Chapter 70

1.7K 30 2
                                    

This chapter is dedicated to @JeneferPascua na nagcomment sa chapter 69 na sana walang mamatay sa story na to. Thank you girl. Natawa talaga ako sa comment mo.

-----------------------
Thea Pov!

Tiniklop ko ang payong ko at pumasok na sa loob ng hospital. Bumili lang ako ng cup noodles sa malapit na conveniece store na 24 hours na bukas. Hindi kasi ako makatulog. Ala una y media na ng umaga at hindi ko rin macontact ang mga kaibigan ko at hindi ko maiwasang mag.alala. Naikwento din sakin ni Blast ang nangyari kay Amber na bestfriend nila Lory na nagpapahinga na ngayon sa recovery room. Ang lakas ng buhos ng ulan sa labas na parang walang balak na tumigil at sinasabayan pa ito ng kulog at kidlat.

Nasa may tapat na ako ng reception desk ng bigla nagsidatingan ang mga ambulasya at nagsitakbuhan ang mga nurse at mga doctor palabas at may mga dala itong stretcher kaya napatigil ako at napaatras sa gilid ng nagmamadali ang mga ito habang itinutulak ang mga pasyente na duguan at mga wala ng mga malay. Kusang tumulo ag mga luha ko ng makilala ko kung sino sila. Wala akong ideya kung ano ang nangyari sa kanila. Mistulang isang event ang nangyayari dito sa hospital dahil nagkakagulo ang lahat lalo na ang mga taga media na nasa labas at pilit na pumapasok na pinipigilan naman ng mga police at gwardiya. Unang dumaan ang walang malay na si Veronica sumunod si Chester na namimilipit sa sakit habang nakahawak sa dibdib at halos manlumo ako ng makita ko si Andrew na halos wala ng damit dahil punit.punit na ito na parang nagmistulang pula na ang kanyang damit dahil sa malaking sugat niya sa tagiliran na hindi pa rin tumitigil sa pagdurugo. Wala rin siyang malay at nakalaylay na ang kanyang kaliwang kamay na suot pa ang katulad ng singsing na ibinigay ko na itinago ko matapos niya akong lukuhin. Nagmistulang pula ang tiles dahil sa tulo ng mga dugo ng kaibigan at mahal ko.

"Andrew." parang iiwan na ako ng kaluluwa ko sa sobrang sikip ng dibdib ko. Kusang tumakbo ang mga paa ko at sumunod sa mga Doctor na may dala sa kanya papunta sa Emergency Room.

"Andrew please wake up." hindi man lang siya gumalaw kahit konti.

"Hindi po kayo pwedeng pumasok." pigil sakin ng isang nurse na nakabantay sa may pintuan ng ER kaya napayakap na lang ako sa sarili ko at napaupo sa sahig dahil kahit sarili kong boses iniwan na rin ako.

Diyos ko po tulungan niyo sila.

Tahimik na lang akong nagdarasal habang nakayukong umiiyak.

Kahit hindi ko inaamin noon na gusto ko pa rin siya Mahal na mahal ko pa rin si Andrew. Oo, pinipilit ko si Alex na pakasalan ako dahil gusto ko talaga si Alex pero alam ko sa sarili ko na ikinikubli ko lang ang nararamdaman ko para kay Andrew pero ngayon walang kasing sakit ang nararamdaman ko gayong nakita ko siya na parang wala ng buhay.

Nagsidatingan rin ang magulang ni Xander na umiiyak. Napatayo ako at niyakap niya ako.

"Thea..." 

"Tita." wal akong nasabi kaya napaiyak na lang ako habang nakayakap sa kanya. Nagsidatingan na rin ang mga magulang at pamilya nila Andrew, Lory, Chester at kahit ang magulang ni Veronica nandito rin at umiiyak habang naghihintay sa himala na pwedeng mangyari para mailigtas sila. Niyakap rin ako ng magulang ni Andrew na nakapadagdag ng sakit ng loob ko. Gusto kong magwala dito pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung sino ang sisisihin. Umaalingawngaw na ang mga iyakan sa paligid. Humiwalay ako sa pagkakayakap ng tumunog ang cellphone ko. Ang mommy ni Mike.

