam sa mga ugat ng buong katawan ko. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na mag-uwi ng babae sa bahay." Sabi ko naman saka inabot ang kopita na sinalinan niya ng alak.

"May tanong ako, brad. Real talk, ah? Bakit naman sobrang dami ng dugo sa puting kumot mo? Grabe naman duguin 'yong mga babaeng kinakama mo. Gano'n na ba kalaki 'yang iyo at talagang hindi nila kinakaya ang bawat sagupaan niyo sa kama?" Sabi niya at pagkatapos ay humalakhak.

Bigla naman tuloy akong nataranta. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Dapat ba niyang malaman ang sikreto ko? Ang tanging alam lang niya ay halos gabi-gabi akong nag-uuwi ng babae sa bahay ko. Ang laki nga daw ng fuccboi problems ko e. Dapat nga bang ipagtapat ko pa sa kanya ang bagay na hinding-hindi niya gugustuhing malaman?

"Hahaha. Patingin naman ng iyo, brad. Palakihan tayo. Kung sino ang mas malaki sa atin, siya ang mag-uuwi sa babaeng 'yon." Natutuwang sabi niya saka tinignan 'yong babaeng may nakakaakit na tingin sa direksyon namin. Hindi naman siya kalayuan sa kinauupuan namin. Alam kong nagpapapansin siya sa amin ng bestfriend ko.

Nandito kasi kami ngayon sa bar na hindi rin kalayuan sa bahay namin ni Teodoro. Nakailang order na rin siya ng bote ng whiskey dahil kakasweldo niya lang sa trabaho niyang electrician na nagkukumpuni ng mga sirang appliances katulad ng electric fan, aircon, TV, washing machine at marami pang iba.

Mabuti nga at patuloy pa rin siyang nagtatrabaho kahit na dalawang linggo lang ang nakakaraan ng ipagpalit siya ng long-time girlfriend niya sa ibang lalaki. Papakasalan na dapat niya ito pagkatapos ng tatlong buwan dahil nasaksihan ko ang mga paghahanda niya sa kanilang nalalapit na kasal. Makikita mo sa mga mata niya na mahal na mahal niya ito.

Pero nang iwanan siya ng girlfriend niya, hindi siya nagtanim ng galit. Malungkot niyang tinanggap na hindi talaga sila para sa isa't isa. Hindi ko nakitang umiyak si Teodoro kahit na alam kong hanggang sa oras na ito ay sobra pa rin siyang nasasaktan sa nangyari. Pinipilit niya lang na maging masiyahing tao kahit na sobrang nawasak ang buo niyang pagkatao.

Bilib talaga ako sa bestfriend kong ito.

Ilang beses ko na siyang sinabihan na umiyak lang siya sa harapan ko para kahit papaano mabawasan ang sakit na nararamdaman niya pero hindi niya pa rin ginawa. Dinadaan niya lang sa biro at tawa ang lahat kahit na tumatagos naman sa akin 'yong sakit na nararamdaman niya magpahanggang-ngayon.

"Ano brad? Game? Tara na sa restroom. Palakihan tayo. Gusto kong makita ang dahilan ng maraming dugo sa kumot mo. Hahaha!" Todo halakhak pa siya habang nakahawak sa tiyan niya.

"Baka naman sawa na 'yang nasa loob ng pantalon mo, brad. Hahahaha!" Mas lalo pa siyang napahalakhak dahil natutuwa siya sa pang-aasar sa akin.

Buti naman at ganyan siya. Kung seryoso siyang malaman kung bakit napakaraming dugo sa puting kumot ko sa loob ng kwarto ko, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Pasalamat na lang ako at palabiro itong bestfriend ko. Kaya no choice ako kung hindi sakyan ang trip ng mokong na 'to.

"Hahahaha! Sige ba. Tara! Baka kapag nakita mo 'tong alaga ko, sasali ka na agad sa LGBTQ community." Natawa na rin ako sa mga pinagsasasabi ko.

"Haha. 'Wag na brad. Baka nga kikiam lang 'yang iyo e. OA lang talaga siguro 'yong mga babaeng ikinakama mo kaya gano'n. Footlong kaya 'tong akin, 'tol!" Pagmamayabang niya habang unti-unti niyang binabaklas ang sinturon niya nang may nakakalokong ngisi sa labi niya.

