kabanata 2

6 0 0
                                    

*Kringgggggg* *kringggggggg*

Halos nakapikit pa akong bumangon sa kama ko.  Naalala ko na kailangan kong gumising ng maaga kahit week end.  Sabado ngayon.  Alas siyete na ng umaga.  Pag week end 8 o 9 na ang gising ko kaya antok na antok pa din ako. 

"Ohh Bria?  Ang aga mo naman yata nagising anak? " tanong ni mommy sakin na mukhang kanina pa gising. 

"Ma, remember sasama ako sa shop nohh" sabi ko.  Maaga kasi ang alis ni mama kaya sasabay na ko sa kaniya at sasama sa Coffee  shop namin.

"Sus,  nag effort ka talaga gumising ng maaga ha.  O sige gumayak kana ha hintayin kita. Sabay na tayong kumain, bilisan mo ha. " sabi ni mama. 

Base sa suot niya ay mukhang paalis na siya nun... Buti at naabutan ko siya.

Naligo ako at nag bihis.  Leggings and statement shirt ang sinuot ko at saka ako nag Vans na sapatos. 

Nag liptint ako at inayos ang mga dadalhin ko.  Gusto ko kasing tulungan si mama sa shop at saka gusto ko din mag bake ng cake para makapag practice. Dahil malapit na ang birthday ni panget na Iverson kailangan kong pag aralan ng mabuti ang cake na gagawin ko para sa kaniya.

Bumaba na ako at nakita ko si mama na nasa lamesa na at inihahanda na ang mga pag kain.

"Ohh tara na't kumain." sabi niya sakin.

Siya si mama Eliza Sioson,  sexy, mabait, at teenager pa din ang pormahan kaya nag kakasundo kami. And kahit naman sa gusto ay nag kakasundo pa din kami. Mahilig si mama mag bake, nag tapos siya ng HRM kaya naman magaling siya mag luto, mag bake, at mag halo ng flavor  ng alak.

"By the way anak, bakit hindi nag pupunta si iverson sa bahay?" sabi ni mama habang kumakain.

Kilala ni  mama si iverson bukod kasi sa kaibigan ko si iverson ay best friend ni mama ang mom ni iverson. Kaya ang bilis din namin naging mag kaibigan.

"Ahh busy lang ma, baka sa isang araw mag punta yun." sabi ko.

"Birthday niya this august 30 diba? Ano pala gift mo sa kaniya?" tanong ni mama.

"Cake ma, kaya nga sasama ko sayo sa shop para duon mag bake alam ko naman na kumpleto ang  gamit mo dun, pag aaralan ko kasing ibake yung favorite niyang flavor ng cake and yun po yung ireregalo ko sa kaniya sa august 30." paliwanag ko kay mama.

Napapatango si mama habang nakangiti.

Di ko na lang pinansin ang weird na inasta ni mama. Baka tuksuhin lang niya ko kay iverson eih.

-

(Bria's Coffee Shop)

Nakarating kami sa shop pinarada muna ni mama kotse niya saka kami pumasok sa loob.

Ipinangalan ni mama sa akinang Shop kaya kung mapapansin niyo ay Bria's Coffee shop.

"Let's go baby" sabi ni mama at sabay kami pumasok sa loob.

"Good morning maam" sabi ng isang nag t-trabaho sa shop ni mama.

Nginitian siya ni mama binati din ako at saka kami pumasok sa mini office ni mama sa shop.

Naupo ako sa sofa na nanduon.

"Si Aloidia bahala sayo punta ka sa baking area. Babantayan ko muna ang shop. Okay baby? Pag nagugutom ka kuha ka lang sa ref duon may mga stock na food. Pag gusto mo munang mamahinga dito ka muna sa office okay? Nasa counter lang ako. " sabi ni mama.

Nilapag ko sa maliit na kama na nanduon ang bag ko at nag paalam kay mama na aalia at pupunta na sa baking area ng shop.

Naabutan ko namanang ilang tauhan ni mama sa coffee shop na kasalukuyang nag b-bake at nag hahanda ngmga orders.

Hiding FeelingsWhere stories live. Discover now