Chapter 03

497 5 0
                                    

Chapter 03

"Hey, Madeline, wake up!"

Hindi ko pa rin minumulat 'yong mga mata ko kahit na kanina pa ako ginigising nang boses ng lalaking 'to.

Nakakainis at medyo nakakakilig 'yong mga nangyari sa 'kin this week. So, ayon... nagbago na nga si Blake. Lahat nang galaw at kilos ko pinapansin na niya 'di gaya nang dati! Masaya naman ako ro'n, kaso... nakakainis! Grabe siya kung makapagsermon sa 'kin! Ano, nanay ba kita, Blake?

Tapos, may nakilala akong g'wapo! Si Jace! Omegesh! Ang kaso, hindi ko siya malapitan dahil sa Blake na 'to! Nagagalit, eh!

"Hindi ka ba talaga gigising, huh? Gusto mo pa bang buhatin kita dyan?" inis na tanong ng lalaking sumisira nang tulog ko. 

Sino ba 'to? Saka, 'di ba, nasa k'warto ko ako ngayon? Paano nagkaibang tao rito? At, b-bubuhatin niya raw ako?

Napabalikwas ako bigla! 

"Finally, gumising ka na rin." Inis na mukha agad ni Blake 'yong nakita ko.

"B-bakit mo ako ginigising? At bakit ka n-nandito sa k'warto ko, Blake?" naiilang na tanong ko. 

"Get up. Papasok na tayo." bored na saad niya.

"At kailan ka pa nagkaro'n nang paki sa 'kin na gumising para pumasok?" taas-kilay kong tanong. 

"No'ng nakaraan-raan lang kaya tumayo ka na dyan." bored na sagot niya. 

"Ayoko! Hindi ako papasok!"

"Hindi p'wede! Papasok ka or else?!"

"Else, what?!"

"Bubuhatin talaga kita dyan!"

"Gawin mo." sabi ko sabay irap sa kanya at bumalik ulit ako sa pagkakahiga ko kanina.

Nagtalukbong ako nang kumot. Ewan ko ba kung bakit ako napapangiti. Ang sarap lang kasi sa feeling na pinipilit kang gumising nang isang tao.

"Get up!" sigaw niya sabay hila sa kumot.

Nakapikit lang ako habang niyuyogyog niya ako.

"Aray! Masakit na, huh! Masakit na!" sigaw ko nang makaramdam nang sakit dahil sa lakas nang yugyog niya.

Grabe siya makayugyog!

"I'm sorry. Mag-ayos ka na." malumanay na sabi niya saka mabilis na lumabas sa k'warto ko.

Ang cute niyang mag-sorry! Nakakainis, napapangiti na naman tuloy ako!

Napahalakhak ako nang malakas. Waaah! Kinikilig ako, mga bes!

"Madeline, why are you laughing?" tanong ni Blake.

Nilingon ko siya sa may pinto. Nakasilip siya ro'n. Nakatingin siya sa 'kin na para bang, ano'ng nangyayari sa 'yo?

Nginitian ko siya. Nakakatuwa 'yong mukha niya. Ha-ha-ha!

"Why are you smiling at me?"

"Huh? Ha-ha, wala... w-wala 'to! Ha-ha! Ha-ha-ha!" natatawang sagot ko.

"Crazy..." iiling-iling na sabi niya.

"Hey, hindi ako baliw! Ha-ha-ha!" natatawang sigaw ko.

Baliw na ako, gesh!

***

Sabay kaming naglalakad ngayon ni Blake rito sa hallway ng school.

Grabe, hindi ko na kaya 'to! Kung nakakamatay lang 'yong masamang tingin, malamang, patay na ako kanina pa! Ang sasama nang tingin ng mga babae sa 'kin dito sa school ngayon! Purkit ba kasabay ko si Blake?!

Unexpected Attitude Of My Fake HusbandWhere stories live. Discover now