"Hahahaha. Huwag na brad. Baka mapahiya ka pa sa akin kapag ipinakita mo 'yang iyo. At kapag nakita mo 'yong akin, baka mainggit ka lang habambuhay." Napatawa pa ako nang malakas habang nakahawak na rin sa tiyan ko.

Laughtrip talaga 'tong bestfriend ko e.

"Sige na nga. Tsk! Pero brad, tignan mo 'yong chicks na 'yon, oh! Panay talaga ang titig niya sa'yo." Sabi niya habang nakatingin sa babaeng hindi papatalo sa titigan.

Napansin ko ngang sa akin nakatitig ang babaeng 'yon.

Nakasuot siya ng itim na bestidang hapit na hapit sa balingkinitan niyang katawan. Maputi rin siya at pumupukol ng nakakaakit na tingin ang kanyang mapupungay na mga mata. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam na naman ng kakaibang pakiramdam sa mga ugat ko. Para akong nasasabik na iuwi ang babaeng 'to at gawin na naman ang halos gabi-gabing ginagawa ko sa bahay ko.

Mukha siyang modelo ng isang men's magazine. Maganda siya at hindi nalalayo ang kanyang kagandahan sa mga babaeng naikakama ko sa bahay. Ang sagwa tuloy pakinggan. Hahaha. Ewan ko ba. Matagal na akong ganito pero parang hindi pa rin ako sanay sa katotohanang babaero nga ako.

Mabuti na lang at wala akong girlfriend. Mas mabuti nang ganito kaysa naman sa masaktan ko siya dahil sa kakaibang behavior ko. Sa tingin ko kasi, hindi ko kaagad maititigil ito. Maraming beses na akong naghanap ng mga bagay na makakapag-divert ng attention ko. Maraming beses ko nang sinubukang itigil at pigilan ito pero hindi ko talaga kaya. Lalo lang akong nahihirapan. Mukhang hindi nga lang ordinaryong doktor o psychiatrist ang makakatulong sa kalagayan kong 'to. Sa totoo lang, hindi ko alam kung malulunasan pa ba 'to. Hindi ko rin alam kung ano ba ang gamot dito. Iniisip ko nga kung sumpa ba ito.

Kaya ngayon, hindi ko maitatanggi ang mga swerteng dumating sa buhay ko. Lahat ng bagay ay kaya kong bilhin dahil marami akong salapi. Isa rin akong may-ari ng isang publishing company na naglalathala ng mga iba't ibang uri ng mga aklat katulad ng fictions, nonfictions, short stories, at marami pang iba. May-ari rin ako ng isang sikat na bookstore na may iba't ibang branches na sa buong bansa. Kakumpitensiya ko ang sikat na National Bookstore. Ang pangalan ng kompanyang hawak ko ay J Writings Publishing Company, Inc. at ang bookstore naman na pagmamay-ari ko ay J Diaries. Mahilig rin akong magsulat ng mga kwento at mga kanta lalo noong mga panahong menor-de-edad pa ako. Marahil ay doon ko naipapahayag nang malaya ang aking damdamin at saloobin.

"Naks, brad. Ang lakas ng karisma mo ah? Paano naman ako? Lagi na lang ba akong hindi papansinin ng mga chicks kapag kasama kita? Paano kung gumawa rin kaya ako ng sarili kong kompanya at sarili kong bookstore para naman hindi na lang ikaw ang laging pinapansin. Hindi na nila napapansin ang kagwapuhan ko dahil sa sex appeal mo brad. Ang unfair naman. Buhay nga naman, parang life."

Binatukan ko tuloy siya sa kakadada niya.

"Ito naman. Hindi na mabiro. Oo na. Mas gwapo ka na sa akin pero hindi mo naman maitatangging pogi rin ako 'di ba?" Pagmamayabang niya habang nakapogi-sign pa.

Napailing-iling na lang tuloy ako. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag wala 'tong bestfriend kong 'to.

"Ewan ko sa'yo. Inom na lang tayo." Sabi ko saka nilagok ang alak na nasa kopita at sabay tingin sa babaeng hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

Iuuwi ko ba siya sa bahay?

Jose Rizal (KILATASKIBAS) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon