Her POV
"Raquel Jimenez!"
"Present!" Sabi ko sabay taas ng aking kanang kamay.
"Samantha Lorenzo!"
"Present!" Sabi naman ng BFF kong si Sam, kung tawagin KO.
Nagkatinginan kaming dalawa ng nakangiti at pilit na pinipigil ang tawa. At mukhang napansin yun ng isa sa mga kaklase namin kaya ibinroadcast sa buong classroom.
"Ma'am! Nababaliw na naman po si Raquel!"
Tiningnan ko siya ng masama at sinabi, "Kasama ko rin kaya si Sam! Inggit ka lang!"
Inirapan ko siya at mga 3 seconds, tumawa kaming lahat. Pati yung adviser namin nahawa.
"Grabe, hindi parin talaga kayo nagbabago! Ang kulit-kulit niyo parin!" Sabi ng adviser namin.
Karamihan sa mga kaklase namin nagreact, at kasama kami ni Sam doon.
"Hindi niyo ba kami mamimiss, ma'am?! Magtatampo kami sa inyo!" sabi ni Sam.
Tumango-tango kaming lahat na para bang nalulungkot kami sa sinabi ni Sam.
"Ano ba kayo! Hindi! Syempre mamimiss ko ang mga naging alaga ko for almost 4 years!" Ma'am "Kahit na naging pasaway kayo at minsan ay pinaiyak niyo ako...syempre mamimiss ko kayo!
"At ngayong malapit na kayong grumaduate, lalo akong malulungkot kasi hindi ko na kayo makikita. At wala naring mga studyanteng mangungulit sa akin na ipagluto ko sila ng specialty kong nilagang hipon."
Lahat kami ay nahawa sa inasta ng adviser namin kaya yung ibang mga kaklase namin, nagsimula ng maiyak. Pati si Sam, naiyak narin.
"Oy! Huwag nga kayong umiyak! Ako lang may karapatan na umiyak dito." Sabi ni ma'am habang umiiyak narin. Pinagpupunas ng mga kaklase ko yung mukha nila at pilit na tumatawa. Mamaya-maya pa ay bumukas ang pintuan at may pumasok na lalaki.
"Uhmm...ms. Castro, heto na po yu-- Anong nangyari? Bakit kayo umiiyak?! Ma'am! Anong ginawa niyo?" sabi ni Patrick na parang nagbibiro na nagtatanong.
"Tigil-tigilan mo nga ako, Patrick! Ang sabi ko nga rin diyan sa mga yan na huwag akong agawan ng moment. Ako lang pwedeng umiyak diba?" sabi naman ni ma'am
Natawa nalang si Patrick habang umiiling. Bigla naman akong kinausap ng pabulong ni Sam.
"Yieee...si prince charming..." sabi niya habang kinikiliti ako sa tagiliran.
"Ang kapal naman nito! Porket lagi kong kausap yan, crush ko na agad?!" Bulong ko rin sakanya.
"Ay hindi ko sinabi yan, sa bibig mo mismo lumabas!"
Sasapukin ko na sana siya kaso may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Raquel! Morning!" sigaw sa akin ni Patrick, napansin niya pala ako. Nagsi-yieee naman yung mga kaklase ko at sabay palakpak.
"Ha. Ha. Ha." sarcastic kong sabi sa kanila habang sakanila nakatingin. Tiningnan ko naman si Patrick at binati ito ng Good Morning.
Pagkatapos pirmahan ni ma'am yung papel na binigay ni Patrick, umalis na siya. Nagsimula naring magdiscuss si ma'am. After almost 123456789 hours, di joke, ayaw ko pang mamatay. Uwian na, kaya nagligpit na kami ng mga kalat namin.
"Bye guys and gals!" sabi namin ni Sam ng sabay.
"Bye Raquel! Bye Samantha!" Sabi nilang lahat sa amin.
BINABASA MO ANG
Kiss(one-shot)
Teen FictionAno bang ibig sabihin ng 'Kiss'? Many of you would probably say,"Mga ginagawa ng mag-syota at nang mag-asawa." Iyan rin ang akala ko nung una. Syempre dahil na din sa impluwensiya kaya naniwala ako. Pero nang dahil sa kanya...nagbago yun.