Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

CHAPTER 4

2M 40.5K 18.3K
                                    

CHAPTER 4

MAAGANG NAGISING si Iris para panoorin sana ang sunrise. Nang makalabas siya ng cabin, kaagad na dumeretso ang paa niya sa dalampasigan pero ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang mapansing hindi yata sa parteng 'yon ng isla sisikat ang araw kundi sa kabila.

Bakit ba ang malas ko?

Bumuga siya ng marahas na hininga saka wala sa sariling napatitig sa lalaking naliligo sa dagat. Nasa malalim na parte ito pero dahil malinaw naman ang mga mata niya, malinaw niyang nakikita ang lalaking nakatalikod.

Mula sa kinatatayuan niya, halatang matipuno ang katawan ng lalaki.

Naglandas ang mata niya pababa sa likod ng lalaki. Ang paghanga sa mga mata niya ay napalitan ng gulat at pagkayanig ng mundo niya nang makita ang tattoo sa likod nito.

'My master has a tattoo. A plant with sword-shaped leaves and showy flower.' Parang sirang plakang paulit-ulit 'yon na nagre-replay sa isip ni Iris habang nakatingin sa matipunong likod ng lalaking naliligo sa dagat.

"R-Racini?" mahina niyang sambit habang ang mga paa ay unti-unting humahakbang palapit sa tubig. "Niccolo..."

Sumisid ulit ang lalaki, hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya pero malinaw na malinaw sa kanya ang tattoo na 'yon sa likod nito.

Panay ang linga niya, hinahanap kung saan aahon ang lalaki pero lumipas na lang ang ilang minuto ay walang umahon.

Hindi makapaniwalang napakurap-kurap siya. "W-what the hell? W-where is he?"

Lulusong na sana siya sa dagat nang may magsalita sa likod niya.

"Where is who?"

Natigilan siya at nilingon ang may-ari ng boses na pamilyar na pamilyar sa kanya. "Cormac..."

"Hey...morning."

Sa dagat ba ito naligo?

Wala sa sariling napatitig siya sa lalaki.

He's in his trunks. He's dripping wet, his hair was messy and he has a large towel around his back and shoulder to cover up his upper body.

Hmm...abs. 'Yon talaga ang napansin niya.

"Enjoying the view?" May bahid na panunukso ang boses nito.

Sa halip na makaramdam ng hiya, nag-angat siya ng tingin sa mukha ni Cormac. "You should be thankful that you're a nice view."

Slowly, a sexy smile appeared on his lips. "Really?"

Tumango siya. "Yes." Kapagkuwan ay kumunot ang noo niya. "By the way, saang parte ka naliligo kanina?"

Tinuro ni Cormac ang medyo may kalayuang parte ng dagat na nasa gilid na yata ng isla. "Medyo malakas kasi ang current dito lalo na kapag ganitong oras."

"Kung gano'n..." Her mind was running and calculating and analyzing. "...hindi ba dapat mas malakas ang alon doon sa pinaliguan mo kasi paliko siya tapos papunta ro'n 'yong current?"

"Nope," he replied calmly. "Hindi malakas ang current do'n."

Iris immediately dropped the topic. Napatango-tango lang siya saka bumaling sa parte ng dagat kung saan nakita niya ang lalaking may kaparehas ng tattoo sa asawa niya.

Pinaglalaruan ba ako ng mga mata ko kanina?

But, no...it was real! It felt so real!

Baka nga bumalik na si Racini rito sa isla at hindi lang nagsabi sa kanya. Knowing her husband, he won't just show himself to her. Walong taon itong hindi nagpakita sa kanya, kaya bakit basta-basta itong magpapakita ngayon?

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay C.C., at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni C.C.
@CeCeLib
Iris Gonzaga-Racini had made peace with her unusual life. Married, bu...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 43 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @CeCeLib.
TEMPTATION ISLAND: Desidero Me, Amore MioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon