RIZ'S POV
Nagising ako sa paulit-ulit na pag-tunog ng isang maliit na makina. Mahina lamang iyon pero dinig na dinig ko dahil sa katahimikan ng paligid.
Masusi kong pinagmasdan ang lugar na kinaruruonan ko. Tiyak kong hindi iyon ang kwarto ko.
Nasaan ako?
Pilit kong inisip kung ano ang mga nangyari hanggang sa maalala ko si Grae. Masama ang pakiramdam ko pero batid ko ang pag-aalala niya. Pero hindi iyon malinaw dahil pakiramdam ko ay nananaginip lamang ako.
"Riz."
Agad akong napabaling sa boses na iyon. Mukhang kakagising lang din niya.
"Okay ka lang ba?" Marahan niyang pinisil ang aking kamay. Batid ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Napangiti ako. Kasabay niyon ang pangingilid ng aking mga luha. "Kuya."
Siguro nga ay nananaginip lang ako kagabi. Maaaring si kuya ang nagdala sa akin dito.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Hinaplos niya ang aking pisnge.
Hindi ko na napigilan pa ang mapaluha. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Okay na ako, kuya."
"Pinag-alala mo ako." Napasinghap siya. Hinarap niya ako saka binatukan. "Ano ba ang nangyari sayo? Mabuti na lang at itinakbo ka dito ni Grae kagabi, kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sayo."
Natigilan ako sa sinabi ni kuya. Kung ganun ay hindi nga ako nananaginip. Si Grae nga ang nagdala sa akin dito.
"Alagaan mo ang sarili mo, alalahanin mo, wala na ako sa tabi mo para alagaan at bantayan ka." Saad ni kuya.
Nakangiti ko iyong pinakinggan. Dati-rati ay halos mangilo ako sa mga pangaral niya pero ngayon ay parang napakasarap niyon sa tenga.
Tok! Tok! Tok!
Sabay kaming napabaling ni kuya sa pinto. Bumukas iyon at iniluwa ang isang taong hindi ko inaasahang makita. Natulala ako. Pakiramdam ko ay saglit akong nawala sa sarili.
"Oh, Grae, bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ni kuya.
"Gusto ko lang kamustahin kung okay na siya bago ako umuwi." Sagot niya saka bumaling sa akin.
Lunok.
Humakbang siya palapit.
Anong gagawin niya?
Nataranta ako. Agad akong napabaling kay kuya. Ayokong mag-isip siya ng kahit na ano.
"O-okay na ako." Nakasenyas ko pang pigil sa kanya pero huli na, naidampi na niya ang kanyang kamay sa aking noo.
"Hmm." Tumango siya pagkatapos ay napangiti. "Sige, uuwi na ako."
Maya-maya pa ay pumihit na siya patalikod saka makailang beses na humakbang palapit sa pinto.
"Sandali." Pigil ko sa kanya. Agad siyang natigilan. "Salamat."
Lumingon siya ng nakangiti. "Magpagaling ka."
Si Grae ba talaga ang lalaking 'to? O baka naman may sakit din siya kaya siya ganyan kabait.
Tumango ako sa kanya.
Hindi ako makapaniwala. Anong nakain niya at bumait siya ng ganun? May pangiti-ngiti pa siya.
Pinagmasdan ko siya hanggang sa mawala siya sa aking paningin.
"Dapat ay hindi ko ngayon ipapakita sayo ito pero sa tingin ko ay dapat mo ng malaman."
Sa totoo lang ay wala akong naintindihan sa mga sinabi ni kuya. Maang akong napabaling sa kanya.
Iniabot niya sa akin ang isang maliit na envelope. "Nakita na yan kahapon ni President Ho." Seryosong turan ni kuya.
Taka ko naman iyong binuksan. Pinagmasdan ko iyong mabuti matapos kong hugutin. Halos mahulog ang panga ko sa mga nakita ko.
Lunok.
Pakiramdam ko ay muli akong magkakasakit.
Napabuntong hininga si kuya. "Aaminin ko, disappointed ako sa mga grades mo pero alam kong sa susunod ay pagbubutihin mo na ang pag-aaral."
Gusto kong maiyak. Halos lahat ay pasang-awa.
Nakakahiya kay President Ho.
"Huwag kang mag-alala, hindi galit sayo si President Ho."
Napayuko ako. "Sorry kuya."
Hinaplos niya ang ulo ko. "Itutuloy mo pa ba ang pagtatrabaho sa coffee shop?"
Maang akong napabaling sa kanya. Ang totoo ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Hindi ko pa iyon napag-iisipan.
"Alam mo bang pinagpipilitan ko kay President Ho na ako na lang ang bahalang magpa-aral sayo pero hindi parin siya pumayag." Tumikhim siya saka humugot ng malalim na hininga. "Riz, alam kong mapapabuti ang kinabukasan mo kapag nagpatuloy ka sa H.U."
"Alam ko naman 'yun kuya."
"Pero sana, pakinggan mo ang hiling ko ngayon. Itigil mo na ang pagtatrabaho. Kaya kitang suportahan, ako ang kuya mo."
Napangiti ako. Sa tingin ko ay wala na rin akong magagawa lalo pa at ganito kababa ang mga grado ko. Kung tutuusin ay dapat tanggal na ako sa scholarship.
"Salamat kuya. Ayoko lang maging pabigat pa."
"Tigilan mo nga yang iniisip mo. Basta, ang gusto ko magfocus ka sa pag-aaral mo. Okay lang sa akin kung hindi kataasan ang makuha mong grades." Natawa siya. "Sanay naman ako doon eh."
"Kuya!"
"Riz, tandaan mo. Ikaw na lang ang nagsisilbing ala-ala sa akin ng mga magulang natin. Hindi ko hinihiling na maging perpekto ka. Ang gusto ko lang ay makita kang masaya."
Napangiti ako kay kuya. Sa totoo lang ay hindi ko akalaing magmamature siya ng ganito. Napakaresponsable niyang kuya at hindi yun nagbago mula noon.
"Birthday mo na sa isang linggo. Anong plano mo?" Tanong ni kuya.
Oo nga pala, birthday ko na.
"Nakalimutan mo nanaman?"
Nakangisi akong tumango.
"Anong gusto mong gawin natin sa birthday mo?"
"Gusto lang na kasama ka sa birthday ko kuya. Yun lang."
"Tsk! Sige, ipagluluto na lang kita ng mga paborito mo."
Napapalakpak ako sa narinig ko. "Yeheey!!! Excited na ako. The best ka talaga kuya."
"Wag mo na akong bolahin. Magpagaling ka dyan."
"Magaling na ako. Gusto ko na ngang umuwi."
"Bukas, pwede na tayong umuwi."
Ang gabing iyon ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Simple lang iyon pero masayang masaya ako dahil nakasama ko ang kuya ko.
🌻🌻🌻
GRAE'S POVNakahinga ako ng maluwag ng makita kong okay na siya.
Gustuhin ko mang manatili sa tabi niya at bantayan siya ay hindi ko naman magawa. Pero okay lang, alam ko namang hindi siya pababayaan ng kuya niya.
Saglit kong sinilip ang oras sa aking relo. Alas dos na ng madaling araw.
Maya-maya pa ay naglakad na ako palabas ng ospital.
Wala akong dalang sasakyan. Siguro ay mag-aabang na lang ako ng taxi sa labas.
"Grae."
Hindi pa man ako nakakalayo ng marinig ko na may tumawag sa akin. Natigilan ako saka ko siya nilingon. Patakbo siyang lumapit.
"Mabuti naman at naabutan pa kita." Si Summer.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...