"Kayo ang dahilan kung bakit malawak ang aking isipan, dahil sa inyong mga naituro para ako ay tumayo at sumuporta para ako ay magpatuloy at wag sumuko."
"Kringg!,Kringg!..Kringg!... Isang tawag sa telepono, at akmang sasagutin ito, panandaliang makikipag-usap at kaagad na tatapusin ang usapan at ibaba ang telepono. Sa kabilang dako ng opisina ay akmang papasok ang kanyang sekretarya at may iniaabot na mga dokumento. Binasa ito, at isang tasang kape ang akmang iniabot ng kanyang sekretarya. Sa puntong ito panandaliang titigil si Adong sa ginagawa, bubuntong-hininga ng malalim at pagmamasdan ang umuusok na tasa ng kape na nakapatong sa kanyang lamesa. (Isang malalim na buntong-hinga ang pinakawalan, mananatiling nakatitig pa rin sa tasa ng kape.)
“Sir!, tawag ng kanyang sekretarya, Okay lang po ba kayo?”(May pag-aalinlangan at pag-aalalang tanong ng kanyang sekretarya.)
“Ah!, okay lang ako huwag mo akong alalahanin, dala lang marahil ito ng sobrang pagod at puyat sa trabaho. Maya-maya lang ng kaunti ay ayos na ako!.” Papalabas na siya ng pinto ng biglang tawagin ni Andrew ang kanyang sekretarya sa mahinang tinig.)
“Sophie!?, may itatanong ako sa iyo,…(panadaliang siyang tumigil at tipong nag-aalangangan sasabihin ang nais sa kausap, pero nagpatuloy pagkatapos ng segundong katahimikan)
"…nasasabik ka ba sa mga magulang mo?, dumating na ba sa iyong buhay iyong pag-kakataong nagtanong ka sa iyong sarili kung napasalamatan mo sila? Ikaw ba?, natupad mo ba ang lahat ng mga pinangako mo sa kanila?” ang sunod-sunod na tanong ni Andrew sa kausap.
Unti-unti siyang lalapit kay Andrew at magtatanong.
“Bakit Sir? OO! naman po, at alam po ba ninyo na mahal na mahal ko sila, kaya nga po ako nagsisikap magtrabaho, para sa kanila, para makapag-aral lahat ng mga kapatid ko!.”
Sa puntong ito, animo’y nag-iiwan ng isang malaking katanungan sa isip, at labis pa rin ang kanyang pagtataka.Tumayo siya sa kinauupuan, at pumunta malapit sa bintana, habang hawak ang isang tasang kape, matamang nakatanaw siya sa isang bintana at unti-unting nagbabalik ang kanyang lahat ng nakaraan.
Init na kulay apoy, langit na kasimbigat ng putik at sa ilalim nito,ang lupa, masaganang pananim at ayaw sumuko. Isang
tahimik na pag-ani, sa kabila ng lambak, ang dilaw na bukirin ay napakahaba, nakayuko at mabigat ang mga uhay ng palay. Pinakintab ang hapon ng napakatinding init ng araw at ang malayong kabundukan ay kumikinang. Ang alikabok sa papawirin, ang bitak-bitak na lupa, ang nalalantang dahong kumakampay sa marupok na sanga. Isang ibong pipit ang nagdaan, nag-iiwan ng mabilis na anino sa pinaggapasang bukid. Sa gitna ng sangang bukid ay isang batang lalaki ang abalang nagpapalipad ng saranggola. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang nasambit, " Isang Magandang Palatandaan", ang naisaloob ng bata.
Walang anu-ano ay isang boses ng babae ang kagyat na sumigaw at nag-pipilit ilakas ang boses dahil sa pagod, "Umuwi ka daw sabi ng tatay", kanina ka pa daw hinahanap hindi mo daw binantayan yung palay na nakabilad, kinain ng mga sisiw, daming nasayang, palo ka ngayon" ang sabi ng kanyang Ate Edith, ang kanyang nakakabatang kapatid. Dali-dali akong tumakbo pauwi mula sa bukid na pinaglalaruan ng mga batang katulad ko. Anim taon ako noon, grade two sa elementary. Patpatin. Habang tumatakbo ako nasa siko ko yung paborito kong tsinelas na rambo ayoko kasing naupod kaagad dahil minsan minsan lang din ako maibili ng magandang tsinelas tulad ng ganoon..
Pumunta ako sa bilaran ng palay, sa may lona, ang daming nagkalat na butil ng palay sa lupa pero wala na dun ang palay.
Sinilong na ni Tatay ang naisip ko. Umuwi ako ng bahay. "Dumapa ka diyan sa papag!" ang sabi ni Tatay, galing sa loob ng kabahayan ang boses. Sa takot ko dumapa kaagad ako. Alam ko na ang mangyayari, papaluin ako. Pero sana yung kawayang patpat lang pampalo sakin. Ayoko kasi ng dahon ng buli na sariwa, ang sakit noon. Lagi kaming may ganon dahil nag-lalala ng banig si Nanay. Hanggang lumabas si Tatay. Tama ang hinala ko ang hawak niya ay yung walis-tingting ng bule, "di ba ang sabi ko sayo bantayan mo ang palay, ano ginawa mo nag-paway[ang paborito kung alro noong bata pa lang ako, gamit ang tsinelas na rambo]ka!, di mo ba alam kung gano kahirap gumapas para lang magkapalay!" ang Sabi nya na galit na galit sabay hampas ng bule sa hita ko tumama. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit ng tuloy tuloy na paghagupit naihi ako sa salawal. "Tama na yan, kawawa naman yun anak mo" saklolo ni nanay. Saka lang tumigil si Tatay sa paghagupit.Kasalanan ko kaya ako pinalo, tumanim sa isip ko. Dapat naisip ko nga kung gaano kahirap makigapas ng palay.
BINABASA MO ANG
Toga
Short Story1996… A boy was born on a secluded poor barrio. At a very young age, he already faced the miserable fate and the reality of belonging to a financially-handicapped family. Despite being poor, he showcased good fighting spirit toward all life’s diffic...