Chapter 69

1.2K 38 8
                                    


Note: Please ignore if you noticed Some typo error and Wrong grammar. Thank you.

Anyway, I will demand a Votes. I will publish the next chapter if I got 20 Votes in this chapter to know if someone's still reading this story. Hope you will like this chapter. Thank you.

--------------------------

Alexander Pov!

Hindi ko inaakala na aabot ang lahat sa ganitong sitwasyon. Naihanda ko na ang pera na gagamitin ko na pangransom kay Lory at wala akong pakialam kung malaking pera ang mawawala sakin mailigtas ko lang siya cauwed I am the reason why Jake kidnapped her and I really love her and I need to save her and Veronica pero nagbago ang lahat ng sabihin sakin ni Andrew na si Jake nga ang may pakana ng lahat na hindi ko inaakala na kaya niyang gawin sakin, samin mas lalong kumulo ang dugo ko at nagpadalos.dalos na magdadala sa mga kaibigan ko at sa mga taong madadamay ng dahil sakin sa kapahamakan.

Malakas na ang nagiging palitan ng police at ng mga tauhan ni Jake at nakaalis na rin siya kaya kailangan ko ng makalabas dito.

"Mr. Buenodicto mauna ka ng umalis. May daan sa likuran. Doon ka na lang dumaan. Rosales ituro mo sa kanya ang daan." sabi sakin ni Chief.

"Paano kayo?" nalagay sa panganib ang buhay nila dito at halos mawasak na ang lugar ng dahil sa akin.

"Huwag ka ng mag.alala samin. Tumawag na ako sa ibang head quarters. Parating na sila."

"Salamat." tatayo na sana ako ng ibang mabanggit ang isang pamilyar na pangalan sa T.V na halos hindi na marinig sa sobrang lakas ng putok ng mga baril.

Critical ang isang babae na si Amber Helgado matapos itong barilin ng isang lalaki na nagngangalang Kirby Imperial. Ayon sa mga saksi lumabas ang biktima sa isang kotse na pagmamay.ari ng nasabing suspect at tumakbo ito palayo at pinagbabaril na ito ng suspect...

"BILISAN NIYO NA BAGO PA MAN SILA MAKAPASOK DITO." sigaw ni Chief.

May nauna sakin na isang police para ituro ang daan palabas at binigyan niya ako isang susi ng kotse nila. Agad akong sumakay at mabilis ko itong pinatakbo. Kailangan kong makarating kaagad doon para mailigtas ang dalawang babae na parte ng buhay ko. Tinawagan ko si Andrew para malaman kung ano na ang lagay. Nasabi niya na din sakin kung saan ang lugar.

"Andrew ano ng nangyayari?"

"Marami ang nakaabang na tauhan ni Jake kaya hindi kami makapasok sa loob pero nagpatawag na ng back up si Chester." halos hindi ko na narinig ang boses ni Andrew dahil tanging putok ang naririnig ko at mga sigawan.

"Jake makinig ka. May ibang daan para makapasok kayo sa loob. Umikot kayo at sa likuran dumaan." alam ko ang lugar na yun dahil balak sana namin itong bilhin para sa gagawin sana naming project naming magkakaibigan pero hindi natuloy dahil umayaw si Jake yin ay para pala gawin itong hide out niya.

"Sige. Sasabihan ko si Chester."

"Sige. Papunta na ako." tinago ko na ang cellphone ko sa bulsa at pinatunong ang wang.wang ng police para mas mapabilis akong makarating.

Hindi pa ako nakakarating sa lugar dinig na dinig ko na ang mga putukan. Dumiretso ako para sa likuran ako dumaan pero pagdating ko kahit sa likuran nagpuputukan na at nandoon na si Chester at Andrew na parehong may hawak na baril at binigyan din nila ako.

"NAKATAKAS SI JAKE! MALAMANG NASA LOOB NA SIYA. SA FIRE EXIT TAYO DUMAAN!" nakakalapit na ang mga kasamahan namin sa mga kalaban. Sumunod naman sakin si Andrew at Chester. Gamit ang isang lubid na may bakal sa dulo nagawa ni Chester na ipulupot ito sa nakatiklop na hagdan ng fire exit at una akong umakyat. Sumunod naman silang dalawa hanggang sa maabot na namin ang hagdan at yun na ang ginamit namin para makarating sa taas. Nasa ikalimang palapag na kami at tig.iisa na lang ang mga ilaw na nandoon.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon