HUNTER 19

1.3K 36 1
                                    

(Nyx's POV)

i still can't believe that it will happen to Ate Ezra, biglaan, nakakagulat hindi namin akalain. But im sure sa gym siya na-infect sure na sure ako don.

"Si ate selene at si kuya Styx na ang naghatid sa labi ni Ate Ezra sa kanila"

Bungad ko sa mga kasamahan namin pagpasok ko ng office namin. Pero gaya kanina walang sumagot sakin, tahimik na naman lahat.

At gaya kanina nakaupo parin si Naya sa harap ng laptop na yon.

Naupo na lang ulit ako sa kinauupuan ko kanina bago ako lumabas.

Maya maya naman ay pasimpleng lumapit sakin si Helena at Cielo kasama si Wincess, ano naman kayang drama ng mga to?

"Nyx ---

"Ano?"

Napakunot noo ako sa bulong ni Helen, bakit kaya bubulong bulong pa siya.

"Ako lang ba?"

"Hindi! baka ako din Helena, baka nga ---

Napakamot naman ng ulo si Cielo at Wincess saka parehong lumayo samin ni Helena dahil sobrang lapit din nila sakin parang si Helena.

"Umayos nga kayo!"

Sabay na hiyaw ni Cielo at Wincess napatingin naman samin yung iba naming kasama dito.

Hinila ko na lang sila sa labas para naman di na kami magbulungan, tanaw parin naman namin sila sa loob dahil sa glass wall na malaki.

"Ano ba kasi yon ha?"

Napakamot ng ulo si Helena paglabas namin, sumandal naman sa railings yung dalawa at nakaharap ako sa kanila which means nakatalikod ako sa glass wall.

"Kasi Nyx, may theory lang ako! Kung sa gym nga na-infect si ate Ezra who would do that, and how did it happen? I mean, katabi niya sa kanan si Styx, kasamahan din natin yung mga nasa kaliwa niya at nasa likod, sino Nyx? At paano?"

Natahimik din ako may punto si Helena, dahil si Kuya Styx hindi niya na iniiwan si Ate Ezra simula pa noong mamatay si Kuya Red. Kaya kung sa gym nangyari yon malamang may mapapansin si kuya na kakaiba hindi ba?

"We need to ask kuya styx saka yung iba pa nilang katabi noong araw na iyon!"

Nagkatinginan lang sila.

"S-sige!"

Sagot ni Helena na halatang kinakabahan parin, kakaiba din ang kutob ko sa malalim niyang iniisip.

"At isa pa -----

Maya maya ay sabi na naman niya.

"Speak Helena!"

"Kung ang pwesto nila ate Ezra ay ika-apat na lane mula sa huli, at ang mga infected don ay yung dalawang lane sa huli! How about the third and fourth lane? Sigurado ba tayong walang infected sa kanila bukod kay ate Ezra?"

Napatingin ako kay Cielo at Wincess.

"Tama siya Nyx, hindi lang namin masabi sa iba to lalo na kay Naya,  pero mukang dapat nating masigurado kung si Ate Ezra nga lang ang na-infect sa magkasunod na lane na yun!"

Dagdag ni Wincess, napaisip ako sabay buntunghininga! tama sila.

"Tayo na ang kikilos!"

Tumango lang sila saka pumasok sa loob si Wincess at nag-paalam na kunwari ay kakain lang kami. Inantay na lang naman namin siya sa labas saka kami umalis pagbalik niya.


Underground Society: HUNTERSWhere stories live. Discover now