Chapter 9: The Beginning

7K 175 31
                                    

1 week after

Ayumi's POV

Andito ako ngayon sa opisina ko sa school ko. Ako din kasi ang student coucil president ng school na ito kaya't may sarili akong opisina. Ako lang ngayon mag- isa dahil meron akong iniutos kay Takeshi  at si Ian naman ay nasa klase niya. Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga papeles para sa eskuwelahan. Marami na kasing events ang paparating ngayon.

Isang linggo na din ang nakalipas pero sariwa pa rin sa akin ang huling kaso ko. Si Seven ngayon ay napunta sa isang mental hospital dahil sa nasiraan na ng tuluyan ng bait. Hanggang ngayon, ang mga pangalan pa lang ng mga pumatay sa magulang ko ang alam ko. Pero alam kong malapit ko na silang makaharap... nararamdaman ko.

*tok tok*

"Pasok" sabi ko

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Takeshi  na sa mukha pa lang, alam kong may masama nang nangyari.

"Anong nangyari?" tanong ko agad sa kanya.

Sinaran niya ang pintuan ng tuluyan na siyang makapasok at tumayo sa harapan ng lamesa ko. Kinuha ko naman ang ballpen sa pen holder ko sa lamesa at pinirmahan ang binabasa ko.

"Si Seven, nakatakas sa mental hospital" sabi niya.

Napatigil ako sa pagpirma at tiningnan si Takeshi .

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang ballpen na hawak ko para mapigilan ko ang sarili ko.

"Napansin ng mga nurse doon na hindi lumabas si Seven sa kwarto niya para mag- almusal kaya pinuntahan nila ito ngunit wala na silang nadatnan. Andoon pa rin ang mga gamit niya at magulo ang kama niya ng tiningnan ko ang kwarto niya." sabi ni Takeshi .

Hindi ko na napigilan ang galit ko at nabali ang hawak kong ballpen. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang mga papel sa lamesa ko.

"Mayroon tayong ikinabit na CCTV sa mental hospital na iyon. Mayroon ding mga pulis na nakabantay ngayon, paano siya mawawala ng ganon ganon na lang?!" sabi ko. May pagkainis na ang tono ko kaya alam kong alam na ni Rhals na naiinis na ako.

"Nawalan daw ng malay ang mga nagbabantay sa kanya at yung tungkol naman sa CCTV, nahack ang system kaya namatay ito. Pagkabalik ng power ay wala na si Seven." paliwanang ni Rhals.

Magsasalita pa sana ako kaso biglan tumuno ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawa at si Inspector pala ito.

"Hello Inspector?" sagot ko.

"Ayumi" sabi ni Inspector. Parang may halong lungkot at galit ang boses ni Inspector.

"Bakit po?" tanong ko ulit.

"Si Seven Agustin, natagpuang patay dito sa bakanteng lote malapit sa Ayala Triangle" sabi ni Inspector.

Nayukom ko ang kamao ko dahil sa galit sa nalaman ko. Iisa lang ang alam kong gumawa nito, ang oranisasyong yoon.

"Sige Inspector, pupunta na kami" sabi ko at ibinaba na ang telepono.

Tiningnan ko si Takeshi  at lumabas na siya para ihanda ang sasakyan na gagamitin namin. Saktong paglabas niya ay pumasok si Ian sa opisina ko.

"Ayumi, aalis ka ba?" tanong niya sa akin.

"Oo, bakit?" tanong kong pabalik sa kanya.

"Kasama mo ba yung Takeshi  na iyon?" tanong niya ulit sa akin.

Tango na lang ang isinagot ko sa kanya dahil may kinuha ako sa drawer ko.

"ANO?! Hindi pwede! Dapat kasama din ako!" pasigaw na sagot niya

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon