Chapter 02
"Himala, Men. Hindi mo yata tinatanong kung pumasok ba si Blake ngayon?" tanong ni Andrew na may halong pang-aasar.
Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako maka-move-on sa nangyari kahapon! Siya ba talaga 'yon? Siya ba talaga 'yong nagsabi no'n?
Baka, nagselos siya? Hindi, malamang. Kasi dati, kahit na makita niya akong nakikipagharutan kila Eros, hindi naman siya nagre-react nang kagaya nang gano'n. Hindi niya nga kami pinapansin.
Pero, kay Jace, nagalit kaagad? Baka, kaya siya gano'n mag-react kasi kaaway niya si Jace?
Ang nakakaloka, may pasabi pa siyang she's mine. Ano'ng ibig niyang sabihin do'n?
"Cess, okay ka lang ba?" medyo nag-aalalang tanong ni Matt.
"Huh? Hmm... yes! Okay na okay!" sagot ko sabay ngiti.
Madeline, 'wag mo na muna siyang isipin! Baka mahalata ka pa nila! Lalo na 'tong si Andrew! Mahalata ka niyang iniisip mo si Blake!
"Hindi mo ba itatanong kung pumasok ba si Blake ngayon?" nakangiting tanong ni Andrew.
"Pumasok nga ba siya?"
"Yes na yes! Himala nga ang aga niyang pumasok!"
"Weh? Anong oras?" tanong ko.
"Basta maaga!"
"Really?"
"Ms. Bello," tawag sa 'kin ng teacher namin.
"Yes, Ma'am?"
"Paki tawag naman si Mr. De Guzman sa room nila."
Bakit ako? Bakit ako pa ang tatawag kay Jace?
"Ma'am, ayaw—"
"No buts. Just call Mr. De Guzman."
"Yes, Ma'am..." walang ganang sagot ko.
***
Huh! Nakakapagod! Umikot pa kasi ako para puntahan si Jace sa room nila kahit magkakatabi lang naman kami ng room.
Eh kasi, ayokong madaanan 'yong room nila Blake! Baka makita ko siya ro'n! Ayaw ko siyang makita!
Hayst, finally malapit na ako!
"Madz," tawag sa 'kin ni Mike—isa sa tatlong manliligaw ko.
"Oh, hi, Mike!" bati ko rito sabay ngiti.
"Sa'n ka pupunta? Mukhang pagod na pagod ka, ah."
"Ah... eh, wala 'to! Hinihingal lang ako. Ikaw, saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Inutusan lang ako. Samahan na kaya kita?"
"Ay, 'wag na! Mukhang importante 'yang inutos sa 'yo. Sige, mauna na ako!"
"Okay, Madz. See you later, bye."
Nginitian ko na lang siya at dali-dali na akong pumunta sa room nila Jace.
Ang daming mga estudyanteng nakasilip sa room nila Jace. Karamihan sa mga 'to ay babae. Mga mukhang kinikilig, eh! Sigurado akong walang mga teacher 'yan kaya sumasayaw na naman sila Jace!
"Hmm... excuse me, excuse me!" sigaw ko sa babaeng nakaharang sa pinto.
Aba, mga bingi na yata ang mga 'to at hindi ako narinig?
"Excuse, please naman, oh!" sigaw ko ulit sa babaeng nakaharang sa pinto pero this time, tinulak ko na siya.
Eh, hindi makaintindi nang excuse me.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Unexpected Attitude Of My Fake Husband
Genç Kurgu(Will be Under Revision) Si Princess Madeline Bello ay secretly married sa famous, basketball captain, at g'wapong si Blake Mendez. Ikinasal sila dahil sa business ng kanilang family at mag-best friend din ang kanilang mga ina. Isang b'wan din silan...