"Hello po Tita." bigla akong kinabahan ng marinig ko ang paghikbi niya sa kabilang linya.

"Thea...si Mike wala na...wala na siya."

"Ano ho? Teka lang po Tita." pagpapaalam ako sa kanila. Ayoko silang iwan dahil alam ko ang pighati na pinagdadaanan nila pero kailangan rin ako ng mga magulang ni Mike. Tumakbo ako sa may elevator pero nasa itaas pa ito kaya sa hagdan na lang ako dumaan. Patakbo akong umakyat hanggang marating ko ang room niya.

"Mike bakit mo kami iniwan? Imulat mo ang mga mata mo please. Don't leave us."

Dahan.dahan akong pumasok sa nakabukas na pinto. Naabutan ko ang pamilya ni Mike na umiiyak habang nakatingin kay Mike. Wala na ang mga nakakabit na makina sa kanya.

Pakiramdam ko ang bigat ng mga paa ko at hindi ko ito maihakbang. Dahan.dahan akong naglakad palapit sa katawan ni Mike at halos madurog ang puso ko. Parang noong isang araw lang ng sinisiraan ko siya ng harap.harapan pero ngayon wala na siya. Siguro ito ang inaasahan niyang araw na mangyayri sa kanya kaya niya hiniwalayan si Lory noon ng basta.basta na lang. Parang niing isang araw lang ng ikwenento niya sakin ang lahat tungkol sa kanila ni Lory simula sa una silang nagkakilaka at nagkita ulit hanggang sa magkahiwalau mmy silang dalawa. Lahat.lahat kaya mas lalo akong napalapit sa kanya sa katangian niyang yun na hindi niya pa rin pinabayaan si Lory kahit iniwan niya na ito. Kaya ba siya bumitaw dahil kay Lory? Dahil sa kalagayan ni Lory? Huwag naman sana. Sana makaligtas si Lory at ang lahat.

Umiiyak na ang pamilya ni Mike habang magkakayakap. Nandoon rin si Blast na unang umakbay sakin na umiiyak rin.

"He's gone now." aniya niya sakin. Hindi ako makapagsalita at hindi ko makuhang titigan si Mike kaya tumalikod ako.

"I'm sorry. Magpapahangin muna ako." tumango.tango lang siya. Lumabas ako sa room na yun at ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko habang naglalakad. Mas lalong nananakip ang dibdib ko at napapapikit na rin kaya napahawak ako sa pader.

"Miss Are you alright?" lumapit sakin ang isang Doctor na bata pa at yun ang huli kong naalala.

*********

Blast Pov!

Kakalabas lang ni Thea at kahit alam ko na kailan lang sila naging magkaibigan ni Mike pero alam ko na naging isang tunay na kaibigan siya nito at isang patunay niyon ay ang magdamag nitang pagbabantay kay Mike kaya nakikita ko sa kanyang mukha ang labis na lungkot.

Alam ko kung ano ang nararamdaman niya dahil yun din ang nararamdaman ko sa mga oras nato lalo pa't muntik na rin mawala si Amber ng barilin siya ng boyfriend niya kanina mabuti na lang dahil nadala kaagad siya dito sa hospital at hindi pa siya gumigising and I fucking hate myself dahil wala man lang akong nagawa para ipagtanggol siya kanina. Kakagaling ko lang sa kwarto niya bago ako tinawagan ng Mommy ni Mike.

Hindi na ako nag.abalang magpaalam kila Tita. I need to check if she's okay.

Lumabas na ako sa room at nakita ko siyang buhat ng isang Doctor at may lumapit na rin na isang nurse kaya napatakbo ako.

"Anong nangyari sa kanya Doc?"

"Bigla na lang siyang nahimatay. It must be sophocation." sagot niya habang nagmamadali. Susundan ko pa sana sila ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Ang Mommy ni Lory.

"Hello Tita."

"Si Lory Blast...She...she's..."

To be continue....

---------------------

Next chapter will be the special chapter and I want to inform you guys that I decided to make another book, a sequel of this story but with different Title. Hope you will still support it. Thank You.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon