Chapter 15

8K 64 3
                                    

Alas dose na ng hating gabi nang magising si Vera

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alas dose na ng hating gabi nang magising si Vera. Napakalakas pa rin ng ulan sa labas dulot ng bagyo. Nakatulugan pala niya ang panonood ng telebisyon sa sofa.

Nang bumangon siya ay nadampi niyang may bakas pa ng luha sa kanyang pisngi. Naalala niya na nagkasagutan nga pala sila ni Miggy, ilang oras na ang nakalilipas.

Nakaramdam na naman siya ng lungkot.

Ngunit ipinangako niya sa sarili na hindi pa rin siya susuko.

"Sinira mo ang buhay ko, Francine." Nanggagalaiting naikuyom niya ang palad. "Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganito ang buhay ko. Hinding-hindi ako susuko at ibabalik ko sa 'yo ang lahat ng sakit na ibinigay mo sa 'kin," sabi niya sa sarili.

Then suddenly, nakarinig siya ng mga nabasag. Sigurado siya na nanggagaling ang tunog na iyon sa labas. Hindi nya sana iyon papansinin pero bigla iyong nasundan ng malakas na sigaw.

Francineee!

Sa boses pa lang ay alam niya nang si Miggy iyon. Kaya naman dali-dali siyang lumabas ng bahay.

"Miggy?"

Hindi nga siya nagkamali.

Nandoon nga si Miggy at saktong naaktuhan niyang ibabato nito ang bote sa gate. Halatang nakainom ito at malakas na ang tama.

Sumugod siya sa ulan at nilapitan ito.

"Miggy!" Inagaw niya ang bote at hinawakan ito sa braso. "Nasisiraan ka na ba ng ulo, ah!?"

"Wala kang pakialam!" Slsigaw nito sabay bawi ng braso.

"Lasing ka na. Pumasok na tayo sa loob!"

Ngunit hindi siya nito pinakinggan at nagpatuloy sa pagsigaw. "Babe! Umuwi ka naaa!"

"Miggy, tama na!"

"Patawarin mo na ako, babeee!"

Wala na siyang nagawa kundi puwersahang hilahin ito sa braso at dalhin papunta sa terasa.

Arghh!

"Bitawan mo 'ko!"

"Hindi puwede! Kailangan na nating pumasok sa loob!"

"Ayoko!"

"Tayo na sa loob!"

At nagawa nga iyon ni Vera.

Pagkarating nila sa terasa ay bigla na lamang niyang itinulak si Miggy sa tapat ng pintuan.

Nahulog ito sa sahig.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka na nga babalikan ng asawa mo? Ipinagpalit ka na niya sa Raymart na iyon! Wala ka nang halaga sa kanya!"

"Hindi magagawa sakin 'yan ni Francine!"

"Gusto mo ng proweba!?"

Hinakbangan niya si Miggy sa sahig at bumalik sa loob ng bahay. Pagkatapos ay kinuha niya ang naiwang cellphone sa sofa at binalikan si Miggy sa terasa.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon