Kabanata 12

1.1K 43 1
                                    

Cleo's Pov

"Ma'am nasa labas na po sila"-magalang na sabi ni chen ang intsik na lalaki na katiwala dito sa mansion namin.

" Sige papasukin mo"-utos ko dito na agad naman niyang sinunuod

Umahon na ako sa swimming pool at saka naman ako inabotan ng isang maid namin ng towel.

"Oh kamusta pinapagawa ko sainyo? Natrabaho niyo ba ng maayos? "-tanong ko sa dalawang lalaki na kadadating lang.

"Akmang huhubarin na namin ang suot niya ng biglang-------"-hindi ko na pinatapos ang sinasabi nito dahil sa narinig ko!

" Anong huhubaran?! Sinong may sabing hubaran niyo siya!? Ang sabi ko takutin niyo!! "-saka ko hinagis sakanila ang vase na nadampot ko sa table.

" Pasensya na"-sabi ng mataba

"Teka dumating kasi si heurt "-sabi ng isa na payatot.

Dumating si heurt??

" Ano? "-takhang tanong ko sakanila.

"Oo dumating si heurt, tinulungan niya yung babae"-sagot naman ng isa na mataba.

Tinulungan niya yung babaeng yun talaga ha?!

Akmang aalis na ako ng magsalita yung payatot. " Teka ang ipinangako mong bayad samin? "-tanong nito.

Sa inis ko ay tinadyakan ko ito sanhi para mahulog siya sa swimming pool.

Binalingan ko ang mataba, yumuko ito at tumalikod sakin at saka ko siya tinadyakan!

Mga bwesit!

.....

Nicole's Pov

Saktong naglalakad ako ng makita ko ang tatlo! Sina Cleo, Haze at Lee na naglalakad din!

Kumulo agad ang dugo ko ng makita ko muka ni cleo!

Ikinuyom ko ang kamao ko at saka ako tumakbo palapit sa kanila!

" Cleo! "-bulyaw ko ng makalapit sakto namang humarap ang muka nito at sinuntok ko ito agad agad!

Sapo nito ang bibig niya habang nakatingin sakin...

" Anong karapatan mong gawin sakin ang bagay nayon?! Ang kapal ng muka mo! "-hinihingal na sabi ko.

" Eto ang tatandaan mo, kaya kong makipagsabayan sa katarantaduhan mo pero kung idadamay mo lang rin ang dangal at puri ko ay hindi na ako makapapayag!! "-matigas na sabi ko sakanya.

Yung reaksyon ng muka nito ay wala man lang galit sa halip ay maamo ang kanyang muka ngayon!!

Maamo lang ang panlabas na muka nito pero ang nasa loob ay ka demonyohan!!

" Inom ka muna "-abot ni lee sakanya ng isang bote ng can na beer.

Umirap muna ako saka na ako tumakbo palayo sa tatlo.

Pinagtitinginan pa ako ng mga studyante pero hindi ko na sila pinansin!

.....

"Teka, kinakabahan ako, gaganti kaya sila sakin? "-bulong ko lang na parang may kausap.

Nandito ako ngayon sa rooftop.

Masarap at presko ang hangin dito at higit sa lahat walang gulo!

" Pero, ang sarap sa pakiramdam! FH hinding hindi ko kayo uurungan tandaan niyo yan, malansag sana ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno! "bulyaw ko.

" Tapos? "

o_O

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko ngayon!

Si heurt!

"A-anong ginagawa mo dito? "-tanong ko sakanya.

Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi ako nito sinagot!

Oo nga pala yung panyo niya! Dali dali kong kinapa ang bulsa ko at saka ko inilabas ang panyo at iniabot sakanya.

" Panyo mo nga pala, salamat"-mahinang sabi ko.

Nanginginig ang kamay kong nakaabot sakanya ngayon! Samantalang nakatingin lang ito sa malayo!

Tumingin ito sakin. "Sayo na yan"-saka ito umalis.

Nangawit yung kamay ko ng hindi niya manlang inabot!?

Sabagay isa siya sa miyembro, kaya sigurado akong meron din siyang itinatagong ka demonyohan sa loob!

Pero bakit hindi naman tumutugma ang isip sa puso ko?!

"Haysss! "-saka ko ginulo gulo ang buhok ko..

......

Tumatakbo ako papuntang banyo dahil ihing ihi na ako kanina pa!

Ang tagal pa namang mag dismiss ng terror teacher namin!

" Hayss, salamat naman! "-sambit ko ng maka wewe na ako..

Ilang segundo lang rin ay may narinig akong yapak ng sapatos..

Pinihit ko ang doorknob pero hindi ko ito mabuksan!

" A-ano to? Buksan niyo to! May tao ba jan? "-sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan!

Kamalasan nanaman!

......

Hingal na hingal akong naupo sa upuan na kahoy dito sa ilalim ng puno!

Grabe ang akala ko ay hindi na ako makalalabas sa pinto kanina! Mabuti nalamang ay merong janitress sa banyo kanina!

Kung hindi dumating ay malamang ay hindi paako nakakalabas hanggang ngayon!!

Kakatayo ko palang ng tumambad sakin ang mga junior high na tumatakbo palapit sakin! May dala silang box at ang iba ay balde!

"Ahhhh, ayoko na! "-sambit ko at saka narin ako tumakbo at nagtago.

Hingal na hingal akong napaupo sa sahig dito sa likod ng wall..

" Grave, kumakalam na ang sikmura ko! Nagugutom na ako! "-bulong ko..

*asan na yun?

*hindi siya pwedeng makatakas!

Pamilyar na boses na nang gagaling kay cleo at lee. Sigurado!

Napayuko nalang ako habang hinihingal parin. Sigurado akong mahihirapn din nila akong hanapin.

" Ni-nicole"-utal na sambit ng isang boses.

Si Mitch!

"Mitch, magtago ka dali baka makita ka nila! "

Umiling lang ito at saka nagsalita. "Patawad"-malungkot na sabi nito at umalis na.

Mapait akong napangiti.

Yung paghingi niya ng tawad sakin nakakagaan sa pakiramdam!

Bigla nalang naging malakas ang loob ko at para bang nawala ang pagod na nararamdaman ko ngayon!

" Hinding hindi ko kayo uurungan! "-sigaw ko at saka naman may bumagsak na tubig sa akin!

Napatingala ako at nakita ko ang mga junior high sa taas na tumatawa!

Kelan ba matatapos ang kalokohan nila sakin?!


RAINBOWFADED

Fall For Her(GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon