Chapter 62

233 15 0
                                    

Bella ' POV

Hindi ko alam kung bakit ..
Pero apektado talaga ang puso ko nung makita kong tumutulo ang luha ni Lux, habang kausap si Reyna Graziela..

Kung sino man ang mga tinutukoy ng Reyna, na mga namatay na....
sigurado ako ,
Sobrang halaga nila kay Lux..
Dahil sa tinagal tagal nya nadin namang nandito, ngayon ko lang sya nakitang nagkaron ng emosyon, pero ang masakit lang .

Hindi yun saya.. Kundi lungkot !

Nung tulungan sya ni Reyna Graziela.. Na muling tumayo, ibang reaksyon na ang nakita ko, sa kanyang mukha..
Hindi nayun lungkot..
Kundi sobra sobrang galit !
Nakakuyom ang mga kamao nya, at may matalas na tingin na ang kanyang mga mata .

Kung sino mang gumawa nito sa mga mahal ni Lux, siguradong mananagot sya!

Simula nung makuha ni Lux mula sa Reyna ang balitang yun ..
lalong naging cold hearted sya..
Ni wala na syang halos kibuin samin..
Pagkatapos ng mga ensayo, ay pumapasok na sya agad sa kanyang silid. 
Napagalaman ko ding, Hindi na sya kumakain, kahit si Zyrus ang magdala ..
Nag aalala nadin tuloy ang lahat .  . lalo na ako .. At si Zyrus...

Kaya isang gabi, naisipan ko syang dalhan ng pagkain sa kanyang silid...
Pero Hindi pako kumakatok, ay nadinig ko na ang nakakapanlumo ng puso nyang, pag iyak ..
Tahimik lang sya umiyak.. Pero siguro dahil sa matinding pag iyak nayun .. Ay nagawa ko ng madinig..

' Ayoko sanang ..  Guluhin ang pag iisa nya..
Pero Hindi ko matiis.. 

' Umalis kana muna Bella.. Wag kang makulit! Bulong ko sa sarili ko !
Haysss. Hindi pwede,hindi ko sya kayang iwan sa gantong kalagayan..!
Aalis nalang sana ako , pero mas pinili pa ng mga paa kong umikot pabalik.. At bigla kong binuksan ang silid ni Lux, ng Hindi man lang ako kumatok!

Hindi ko naman akalaing..

Magsasalubong ang mga mata namin!

Kaya ayun, bahagya akong nanigas sa kinatatayuan ko, at kinabahan ako ng sagad pa sa yata sa kaba ko, nung hinabol kami ng nakakatakot na halimaw, na si Mariana!

' May ... May dala.  . akong pagkain! Kabado at nauutal kong sambit! Feeling ko nga sobrang namutla pako!!

' Nagpunas si Lux kaagad ng mga Luha nya, at wala syang ibang sinabi, kaya mas naging nakaka kaba ang sitwasyong yun!

' Naku naman! Kinakabahan ako! Sigaw ng isip ko, ni Hindi magawang kumalma ng dumadagundong kong puso.!! Kainis naman!
aalis nalang sana ako.. Kahit dala dala ko pa ang pagkaing dinala ko naman sana para Kay Lux!
Wala eh, tinatalo ako ng nerbyos!!!

Pero Hindi pako nakaka hakbang palabas,  nung madinig ko syang magsalita.  

'
' Alam mo bang, kapangalan mo halos ang taong pinaka mahalaga sa puso ko .. Marahan nyang sambit, kaya napahinto ako, at napalingon sa kanya..

' At ang pinakamasakit dun, kelanman hinding hindi ko na sya, mayayakap.. At mahahalikan..Hindi ko na madidinig ang reklamo nya,at pagiging isip bata nya, Hindi ko na sya makikita pang muli..  Kelanman..Dagdag nya pa, habang patuloy syang tahimik na lumuluha..
Parang kinukurot ang puso ko, sa nakikita Kong ganung ayos ni Lux!

' pinatay sya ng isang masamang nilalang , sampu ng aking mga mahal sa buhay, ng walang kalaban laban.. At wala ako dun , nung pinapatay sila ng halimaw nayun!kaya wala akong nagawa... Napaka walang silbi ko. Dagdag nya pa..
At sa pagkakataong yun, kitang kita Kong, durog na durog na ang puso ni Lux.. Kaya pumatak nadin ang mga luha ko..

' Hindi moyun kasalanan!! Umiiyak kong sabi.!

Kaya napatingin sya sakin.. !
Mabilis tuloy akong tumalikod!
Naku naman!!!
Bat ba umiiyak din ako? Dapat nga,pinapatahan ko sya eh!

THE ECLIPSE 2 ( COMPLETED )Where stories live. Discover now