Isa, Dalawa, Tatlo

8 0 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo narito ngayon sa harapan mo,
Nakitingin sa'yo, pero nasa iba naman ang mga mata mo.
Isa, isang araw nakita kita,
Naging kaibigan ka.
Dalawa, dalawang buwan bago ko nalaman na ako ay nahulog sa'yo.
Ngunit, hindi mo naman nasalo.

Tatlo, kapag ba nagbilang ako ng hanggang tatlo mapapansin mo na ako?
Hindi.. Dahil noong nagbilang ako imbes na saakin ka, napunta ka sa kan'ya.

Isa, isang babae na nahihibang
Dahil sa pagiging hibang, naging timang.
Naging tanga, nagbulag bulagan.
Kahit sinasaktan na s'ya ng harap harapan.
Bakit ganoon ako lang ang pinana ni kupido?
Hindi ba p'wedeng ikaw at ako para tayo na hanggang dulo.

Isa, dalawa, tatlo ako ay umasa,
Nagdusa,
Dalawang salita mahal kita.
Sinagot mo ako, tatlong salita "hindi kita kilala. "

Oo nga pala, nalimutan ko
Isa lang naman akong hamak na babae na isa sa tagahanga mo.
Nakita kita, pero ako hindi mo ako nakita.
Nahulog ako sa'yo, pero iba ang sinambot mo.

Naging kaibigan ka, pero sa panaginip lang pala.

Isa, dalawa, tatlo ako'y gigising na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isa, Dalawa, TatloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon